SEVEN: ''Yeah. We're very close.''
''Gano'n ba? Akala ko kasi pumasok ka kanina.'' Puno ng pagkabigo ang kanyang tono.
Umiling-iling ako. ''Hindi. Hindi ako pumasok do'n.''
Tumango-tango naman s'ya at mayamaya ay napansin ang mga gamit ko sa table. ''Ano nga pala'ng pinagkakaabalahan mo?''
Pinilit kong itanago ang sinasagutan kong Geometry. Nakakahiya kasing number 3 out of 10 palang yung nagawa kong sagutan. ''Wala!''
''Don't lie. Patingin ako baka matulungan kita d'yan.'' Pinilit talaga niyang matingnan ang itinatago kong homework. ''So, math pala?'' Nginitian n'ya ako. ''Ba't mo naman itinatago sa akin? Tutulungan naman kita ah!''
Tutulungan? Naku, 'wag na! Makaistorbo pa ako sayo at sa inyong dalawa nung babae mo!
''Ganito lang 'yan eh. Tuturuan kita.'' Umupo siya sa tabi ko. ''X squared times X squared then 5 times by itself.. '' Blah, blah, blah!
As I've said, napakagaling na magturo ni kuya Ark sa akin kaya wala pang isang oras nang nagawa ko nang masagutan lahat ng dapat masagutan. He's very effective!
''Ayan tapos na! So, alam mo na kung paano mag-solve ng mga ganyan ngayon ha?''
Tumango ako. Totoo 'yon, marunong na ako ngayon kasi tinuruan niya ako.
''Wala ka na bang ibang homeworks?''
Umiling ako.
''Kung gano'n, inumin mo na 'to para makatulog ka na agad.'' Aniya at inilapit sa akin ang baso ng gatas.
Tinanggap ko ito at uminom ako ng kaunti.
''Ah nga pala, bago ko makalimutan, may ikukwento nga pala ako sayo, little sis.''
Tiningnan ko lang siya at pinakinggan sa mga susunod niyang sasabihin.
''Gaya ng gusto mo, may pinupormahan na ako ngayon.''
So, meron na nga? Sino pa ba, edi yung feeling close na Grade 7! Ang obvious masyado eh!
''She's cute and nice.'' Parang aliw na aliw na kwento niya habang iniisip yung babae.
''Tapos?'' Tamad ko lamang na naisatinig.
''Eto, may picture n'ya ako dito.'' Aniya at may kinuha sa bulsa ng kanyang pajama.
Ibinigay n'ya sa akin ang picture ng isang babae na pamilyar. Yung Grade 7 nga! Yeah, she's cute, though!
''Siya nga!'' Mahinang naibulalas ko.
''Kilala mo s'ya, Meg?''
Nakaramdam ako ng pagkailang bigla. ''Ah.. oo, sa itsura lang pero sa pangalan hindi. Lagi kasi siyang ngumingiti sa akin kapag nagkakasalubong kami sa school.''
''Talaga? Ah, oo nga pala. Ikinukwento kasi kita sa kanya lagi na ikaw yung pinakamalapit kong kapatid sa lahat.''
Somehow, parang may init na humaplos sa aking puso dahil sa kanyang sinabi. Tinitingnan ko pa rin yung babae sa litrato. Cute ito pero parang may kung anong anggulo'ng nakakainis sa mukha nito.
''Anong masasabi mo? Okay naman, sweetie, 'di ba?'' Pukaw ulit ni kuya sa akin.
''You want my honest critique, kuya?'' Walang kangiti-ngiti kong sinabi.
''Ah.. oo naman!'' Ang hyper pa talaga n'ya.
Tinitingnan at sinusuri kong mabuti ang larawang hawak ko saka ako nagsalita. ''She's cute and as what you've said awhile ago, she looks nice.''
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...