CHAPTER TWENTY-THREE

91 14 3
                                    

TWENTY-THREE: ''Very close.''

''Papalibrary ka?'' Cedric asked me so cool.

Naiilang at nahihiya akong tumango.

''Papasok ka pa sa loob? Ayan na yung librong naiwan mo 'di ba?'' kuya Arkadee interrupted while pointing my book.

I nodded.

''Oh ba't ka pa papasok?''

''Sasamahan ko lang si Cedric.'' sabi kong hindi makatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

''Pero may klase ka pa 'di ba?''

I shook my head. ''Vacant ko one hour.'' Damn, I lied!

''Vacant mo pala, Meg? and you'll be with me. Great!'' biglang singit ni Cedric na mukhang tuwang-tuwa.

''Sigurado kang vacant mo ngayon, Megan Deborah?'' seryoso at maawtoridad na tanong ni kuya.

I nodded again while still can't afford to take even a single glance on his eyes. Shit! I am not a good liar!

''Vacant naman daw niya, pare. Payagan mo na!'' tinapik ni Cedric sa balikat ang kapatid ko.

''Oo nga. Vacant naman kaya 'wag na masyadong strict, kuya Arkadee!'' tumatawang inakbayan naman ni Violet si kuya Ark.

''Basta, pagkatapos ng one hour vacant, pumasok ka agad sa next class mo ah? Don't dare to absent, Megan!''

''Oo.. oo na, kuya!''

Shit! Kung hindi lang ako umiiwas sa kanilang dalawa ni Violet eh, hindi ko sana kailangang magsinungaling ng ganito. Damn it!

Inakbayan ako ni Cedric na medyo ikinabigla ko.

''Let's get inside, Meg.'' aniya.

Nagpatianod ako.

Binuksan niya ang pinto ng lib at pinauna niya akong pumasok ngunit bago ko ginawa ay nilingon ko muna sina kuya Ark. Nasa kinatatayuan pa rin niya sila nang ikinumyapit ni Violet ang braso nito sa kanya. ''Tayo na, Ark. Baka ma-late pa tayo sa klase natin.''

Nagpatianod nga si Ark pero nanatiling nakalingon ang kanyang mga mata sa aming dalawa ni Cedric. Tuluyan lang siyang nakataas mula sa aking paningin nang isinarado na ni Cedric ang pinto.

''This way, gorgeous.'' aniya pa at itinuro sa akin ang bakanteng table na pagpupuwestuhan namin.

Hinawakan niya ako sa braso kaya napalingon ako sa kanya. Nakadiretso lang naman ang paningin niya at nang mukhang naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay tiningnan din niya ako tsaka nginitian. Nag-iwas kaagad ako at naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko dahil sa hiya at ilang.

Shit! What the hell was this for!

Inilabas niya ang iilang dalang libro mula sa bag n'ya tsaka notes at inumpisahang gawin ang kanyang assignments, puro iyon mga drawing and plans ng Engineer na hindi ko maintindihan.

''Yan na ba yung tinatawag ninyong blueprint ng mga Engineers?'' curious kong tanong habang nakapangalumbaba at pinanunuod ang pag-drawing niya.

He took glance of me then smiled and nodded.

''Hindi naman ba mahirap ang pagiging Engineer?''

Umiling siya. ''Hindi naman, as long as passion mo naman ang paggawa ng mga bahay.''

Tumango nalang ako at tahimik na lamang ulit na pinanuod s'ya sa kanyang ginagawa. Para bang expert na expert at alam na alam niya ang ginagawa na siya namang hindi ko talaga maintindihan. Hay, Engineers. Hay, math!

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon