CHAPTER TWENTY-FIVE

394 18 6
                                    

TWENTY-FIVE: ''I should go for Cedric than him!''

Dinala ako ni Cedric sa pinakamalapit na mall sa aming school tapos akala ko kung magsa-shopping siya para samahan ko, eh mali pala ako. Bumili siya ng tigdadalawang Shomai at Shawarma sa mga nakapanindang mga naghihilirang food stand. Syempre, libre niya ito.

Nang makuha ang take-out, nagulat ako ng kinaladkad pa niya ako papasok ng Jollibee. Nang makalabas naman ng Jollibee, akala ko lalabas na ulit kami ng mall at babalik sa school then find some place there kung saan pwede naming makain ang mga pinamili niya but I'm wrong. Nagulat ako nang hinila pa niya ako papasok ulit sa isa pang fast food chain. Sa Greenwich.

''Umupo ka na muna do'n at hintayin mo ako. O-order lang saglit ako ng pizza saka lasagna. Pakidala na rin muna nito.'' aniya habang pumipila sa counter line saka inabot sa akin ang take-out na Jollibee at mga pagkaing nabili sa stand.

Nag-aalangan man ay kinuha ko pa rin. ''Dito tayo kakain, Ric?''

Tumango siya. ''Uh huh!''

''Pero pwede ba dalhin at kainin dito ang take-out na mga pagkaing na nabili sa iba?'' naiilang kong tanong.

Nang pumasok pa lamang kasi kami kanina dito hanggang ngayon ay pinagtitinginan na kami ng iilang service crew lalo na ang dala-dala namin Cedric. Mukhang bawal yata?

''May nakita ka bang nakapaskil na bawal?'' nakangisi niyang pamimilosopo.

Naghanap ako sa paligid at wala nga akong nakita. ''Wala.''

''Yon naman pala eh! Edi pwede!'' tatawa-tawa siya. ''Kaya sige na, 'wag ka nang mahiya. Wala sa batas na bawal magdala ng pagkain sa Greenwich na na-take-out mula sa Jollibee.''

''Pero I think, ang dami na rin naman nito, Cedric. Mukhang hindi na nga natin mauubos.''

Totoo naman kasing masyado na siyang maraming pinamiling pagkain. Shawarma, Shomai, tapos cheese burger, regular fries, at Sundaes pa mula sa Jollibee samantalang isang Shawarma at cheese burger pa nga lang kainin mo, busog ka na, ano pa kaya kung ganito karami? May balak siguro siyang magpataba?

''Sino ba ang may sabing hindi natin uubusin? Syempre, binili nga para kainin at ubusin!'' ngiting-ngiti talagang saad nito.

Napahampas tuloy ako sa braso nito. ''Ikaw lang! Ayokong tumaba 'no!''

''Sus! Walang diet-diet kapag ako kasama mo. Wala kang ligtas sa mga pagkain!''

''Oo na!'' sagot ko nalang saka naghanap na nga ng mauupuang table for two.

Hindi naman nagtagal ay nakasunod na rin si Cedric dala ng kanyang accomodation number para sa inorder.

''Oh? Ba't hindi mo pa binubuksan 'yan? Kain na tayo! Medyo matagal pang dumating yung lasagna eh!'' sabi niya at inumpisahan nang kainin ang kanyang Shomai saka Shawarma.

Sa totoo lang, mukhang ang takaw talaga sa pagkain ni Cedric. Nagtataka na nga ako kung bakit ang ganda-ganda naman ng katawan niya samantalang ang lakas nga niyang kumain? Eh yung iba nga d'yan, isang subo lang ng burger, lolobo agad. Pero ang isang ito? IBA!

''Kain ka na din, Meg! Matagal pa yung lasagna.''

Kahit nakakailang dahil pinagtitinginan kami ng ibang customers na kumakain at iilang napapadaang service crew ay pinilit ko pa ring sabayan siya sa kanyang trip. Kumuha ako fries at ito ang unang pinapak.

Gosh! This is first time in my life na gagawin ko ang ganito! Na kakain ako nang pinagtitinginan ng ibang tao. Bago talaga ang pakiramdam na ito!

''You're shy dahil alam mong pinakikialam ka ng iba. You know, Meg, don't be shy. Ikaw naman 'yan sa sarili mo eh kaya gawin mo lahat ng gusto mo, 'wag mo silang pansinin dahil wala naman silang magandang idudulot sa buhay mo hanggang sa nagpapaapekto ka sa mga panghuhusga nila. I mean, be yourself, be free. Huwag mong ibase ang lahat ng galaw mo sa dikta ng mga taong nakapaligid sayo kaya kung gusto nating kumain ng ganito karami at binili natin sa labas, then wala na sila do'n. Inggit lang sila dahil marami tayong pagkain at busog tayo panigurado kaya 'wag ka nang mailang pa. Okay?''

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon