CHAPTER FOURTEEN

171 23 8
                                    

FOURTEEN: ''Yeah, ikaw dapat at walang iba.''


''Stop it, Meg, nakakatatlong baso ka na at lasing ka na.'' Mahinahon ngunit maawtoridad niyang salita.

Imbes na pansinin siya ay iwinakli ko lamang ang kanyang kamay tapos ininom ng diretso ang alak pagkatapos ay kinuha ko yung isang bote sa mesa at sinalinan ulit ang aking baso at nilagok ulit ito, tinuloy-tuloy ko na.

''I said stop it, Megan Deborah!'' Aniya pa tsaka inagaw ang baso ko at inilayo ito mula sa akin.

''Give me back my wineglass, kuya!'' I hissed.

''No! You won't drink for tonight anymore, you've got too much already.''

Tumayo ako para agawin sa kanya ang baso ko ngunit inilayo pa rin niya iyon, itinaas niya sa ere, and swear, kahit anong gawin ko hindi ko kayang abutin iyon dahil matangkad talaga s'ya!

Tiningnan ko s'ya ng napakasama. ''I said give it back to me!''

''No, let's go home now.'' Sagot lang niya saka mahigpit ulit akong hinawakan sa braso at akmang kakaladkarin na ako palabas nang sobrang nagdadadabog ako.

''Hindi! Ayoko pang umuwi! Ayokong umuwi nang kasabay ka! Ayoko!'' Pinagpapadyak ko na yung paa ko. ''Kadarating ko pa nga lang, pauuwiin mo na agad ako! How ridiculous!''

''Kung hindi ka sana uminom agad ng malakas, hindi sana tayo uuwi ng maaga ngayon. Besides, uminom ka na naman ng hindi pa kumakain baka sumama na naman bigla ang pakiramdam mo.'' Seryosong sagot niya habang tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad.

Pinagtitinginan na kami ng ibang mga bisita ni Ingrid na nakakakita sa amin, nakakaramdam na tuloy ako ng pagkapahiya.

''Pare, ayaw pa raw umuwi ni Megan eh, 'wag mo nalang munang pilitin. You know, we're just having fun.'' Pagtapik naman bigla ni Cedric sa balikat n'ya.

Tumigil kami, the next thing I knew was Cedric's lying on the floor dahil sa malakas na pagtama ng kamao ni kuya Ark sa nito.

''Oh my gosh! Cedric!'' Agad kong dinaluhan ang kaibigan ko.

''Sinasadya ninyong lasingin ang kapatid ko, kayo ng mga kaibigan mo dahil may binabalak kayong masama sa kanya, mga gago kayo!'' Puno ng kasiguraduhang pambibintang ng kapatid ko rito.

''What?'' Parang hindi naman ito makapaniwala sa pambibintang niya.

''Ark, chill bro, wala naman silang ginagawang masama kay Megan, and besides, nando'n din naman ako. Sa tingin mo ba hahayaan kong may mangyaring hindi maganda sa pinsan ko? Syempre, hindi.'' Ani kuya Durcan naman sa kanya nang makasunod sa amin.

Halos napatili ako sa gulat nang makitang tumama rin ang kanyang kamao sa mukha ng aming pinsan.

''Ikaw, pinsan ka pa namang naturingan pero pinababayaan mong lasingin ng mga kaibigan mo ang sarili mong pinsang babae sa harap mo! Anong klase kang tao, Durcan!'' Aniya habang idinuduro-duro ito.

Sobrang nagugulat ako ngayon sa nakikitang ganitong anyo niya, ang pagiging basagulero na mismong pinsan namin ay pinagbuntungan pa niya. This is all new to me, ang galit ngayon sa mukha niya, ang pagtataas niya ng boses sa mga taong sangkot, at sa mga panununtok niya. Mula noong mga bata pa kami, never in history na nakipagsuntukan o nakipag-away siya sa kahit na isa sa kaibigan namin o kahit hindi niya kaibigan, kaya ang makitang sinuntok niya si kuya Durcan sa mismong harapan ko ngayon ay sobrang pagkabigla para sa akin!

''Ark, tama na 'yan, dude!'' Dumalo na rin si Trakes sa amin sabay pigil sa braso ng kapatid ko.

Tumayo sina Cedric at kuya Durcan mula sa sahig habang pinapahid ang konting dugo sa mga pumutok nilang mga labi dahil sa suntok na natamo.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon