CHAPTER NINETEEN

163 22 6
                                        

NINETEEN: ''You're so corny!''


Kinahapunan, matapos kaming ipasyal ni Rhyme sa kanilang bahay sa Tagbilaran at magkwentuhan tsaka kumustahan kasama ng kapatid niyang si kuya Royce at ng asawa nito, naisipan naman namin ni kuya Ark na mamasyal-masyal muna, hindi na nakasama si Rhyme may tatapusan pa raw kasi umanong paperworks related sa klase nito sa PE na pinagtuturuan.

Nakaabot kami ni kuya sa Mactan Marina Mall para bumili ng kung anu-anong mga pasalubong para sa pag-uwi namin mamaya sa Cavite. Pampalubag-loob na lamang sa mga tampo'ng sasalubungin namin sa barkada dahil hindi namin sila sinama dito sa Visayas, kina Rhyme.

''Meg, this will suit Trakes, what do you think?'' Nakangising ani kuya Ark sabay pakita sa akin ng damit na kinuha niya sa buy1 take1 na pulang rugged na damit na ang style ay t-shirt pero may butas sa kili-kili.

Natawa ako bigla. ''Oo!''

Nasa may men's section kasi kami ngayon kaya heto, wala kaming mapagtripan kundi mga damit at sabay na magtatawanan.

Lumapit si kuya Ark sa akin tsaka itinatapat ang isang pares nung damit sa akin sabay hagalpak ng tawa. ''Bagay na bagay sayo, Meg! Pwede nang couple shirt ninyo ni Trakes! xD''

Hinampas ko nga sa braso tsaka itinulak palayo sa akin ang damit. ''Hindi kaya! Mas bagay 'yan kay Kirsten, alam mo na, there's something between her and Trakes!''

''Pero try mo muna, Meg, baka bagay naman talaga sayo 'tong damit!'' Pilit pa rin niya.

Humahalakhak na inirapan ko. ''Hindi, mas bagay sayo!''

''Bagay sayo! Tingnan mo nga oh, perfect talaga oh!'' Aniya at muling itinapat sa akin ang damit.

''Ah gano'n ha?'' Marahang tinampal ko s'ya sa kanyang dibdib. ''Ang sama mo!''

''Ohhyy, napikon kaagad s'ya! Ohhyy!'' Patuloy pa rin niya sa pang-aasar sabay kiliti sa aking tagiliran.

Halos mapatalon ako at mapatili sa kanyang kakulitan. ''Kuya, tigilan mo nga 'yan!'' Saway ko na.

''Ohhhy, pikon! Ohhy!'' Patuloy pa rin ng loko.

Panay naman ang iwas at tawa ko. ''Tigil na nga sabi, anu ba, kuya! Hahahahaha!'' Kiniliti pa rin niya ako ng kiniliti kaya walang tigil na 'ko sa kahahalakhak.

Pinagtitingin na rin kami ng mga taong dumaraan pero wala kaming pakialam. Hindi naman kami tagarito at wala naman sigurong nakakakilala sa amin dito.

Ang kulit!

''Oh shit!''

Napatigil lamang kami bigla nang marinig ang mahinang mura na iyon ng isang babae mula sa aming likuran. Nang aming lingunin ay pinaghalong pagkabigla at tuwa ang naramdaman ko.

''Honey?'' I asked smilingly to her.

Kunot-noo'ng tiningnan niya lang ako saglit, marahil ay nagtataka siya sa natutuwang reaksyon ko at kung paano ko nalaman ang kanyang pangalan. Medyo na-offend nga lang ako nang tumaas ang isa niyang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Well, I cannot blame her, she just thought I had an affair with her lover Rhyme when she saw the two of us in the coffee shop hours ago.

''Do you know her, Meg?'' Bulong ng kapatid ko sa akin.

''Yeah. Rhyme's girlfriend.'' I also whispered on him.

Tumango-tango naman bilang pag-intindi si kuya. I looked at Honey again then I smiled nicely. ''You're Honey, right?''

Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang magalit o ma-turn off man lang sa kanya dahil sa ginawa niyang paghi-head to toe sa akin na kadalasan kapag ibang tao ang nagtaray ng gano'n sa akin ay tinatarayan ko rin. This one's just different. Maybe, dahil naiintindihan ko s'ya at nakaka-relate ako sa nararamdaman niya nang na-misinterpret niya kaming dalawa ni Rhyme at nagselos s'ya.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon