CHAPTER TWELVE

215 25 10
                                    

TWELVE: ''Don't touch me and stop blocking my way!''


''Ark!'' Maaliwalas at maligayang naisambit ni Trakes habang nakatingin sa likod ko kung saan nanggaling yung boses.

Doon na tuluyang lumipad ang aking mga mata sa front door at nakita siya, ang kuya kong halos tatlong taon kong hindi nakita! Nagtama ang aming mga mata at kumalabog ang aking puso nang makita ang malapad niyang ngiti habang matamang nakatitig direkta sa aking mga mata. My heart almost melts when he smiled at me.. that smile, that smile that was very familiar to me!

''Arkadee, son!'' Tuwang-tuwang ani daddy habang nakatingin rin sa kinaroroonan ni kuya.

Arkadee just smiled at our amused family tapos ay naglakad siya palapit dito sa akin. Natitigilan ang lahat habang pinanunuod siyang binabalagtas ang distansya mula sa aming dalawa.

I was just so stunned right here where I'm standing while watching him walk towards me. He's just wearing a black v-neck shirt and maong faded pants tapos nike shoes, just a rugged style compared to all the men whose on their formal suits on this night party of mine. Medyo humaba yung buhok niya na medyo magulo ngayon dahil halatang kagagaling lang sa isang biyahe, lumaki at mas naging matikas na rin ang kanyang pangangatawan, he has broad shoulders, mas kuminis pa ang moreno niyang kulay, and his body looks really matured now, 'yon bang tipong binatang-binata na talaga. Marami na talagang ipinagbago ang pisikal niyang aspeto ngunit isa lang ang alam at ramdam kong hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon, 'yon yung kanyang mga mata tuwing tinitingnan ako.

''I'll be her last dance for tonight so back-off, dude.'' Aniya pa kay Cedric nang madaanan ito sabay agaw ng rosas na ibibigay sana nito para sa akin.

Wala namang nagawa si Cedric kundi hayaan na lamang yung kuya ko at umatras pabalik sa table niya, he just give the way to my brother.

How could Arkadee do this? Like how could he really be like this! He left me alone for almost three years then here he comes now, showing himself infront of me and even stole the role of my supposed to be last dance for tonight!

''Happy Birthday, sweetie.'' He said then he gave me his softest smile, that familiar one, that one I cannot ever forget no matter how mad I am now.

He gave me the rose and started to dance me. He's smiling endlessly while staring at me, habang ako naman dito ay halos hindi makagalaw. Now that he's very close to me again, hindi ko na magawa pang salubungin ang kanyang mga mata kaya napapayuko na lamang ako. We're now dancing and swaying by the soft melodic music yet I feel like I'm just a robot right now controlled by something.

Pakiramdam ko namanhid ako bigla, sa pinaghalo-halong mga emosyong nararamdaman ko ngayong magkasayaw kami, habang malapit s'ya sa akin, at habang nandito na ulit siya, pakiramdam ko talaga wala na akong maramdaman. All I want right now is for this dance to end dahil gusto ko nang mapalayo na lamang sa kanya.

He gently touched some strands of my hair on my cheek and put them at the back of my ear. ''I missed you, Meg.'' He whispered.

I remained silent. How I wish to end this dance really right now!

''Dalaga ka na talaga, Meg, parang kailan lang 'no? Parang kailan lang no'ng high school pa lang tayo, ngayon parehong college na tayo. Ako, 3rd year tsaka ikaw ngayon magfi-1st year. I'll surely miss our childhood years.'' Patuloy niya sa pagsasalita habang tila aliw na aliw sa pagbabalik tanaw ng nakaraan.

Nangingilid ang mga luha ko, gusto ko na talagang umalis rito. Gusto ko nang lumayo sa kanya! Lumaki ako ng laging malapit at nakadepende sa kanya ngunit nang iniwan niya ako, pakiramdam ko nagbago na ang lahat at ang sobrang muling pagiging malapit sa kanya ngayon ay pagkailang na para sa akin. Yeah, I admit it, naiilang na naiinis ako sa kanya sa mga sandaling ito.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon