CHAPTER SIX

418 47 31
                                    

SIX: ''What are you doing here?''


''A quadrilateral is a closed plane figure consisting of four line segments or sides. These sides may or may not be congruent and parallel.''

Nakapangalumbaba ako habang ramdam ko na yung hapdi ng mga mata ko sa sobrang antok dahil sa Geometry namin. This is how I really hate math subject, sobrang inaantok ako!

Dagdagan pa ng teacher naming traditional kung magturo. Tuloy-tuloy tapos siya lang yung puro nagsasalita. Medyo strict at ubod ng BORING!

''Haha. Keri pa, Meg?'' Natatawang ani Kirsten sa tabi ko.

''Keri nalang!'' Pabalang kong sagot saka umirap sa kawalan.

Bakit pa kasi nagkaroon ng subject na math sa mundo. Tss! Sana i-demolish na rin 'to sa Pilipinas!

Lumingon ako sa likuran, sa seats nina Daniel at nakita ko siyang nakatitig sa akin habang nagte-take down notes ng mga itinuturo ng teacher namin sa harap.

Umayos lamang ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa napaka-boring na guro nang magsimula na itong mag-room around.

''Quadrilaterals can be named by their vertices. The order of naming the vertices is important.'' Anito nang dumaan dito sa tabi namin at para bang mataman kaming binabantayan kaya lahat tumitino at tumatahimik, walang gustong kumibo kasi natatakot masita.

''A quadrilateral is convex if and only if its diagonals intersect.''

Ang boring talaga!

''Mr. Lim, I saw you writing. You're busy while I'm still talking. Can you share to us what you are writing?'' Anang guro pa habang nakatayo doon sa gawi ni Daniel.

Napalingon ulit ako do'n sa kinaroroonan ng huli at nakita kong nakayuko na siya. What did he do? Eh nagte-take notes lang naman s'ya ng lessons 'di ba? Anong masama roon?!

Inagaw ng guro ang notebook na sinusulatan niya at naglakad ulit ito papunta sa harap, sa may blackboard habang dala pa rin yung notebook ni Daniel.

''Oh girl, you are the apple of my eye.

The pages of every book of my dreams.

The horizon of where the sun sets.

And the love of my life.'' Sinimulan nitong basahin ang notebook ni Daniel.

Nagtatakang nilingon ko ulit siya at nakita kong hindi niya masalubong ang aking mga mata kaya umiiwas siya na parang nahihiya siya sa akin. I thought he's taking down notes awhile ago? but what is this!

''You are so beautiful.

I was really mesmerized by your charm.

I will really take good care of you.

Just please love me too.'' Patuloy pa ni teacher.

Nagsisimula nang magtawanan ang mga kaklase namin, pinagtutukso na rin nila si Daniel.

''Hindi namin alam, may kabaduyan ka rin palang itinatago sa katawan mo, tol! HAHAHA!'' Asar ng loko-lokong si Baste.

''Grabe! Lakas! HAHA!'' Sunod pa ng isang kaklase.

''This poem is for my dearest dream Megan Deborah. From Daniel Lim with love!'' Pagtatapos ng guro sa pagbasa. ''Now, can you tell us why you were writing a love letter during the class, Mr. Lim?''

Tumayo mula sa kanyang upuan si Daniel at diretso'ng hinarap ang buong klase, lalo na ang guro.

''Because I mean it, cher. I mean the content for the receiver.'' Seryoso'ng aniya.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon