TWO: ''So, tell me, Megan. You want me to change?''
Buong akala ko uuwi kaagad kami pero dinala pa ako ni kuya Ark sa isang fast food chain para magmeryenda. He ordered pasta, italian pizza, fries, and pineapple juice for us. Of course, libre n'ya 'to.
Isa pa 'to sa mga bagay na paborito ko kay kuya Ark, yung kahiligan n'ya sa panlilibre sa akin. Unlike our eldest kuya Alec, ang kuripot kahit ang laki din naman ng allowance!
''Uy, kuya, may assignment nga pala kami ngayon sa Geometry, patulong ako mamaya ah?'' Sabi ko sabay subo ng masarap na pasta.
''Sure.'' Nakangiting sagot niya habang sumusubo naman ng fries.
'Yan pa ang isang gusto ko kay kuya, lahat ng bagay na hilingin ko wala siyang hindi tinutupad. Spoiled niya ako masyado.
Tahimik kaming kumain sa mga sumunod na sandali.
''Eh ikaw ba, kuya? Kailan mo plano'ng magka-girlfriend ulit?'' I chose to break the silence.
Halos one year na rin kasi siyang single ngayon after he broke up with his first girlfriend.
Mapilyong umiling siya sabay sipsip ng kanyang pineapple juice gamit ang straw.
''Why? Don't tell me, you're still waiting for ate Cheska?''
Isang taon lang ang tanda sa akin ni ate Cheska at magkasing-edad sila nitong si kuya Ark. She was even his classmate when he's Grade 7 and 8. Nag-break nga lang sila last year kasi pumunta ito ng New York at doon na nag-aral.
Makahulugan lang ang kanyang ngiti at no comment na.
I rolled my eyes in the air. ''If I were you, kuya, maghanap ka nalang ng iba kaysa maghintay sa wala.''
Yes, gusto ko rin namang maging masaya si kuya kasi all his life, he had been so kind to me. 'Ni wala akong maipintas sa kanya dahil iba s'ya sa mga lalaking mayroon dito sa mundo ngayon. Siya yung tipong hindi magno-nobya para lang makipaglaro at makipaglokohan. Siya yung tipong papasok sa relasyon dahil gusto niya at mahal niya ang kanyang ka-relasyon, kaya nga hanggang ngayon isa palang naging ex niya.
''Why? Don't you like Cheska for me anymore?'' Bahagyang humalakhak s'ya.
''Yes because she already left you, kuya.''
Totoo 'yan. Sabihin na nating mabait si ate Cheska, maganda, matalino, classy, tapos para talagang nakababatang kapatid yung turing n'ya sa akin dati no'ng nandito pa s'ya pero iniwan na n'ya si kuya Ark. The thought that she already left means what's between her and my brother was already over, kaya maghanap nalang ng iba si kuya at 'wag na siya.
''Wag na si Cheska, then what now, sweetheart? Maghahanap ako ng iba tapos ang hirap-hirap din namang makapasa-pasa sa taste at qualifications mo!'' Aniya'ng hindi matigil-tigil sa pagtawa.
''Of course! Para din naman sayo ang ginagawa kong masusing pagpili sa kanila, kuya. Para in the end, hindi ako magsising siya yung naging girlfriend mo dahil pinag-isipan ko talaga kung papasa yung qualifications n'ya para sayo. You know, I want the best and only the best for you, kuya Ark. You deserved the best at hindi yung napulot o nakilala mo lang diyan sa kung saan-saan.''
Gano'n talaga ako. Ako yung pumipili at kumikilatis sa mga babaeng pwedeng makarelasyon ni kuya. Tulad nga ng sinabi ko, he deserves the best and not a trash, kaya bago niya maging girlfriend yung isang girl, dadaan muna sa akin at dapat makapasa sa taste at qualifications ko. That's my greatest role in my kuya's love story. Kahit si ate Cheska noon dumaan rin naman sa aking mga kamay bago napasakanya si kuya.
''Sus, ang sabihin mo, maarte ka lang talaga! Gusto mo lang makahanap ng babae para sa akin na katulad mong maganda na, matalino, and halos lahat ng bagay kayang gawin; volleyball, swimming, singing, and the likes. Gusto mo yung total package din tulad mo!'' Parang aliw na aliw pa niyang pangangaral sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/31350195-288-k375643.jpg)
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Novela JuvenilMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...