SIXTEEN: ''God knows how much I've missed you, Megan Deborah!''
''Okay lang ako, kuya. I can take it.'' I tried to sound good just to cover up the pain I'm feeling.
Narinig ko ang mga yapak niyang naglibot-libot sa paligid ng kwarto na para bang may hinahanap.
I'm sure it's Kirsten who told him about my condition right now. Sabi ko naman kasing huwag nang sabihin eh!
''Kung hindi ko pa nakasalubong kanina si Kirsten galing dito sa kwarto mo, baka hindi ko pa nalaman ang lagay mo ngayon. Anyway, namimilipit ka na sa sakit ayaw mo pang ipaalam, 'ni hindi ka pa umiinom ng kahit pain killer man lang.'' He speaks seriously.
'Shit!' I cursed silently. Pa'no niya nalamang hindi pa ako umiinom ng gamot?
''Sir Ark, heto na yung gamot na ipinabili ninyo sa akin.'' Dinig kong ani Sasa, isa sa aming mga katulong.
Kita ko pang may ipinatong itong maliit na palanggana sa aking table na may lamang maligamgam na tubig tapos bimpo tapos bottle tsaka yung Buscopan Venus na gamot para sa dysmenorrhea.
''Salamat.'' Arkadee said.
Then I heard Sasa's footsteps going downstairs. Naupo naman si kuya sa gilid ng kama sa tabi ko tsaka marahan niya akong kinabig sa braso para humarap sa kanya.
''I asked ate Martha about your medicine. Nabanggit niya sa akin na ilang buwan na rin daw na walang laman ang medicine kit mo that's why I know you were lying when you told Kirsten you already take the medicine.'' Sabi niya habang inihahanda ang bimpo para sa akin.
Nang handa na ay idinampi niya iyon sa aking noo tapos ay nilagay naman niya sa puson ko ang bottle na may laman ring maligamgam na tubig kaya hinawakan ko na rin iyon para hindi mahulog tsaka siya mismo ang nagpainom sa akin ng isang tableta'ng gamot kasabay ng isang baso'ng tubig. Hindi ko na rin naman tinatanggihan ang pagtulong niya dahil wala na akong lakas para gawin 'yon, masyado na akong mahina ngayon dahil sa sakit ng pakiramdam ko.
''Kuya.. ''
''Hmmn?''
Hindi ko na napigilan pa at napahagulgol na talaga ako. ''Ang sakit-sakit talaga ng atake ng dysmenorrhea ko!'' Parang batang sumbong ko habang umiiyak.
Nakita ko namang nadagdagan pa ang pag-aalala sa mukha niya. ''You want me to call you a doctor now? Papuntahin ko dito para matingnan ka.''
Maagap akong umiling. ''My doctor is already here. Dito ka lang, alagaan at bantayan mo ako buong araw hanggang sa gumaling ako. 'Wag mo na ulit akong iiwan!''
He sighed in relief and smiled in happiness then nodded. ''Dito lang ako. Hindi na ulit kita iiwan, hindi na ulit.''
I smiled too, kahit masakit ang puson at luhaan ay nagawa ko pa ring mapangiti. This bottle in my stomach, bimpo on my forehead, pain killer I've took, his presence and tender care are somehow the real effective cures kung bakit pakiramdam ko ngayon ay gagaling din ako pagkatapos ng sakit na ito.
''Thanks.'' I said.
Marahang tumango siya. ''Sige na, magpahinga ka na. Ako na munang bahala dito ngayon. Babantayan kita para gumaling ka kaagad.''
Marahan din akong tumango. ''Sige.'' Bigla ko namang naalala ang isang bagay. ''Uhm, kuya, pakikuha nga pala ng MP3 diyan sa drawer ko, yung niregalo mo sa akin no'ng birthday ko ah? I want to listen to music para mas makapagpahinga ako ng mabuti, makatulog, at mabilis na gumaling.''
Nakita ko naman ang tuwa sa kanyang mukha nang kinuha n'ya sa drawer ko ang regalo niyang MP3 saka inabot ito sa akin. Tinulungan pa nga niya akong ayusin yung headset at s'ya na mismo ang nag-program para sa akin para ako na lamang yung pumili ng mga kantang gusto kong pakinggan tapos inilagay niya sa aking tainga ang headset. It's my first ever time to use this from the day he gave it to me during my 18th birthday.

BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...