TWENTY-FOUR: ''Date?''
''Pasabay ulit ako ha? Hindi raw kasi makakarating ngayon si daddy kasi may ime-meet siyang kliyente ng aming kompanya.''
Akala ko hanggang do'n lang 'yon pero hindi ko lubos akalain na masusundan pa pala ng sunod-sunod na araw yung pagsabay sa amin ni Dessica pauwi. Iba't-ibang rason bawat araw, kesyo ganito, kesyo ganyan! Kapag nag-o-offer naman si Kirsten ng ride, marami ring rason para tumanggi. Well, hindi naman sa ipinagdadamot ko ang sasakyan namin at ayokong isabay sa pag-uwi si Dessica, sadyang duda lang ako sa mga rason niya at bawat araw may importanteng lakad ang daddy niya? Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko s'ya sa mga pinagsasasabi niya.
''Salamat, Ark at Meg ha? Sa uulitin!'' aniya pa nang nakababa na ng kotse at nasa tapat na ng kanilang bahay.
So, may 'sa uulitin' pa pala? Great! Edi expect ko na ang pang forth ride para sa kanya bukas, ikatatlong sunod-sunod na araw na niya itong pagsabay-sabay sa amin ngayong linggo.
Isa pa sa higit na hindi ko akalain ay yung mangyayari sa pang-apat na araw na pagsabay sa amin ni Dessica. Nang makarating ang kotse ni kuya sa tapat namin at bumukas ang bintana nito, kaagad naming nabungaran si Violet sa kanyang tabi.
Oh no! Don't tell me makikisabay din ang isang 'to?
''Hi, pretty little sis of Arkadee!'' kaagad na magiliw na bati nito sa akin. Nasa tono ang kasosyalan.
''Uhm.. hi Violet.'' I greeted her back. Tipid akong ngumiti.
''Sasabay ka ulit, Dess?'' tanong naman ni kuya Arkadee.
''Oo. Sasabay ako.'' sagot ng babae habang nakatingin ng tila masama sa katabi ng kapatid ko.
Bumaba ng front seat si Violet at itinuro ang nakabukas nitong pinto. ''This way, Meg, tabi kayo ng kuya mo. Sa back seat nalang ako.''
Hindi pa ako nakakapagsalita, inunahan ulit ako ni Dessica sa pagpasok at naupo ito sa tabi ng kapatid ko. Okay, as expected!
Napahugot ako ng hininga na lagi kong ginagawa lately tuwing hapon at ganito ang tagpo, tipong pinipigilan at kinikimkim ko nalang yung inis na nararamdaman ko.
''Hey, girl, I gave the way to Ark's sister, not to his sister's classmate!'' agad na mataray na sita ni Violet kay Dessica.
''Oh ano naman ngayon? Kaibigan naman ako ni Megan ah! Ikaapat na araw ko na 'to na pagsabay sa kanila sa pag-uwi at 'ni minsan hindi naman nagreklamo si Megan na dito ako umuupo sa front seat. Eh sa hindi ako sanay na maupo sa back seat eh!'' agad din na matapang na sagot ng huli.
Akmang sasagot na rin sana si Violet pero mainam na inunahan ko na. ''It's fine, Violet. Okay lang. Sa back seat nalang muna tayo.''
Lumambot ang ekspresyon niyang bumaling sa akin. ''You sure, Meg?''
Tumango ako at binuksan ang back seat at nauna nang naupo rito. Sumunod agad siya.
''Let's go, kuya Ark.'' I signalized my brother.
Tumango ito at sumulyap sa akin sa salamin tsaka humugot rin ng hininga sabay ini-start ang makina. ''Sa'n ka nga pala ulit bababa, Violet?'' anito pa sa katabi ko nang nagbibyahe na kami.
''Sa Boulevard Mall lang, Ark.'' cool namang sagot ng dalaga.
''Ako sa bahay lang namin, Ark, tulad ng lagi.'' ngiting-ngiti namang singit bigla ni Dessica.
Tumango lang si kuya at hindi nagsalita.
''Kumusta na nga pala kayo ni Cedric, Meg?'' maya-maya ay tanong sa akin ni Violet habang nakangisi at tila nanunukso. ''You're currently going out with him, right?''
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...