ELEVEN: ''I don't know. Na-miss rin siguro kaya lang ayoko na munang ibalik iyon.''
(Megan's POV)
''Megaaaaan! Happy, happy birthday!'' Malakas na tili ni Kirsten pagkabukas pa lamang niya ng pinto dito sa aking kwarto.
Sinalubong niya ako ng halik sa pisngi tsaka yakap. I hugged her too.
''Thanks, Kirs.'' Tipid na ngiting sabi ko.
Ngumuso s'ya. ''You don't look like happy. Aren't you happy now that you're already eighteen? I mean, ganap ka nang dalaga!''
Bumaba ang tingin ko sa aking mga kuko. I'm happy, I'm trying really hard to be happy ngunit ipagkaila ko man, may kulang pa rin talaga. ''I'm happy.'' Walang kangiti-ngiti kong sagot.
It's been three years since he left. Since the day he left me and until now, I'm still damn crazy missing him, and still waiting for him to come back every single day that passes. Paulit-ulit pa rin akong umaasa na baka hindi naman niya ako matitiis at uuwi din naman agad siya dahil mapagtatanto niyang mas gugustuhin talaga niyang naririto kasama kaming pamilya at mga kaibigan niya, ako na kapatid niya.
''Wow happy? Hindi halata!'' Pabalang niyang sagot.
Nanahimik ako kaya nagpatuloy siya. ''You're still waiting for Arkadee too much?''
Hindi ako nakasagot. Kahit hindi ako magsalita, alam na alam na rin naman niya ang sagot sa sarili niyang tanong.
Lumipas ang tatlong taon nang walang Arkadee na bumabalik galing ng Canada. I can't believe him, like I just really can't! Pa'no niya natitiis na malayo sa amin? Sa pamilya niya! Sa akin na pinakamalapit niyang kapatid! Masaya kaya s'ya do'n ngayon habang malayo siya sa amin? habang hindi niya kami kapiling? Masaya kaya s'ya sa buhay roon nang namumuhay ng mag-isa? Pa'no na lang kung magkasakit siya roon? kung may mangyaring hindi maganda? Sino ang mag-aasikaso sa kanya samantalang nandito kaming pamilya niya! Narito sina mommy at daddy na malayo at hindi siya maaalagaan!
Hindi ko na halos maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Malungkot ako, nangungulila, nagdaramdam, nagagalit! Lahat ng 'yan ay nararamdaman ko dahil sa kapatid ko! Dahil nakakaya niyang wala kami sa tabi niya, dahil mukhang kuntento na yata siya sa buhay niyang malayo sa amin, at higit sa lahat, 'ni hindi man lamang niya iniisip yung sakit na epekto ng idinudulot ng napakalayong distansya namin ngayon sa bawat isa. I mean, sobrang nasanay akong mula pagkabata magkasama kami tapos eto siya ngayon, nawala bigla at talagang nahihirapan ako kahit tatlong taon na siyang malayo. It's just that I just can't really move on!
''Alam mo, Meg.'' Marahan niyang sabi sabay hawak sa buhok ko sa likuran. ''I know that you really miss him right now, so much. Pero kahit anong gawin natin hindi talaga 'yon uuwi sa ngayon, eh nag-aaral pa do'n sa Canada eh. But after he graduate? Paniguradong uuwi din agad 'yon dito. So, don't over think of your kuya Ark anymore, just enjoy your day. Okay?'' Then she smiled at me.
Pinilit kong ngumiti ng kahit konti man lamang saka tumango. ''Okay.''
''Bravo!'' Aniya sabay palakpak sa ere ng mga kamay. ''Good! By the way, ano nga pala'ng plano nina tita at tito ngayong debut mo? Sa'n ang venue ng celebration saka anong oras mamaya?'' Tila excited na excited na tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. ''I don't know pero feeling ko, wala sigurong celebration. Mukha kasing nakalimutan nilang lahat na birthday ko ngayon.''
It's true. Alas diyes na ng umaga ngayong araw ngunit tanging itong si Kirsten pa lamang ang bumati sa akin ng happy birthday at ibang mga classmates naming nag-text sa akin. Ngunit dito sa loob ng bahay? Sa sobrang busy yata ng halos lahat sa kanila ay nakalimutan pa nila.
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
JugendliteraturMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...