TWENTY: ''Fuck that freakin' possessive idiot!''
Itinapon ni Kirsten ang bola sa itaas at malakas na hinampas iyon papunta sa aming court. Nahagip at natira agad iyon ni Rhyme tsaka ipinasa kay kuya Ark, at ipinasa naman ng huli sa akin kaya malakas at pababa na hinampas ko iyon pabalik sa court ng kalaban.
''Shoot! Yes!'' Hiyaw ni Trakes dahil hindi nagawang saluhin iyon nina Kirsten at nagkapuntos na naman ang aming team.
Narito kami ngayon sa Magallanes sports complex at naglalaro ng volleyball. By 4 each team yung game, bale sa right court ako, si kuya Arkadee, si Trakes, tsaka si Rhyme. Samantalang sa left court naman, full forces sina Kirsten, Durcan, Butch, at Honey. Si ate Martha naman yung referree at si ate Ingrid ang scorer.
Pagkatapos kasing makilala ng barkada si Honey kanina, nagkayayaan naman kaming igala s'ya sa mga parks dito sa Cavite and lastly we ended up here on Magallanes Sports Complex. Wala lang. Trip lang naming gumala at ngayon ay maglaro ng sports. Uuwi din naman kami maya-maya.
Nagpatuloy ang magandang laban at mas naging malayo na yung narating ng mataas na puntos namin ng mga kagrupo ko nang si Honey na yung nasa centerline ng kabilang grupo at si Rhyme naman ang sa amin. Honey wasn't good at this sport at all, Rhyme does, kaya hindi kayang saluhin ni Honey ang tira ng isa.
''Kirs, hindi ko kaya 'to.'' Ani Honey pa nang nasa serving line na siya at turn naman niyang mag-serve.
Halatang wala talaga siyang passion sa sports na 'to but it's okay, we cannot always have it all naman talaga.
''Kaya mo 'yan, Hon! Laban lang.'' Nakangiti lang namang sagot ng pinsan ko sa kanya.
''Hindi talaga ako marunong.'' Iiling-iling pang wika niya sabay hampas ng bola pabalik dito sa aming court. ''Sabi na eh, hindi talaga ako marunong! Sorry, guys!''
Hindi nga naman talaga siya marunong dahil ilang beses nang tira niya ito ngunit hindi talaga niya magawa-gawang ipasok.
''Tss. Walang challenge, walang thrill!'' Iiling-iling na bulong ni Rhyme mula sa likuran ko habang matamang nakatitig sa mukhang stressed na si Honey.
''It's okay, Hon. It's okay.'' Mabait at nakangiting tapik naman ni Butch sa kanyang balikat.
''Nakakahiya.'' Nakayuko'ng sagot niya.
Hinawakan ni Butch ang kanyang baba para paharapin siya rito at magtama ang kanilang mga mata. Nagulat man siya ngunit hindi naman niya ito sinita.
Umiling si Butch habang banayad na nakangiti. ''Huwag na mahiya. Okay lang 'yan, bawi nalang tsaka matututo ka rin naman kalaunan. Chin up, beautiful!''
Magaan nang tumango-tango si Honey. ''Salamat, Butch.''
''Okay, back to game. Sayang ang oras, buwiset!'' Dabog na sigaw ni Rhyme bigla at naghanda na ng posisyon sa serving area.
And Rhyme's next stroke was agressive and angry kaya lang hindi naging maganda ang resulta niyon dahil lumabas ng court ang lipad ng bola.
''Whoah! Easy, lover boy! 'Wag personalin!'' Humahalakhak na sinapak siya ni Trakes.
''Mukhang humuhugot si pare'ng Rhyme ngayon ah?'' Nakangising asar pa ni kuya Durcan mula sa kabila.
''Chill, Rhyme! Hindi ka pa maaagawan!'' Natatawa ring sunod ni ate Ingrid.
''Hindi, dahil hindi ako papayag na maagawan ako ng sarili kong pag-aari!'' Seryoso at pasupladong sagot ni Rhyme habang pinapahid ang pawis niya sa mukha ng kanyang suot na damit ngayon habang parang papatayin ng masamang tingin si Butch mula sa kabila.
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Novela JuvenilMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...