CHAPTER EIGHTEEN

165 23 3
                                    

EIGHTEEN: ''Whatever.''


''Okay lang 'yan, Meg. Bawi ka nalang sa second quarter.'' Ani Cedric sabay hagod sa likod kong pawisan.

Pagod  na ngumiti ako tsaka tumango.

Natalo kasi ako ng Education player sa first quarter game ng Table Tennis kaya heto at pakiramdam ko pagod na agad ako.

Naging mabilis ang panahon ng aming college life at heto Intramurals na naman. Naging official player na rin ako ng Table Tennis ng Nursing Department nang mag-try-out ako months ago.

''Don't mind if you lose or win on Table Tennis, Meg, at least, Champion ka pa rin sa Word Factory tsaka Scrabble. You're not a loser at all.'' Aniya pa habang umiinom ako ng tubig sa break section.

Third day na ngayon ng Intrams kaya tapos na ako sa literary games ko kahapon. Yeah, at least, I'm still undefeated with my literary lines and I'm not a loser if I can't win this sport. After all, hindi naman ako mati-turn off sa sarili ko kasi first timer ako sa Table Tennis kaya alam kong marami pa naman akong kakaining bigas at mga dapat na matutuhan bago ko ma-master ito ng gaya ng kagalingan ko sa volleyball.

''Kayo? Wala na kayong game mamaya?'' I asked him.

Pinunasan ko ng towel ang pawis ko sa mukha at nagsuklay ng buhok tsaka ipinusod ito ng bahagya sa likuran tapos inayos-ayos ko na rin ang eye glasses ko at ang suot kong Departmental T-shirt pati na ang black cycling shorts ko.

''Meron pa. Last quarter, game for championship. Engineering vs. IT.'' Sagot niya.

You heard it right. He's also on this sport. Magmula high school ito na ang kanyang linya kaya magaling talaga s'ya sa larangan ng Table Tennis. Siya rin ang gumabay sa akin noong una ko dito sa sport na 'to. I even remembered those holidays when we played and practiced together, bukod sa coach ng Table Tennis sa Nursing Department ay malaki-laki rin ang naitulong niya sa akin.

I grinned at him. ''Effortlessly, Engineering for the win!''

''Let me.'' Wika niya nang yuyukod na sana ako para ayusin ang nakawala kong sintas ng sapatos pero inunahan niya akong gawin ito para sa akin. ''Hindi naman. Mahirap ding kalaban ang player ng ibang department kapag championship dahil naiiwan mostly yung mga pinakamagagaling.''

''At pinakamagaling ka.''

Tumigil s'ya sa pag-aayos ng sintas ko tsaka nag-angat ng kanyang ulo sa akin habang may magandang ngiti sa labi. ''Thanks but I think not really.'' Then he continued on his work.

Natapos ang game namin ng sabay and as expected, he's champion. Sabay na rin kaming pumunta ng volleyball court para manuod sa game ng pinsan kong si Kirsten pero hindi natagalan at umalis na rin ako dahil nag-text na si kuya Arkadee na mag-uumpisa na raw umano ang second game nito sa swimming, hindi kasi ako nakapanuod sa first game niya dahil may game din ako no'n sa table tennis kaya nag-promise akong darating roon sa second game. Hindi naman naiwang nag-iisa do'n sa bleachers ng volleyball court si Cedric dahil dumating rin ang mga kaibigan at kaklase nitong mga Engineering para tumambay doon at magsinuod.

Nagpasalamat naman ako nang habang naglalakad ako sa field papuntang pool area nakasalubong ko si Rhyme. Tapos na rin daw kasi ang game niya sa parehong Lawn Tennis tsaka Taekwondo at ang loko, champion sa dalawang event! Well, hindi naman na nakapagtataka iyon kasi Lawn Tennis talaga ang innate sport niya at black belter na 'yan mula no'ng high school palang sa Taekwondo doon sa Visayas.

Pagkarating namin sa pool area, nag-uumpisa na yung laro nila kuya at grabe na yung hiyawan ng mga audience sa bleachers. Nahagip naman ng aking mga mata ang nag-iisang si ate Martha doon sa taas habang grabe din ang tili at cheer para sa aming kapatid kaya kinaladkad ko na rin si Rhyme papunta doon.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon