TWENTY-ONE: ''Ang cute!''
Dumating na ulit ang first semestral sa aming paaralan at second year na kami ni Kirsten, fourth year na si kuya Arkadee at graduate na sina ate Martha at Ingrid. Kasalukuyan nang nagre-review ngayon yung dalawa para sa darating na board examination.
''Hi, Kirs! Hi, Meg!'' ani Christy nang pumasok sa bago naming classroom.
Naupo s'ya sa tabi namin ng pinsan ko at ang tatlo namang sina Anika, Florence, at Dessica, naupo sa harapan namin.
''Hello.'' I simply smiled and greeted back at them.
''Namiss ko kayo, girls! Kumusta na?'' tuwang-tuwa si Kirsten na mukhang mag-uumpisa na namang magkwentuhan sa mga ito.
''Eto, maganda pa rin!'' si Anika ang sumagot sabay halakhak.
Napatawa si Kirsten pati na rin ako.
''Eh, kayo ba, kumusta naman ang bakasyon n'yo?'' si Florence naman ang nagtanong.
''Ayos, ang saya! Gala dito, gala doon kasama ng barkada at pamilya. 'Yon lang ginawa namin buong summer!''
At 'yon na, napaganda na ang kwentuhan nila, minsan nakikikwento at tawa na rin ako kapag may nakakatawa sa pinag-uusapan nila. I, somehow, missed these girls.
Napatingin ako sa paligid ng classroom. Bagong room, may mga iilang bagong classmates pero karamihan gano'n pa rin, yung mga dating classmates namin no'ng first year hanggang ngayong second year classmates pa rin namin. May mga iilan ring transferees tsaka shifters from different courses na nag-shift here into Nursing.
Nang sumapit ang Saturday night, tulad ng nakagawian, kapag first week of school. Pagala-gala kaming magkakaibigan sa kung saan-saang night bars para gumimik. Para i-celebrate ng mga boys ang back to mystery days in life nila which are probably the school days, then for us to girls, para naman i-embrace ang bagong journey at milestone sa mga buhay namin. Positive naman kaming mga girls eh, itong mga boys lang naman ang mga nega!
''May maganda akong bagong kaklase kanina, and guess what, I got her number in just a minute from the moment we've met!'' Pagmamalaking naituran ni Butch sa mga kasamahang mga guys habang tila sarap na sarap sa iniinom na alak.
''Sus, wala ka, tol! Kakikilala ko palang ng transferee kanina, naka-score kaagad ako!'' hindi naman papatalo sa pagpapahambog si Trakes.
''Naka-score? Talaga? Anong ginawa mo, abeyr?'' nang-iintriga at nanghahamon na ani ate Martha.
''Hinalikan ko!''
Hindi na kami nagulat pa. Trakes Ignacio will always be himself kaya hindi na 'ko magtataka pa kung nakakarinig ako ng mga ganyang pagyayabang mula sa kanya ngayon at mas lalong hindi nakapagtataka kung unang araw palang ng klase ay halos may nababaliw na namang babae kaagad sa kanya. The charisma, of course! Parang hindi pa kami nasanay!
Nakita ko naman ang biglang pagkunot ng noo ni Kirsten sa tabi ko at nakatuon lamang ang mga mata sa kopita ng hawak niyang alak.
''Whoa! Hinalikan mo? Oh eh, anong namang ginawa sayo?'' nakisali na rin ang mukhang tinamaan na ng kanyang iniinom na si ate Ingrid.
''Ayun, sinuntok ako! Ang sakit nga eh!''
Humagalpak sa tawa si kuya Arkadee. ''Haha! Ano namang ginawa mo pagkatapos kang suntukin?''
''Ano pa? Edi sinuntok ko rin!''
''Wait, what?! Nanuntok ka ng babae?'' bayolenteng reaksyon ko bigla.
Kailan pa nanakit ang kabarkada ko ng babae, physically? Hindi ko mapapayagan ito!
''Yon na nga ang problema eh, sinuntok ko dahil nahalikan ko na at tsaka ko palang napagtanto na, fuck, mas macho at brusko pa pala sa akin! Fuck!'' paulit-ulit siyang nagmura habang nakabusangot ang mukha.
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Novela JuvenilMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...