PROLOGUE

2.1K 63 33
                                    


''KUYA, dalian mo, male-late na talaga tayo!'' sabi ko sa kapatid kong si kuya Arkadee habang malalaki ang mga hakbang na naglalakad sa school field.

''Oo, Meg. Oo, dalian na natin.'' aniya naman na parang hirap na hirap na humahabol sa likod ko.

Katunayan, maaga pa kaming dumating dito sa school kanina at wala pang katao-tao halos sa classroom, mga tatlo palang siguro kaming estudyante, kaya naman nang bigla siyang pumasok sa room at niyaya akong samahan muna s'ya sa pagkain sa pinakamalapit na cafeteria sa labas ay pinaunlakan ko naman. Hindi kasi siya kumain sa bahay kanina bago umalis kasi wala raw siyang gana tapos no'ng nandito na sa school, ginutom din naman.

Pareho rin kaming hindi namalayan yung oras at napasarap ang kwentuhan namin ng mga kung anu-ano lang. Big bro's and little sis's thingy. Close kasi talaga kaming dalawang magkapatid.

''Ikaw naman kasi, kuya eh! Inaliw mo pa ako sa pakikipagkwentuhan sayo. May role play pa naman kami sa first subject namin sa Filipino ngayong umaga tapos first performer pa yung grupo namin!'' patuloy kong salita habang naglalakad.

''Inaliw mo din kaya ako, Megan, pero oo, kasalanan ko 'to. Sorry, Meg. Dapat kasi binantayan ko yung oras.'' nahimigan ko ang guilt at regret sa kanyang tono.

Tila ba nakunsensya naman ako kaya kaagad ko itong nilingon at umiling ako. ''Don't blame yourself, kuya. May kasalanan din naman ako.''

''No, Meg, kasalanan ko talaga-''

''Hay naku, 'wag na tayong magsisihan, kuya. Pareho lang tayong may kasalanan. Dalian nalang natin para makaabot pa ako sa role play namin.''

Tumango ito at sinabayan na ulit ako sa mabilis na paglalakad. Mayamaya pa ay tumakbo na talaga ako para mas madali akong makarating sa classroom.

''Megan Deborah, dahan-dahan lang at baka ka madapa.'' may pag-alalang pinahabol ni kuya.

Nang makarating ako sa tapat ng building ng aming room ay nilingon ko na siya at kinawayan. ''Bye bye, kuya Ark!''

Kumaway din siya sa akin. ''Bye bye, little sis! Galingan mo sa role play ninyo, kaya mo 'yan ikaw pa!''

''Oo, kuya, gagalingan ko!'' huling sinabi ko at tuluyan nang pumasok sa aming building.

Kaagad akong umakyat sa hagdan para makarating sa second floor at makarating do'n sa classroom namin. Sa sobrang pagmamadali ko namang makarating sa aming room ay may bigla naman akong nakabangga sa corridor. Nahulog lahat ng mga librong dala-dala ko.

Shit, ba't ngayon pa!

''Sorry. I'm sorry.'' paulit-ulit ko pang sambit sa lalaking nakabangga ko habang pinupulot yung mga libro sa sahig.

Nakatayo lang s'ya at tahimik na tila pinanunuod lamang ako. Ang sarap nga sana niyang sabihan na ''Care to help?'' kainis kasi! Pinanuod lang daw ba ako sa pagkuha ng mga libro ko!

Swerte s'ya dahil nagmamadali ako ngayon at wala akong oras para magtaray dahil kung hindi, kahit kasalanan kong hindi ako nakatingin sa daraanan ay sisinghalan ko talaga siya! Kahit papa'no babae pa rin naman ako ah at lalaki s'ya, so, he should be gentleman!

Nang makuha ko na ang lahat ng libro at akmang tatayo na sana ulit ako, nagulat naman ako nang bigla nalang niyang hinawakan ang isang kamay ko. ''Megan..''

Tuluyan akong napaangat ng tingin sa kanya at nagulat ako nang makita kung sino ito. Si Daniel, ang masugid kong manliligaw. Tulad ng lagi ay seryoso ang kanyang mga mata at supladuhin ang kanyang aura.

''Dane, ikaw pala!''

Tumango siya at kinuha ang mga libro mula sa mga kamay ko. ''Ako na magdadala para sayo.''

Agaran ang pag-iling ko at akmang babawiin ang mga libro ngunit hindi niya ako hinayaan. ''Daniel, you don't need to-''

''I want to help you.'' pinal niyang sinabi at naglakad na papuntang classroom namin.

Sumunod naman agad ako sa kanyang likuran. ''Dane, kanina ka pa dumating? Nag-start na role playing?''

''Medyo, hindi pa nag-i-start.''

Napahinga ako ng maluwag, salamat naman at hindi pa pala nag-umpisa, makakapag-perform pa ako.

Tiningnan ko ang likod ni Daniel habang nalalakad at dala-dala ang mga libro ko para sa akin, napailing-iling nalang ako. Matagal na talaga siyang determinado sa panliligaw sa akin.

___

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

Thanks and Godbless :-)

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon