NINE: ''I will never miss you! I won't!''
''Bye, Meg!'' Ani Daniel saka hinalikan ako sa pisngi nang nagpaalam na s'ya para umuwi.
''Bye po, tito, tita.'' Baling naman niya kina mommy at daddy.
Tumango si daddy at napakagaang ngumiti naman si mommy sa kanya. ''Bye, ingat sa pag-uwi.'' Anang aking ina saka binalingan ako. ''Ihatid mo na s'ya sa labas, Megan.''
Tumango ako. ''Opo.'' Bumaling ako kay Daniel. ''Let's go, Dane.''
Hanggang sa porch ko namin na lamang s'ya inihatid. Nakabukas naman ang bintana ng kotse n'ya nang makapasok na s'ya roon at pinaandar iyon, ngiting-ngiting kumaway s'ya sa akin kaya marahan at nakangiti din akong kumaway pabalik hanggang sa tuluyan na siyang makawala sa aking paningin.
Galing siya dito sa aming bahay dahil inimbita s'ya ni mommy para magdinner na kaagad naman niyang pinaunlakan. Matagal na kasing alam ng parents ko ang kanyang panliligaw sa akin kaya pormal niya yung ginagawa lalo kapag nandito sa bahay. Seems like gusto'ng-gusto naman s'ya ni mommy para sa akin, and my dad? Hmmn.. medyo strict talaga si dad pero feeling ko okay lang din naman sa kanya.
''Bye, bye, lover boy!''
Napatingin ako sa nagsalita sa aking likuran. Si kuya Arkadee habang mapilyong kunwaring pakaway-kaway pa doon sa sasakyan ni Daniel.
Natatawang hinampas ko s'ya sa braso. ''Ikaw talaga, kuya!''
Umilag-ilag s'ya sa panghahampas ko. ''What? Totoo naman ah! Lover boy mo naman talaga 'yon!'' Patuloy pa niya sa panunukso.
''Hindi kaya! 'Ni hindi ko pa nga sinasagot 'yon eh!''
Natigil siya bigla at sumeryoso ang kanyang mukha. ''Hindi mo pa sinasagot? Hindi pa? Ibigsabihin, may plano ka talagang sagutin 'yon?''
I shrugged my shoulders. Tumigil na rin ako sa pangungulit sa kanya. ''I don't know yet.''
Dumiretso ako sa isang wooden bench na narito sa aming porch at naupo rito. ''Bakit, kuya? Do you think kailangan ko na rin siyang sagutin?''
Umupo rin s'ya dito sa tabi ko. Sabay na kaming nanunuod ngayon ng mga bituing nagkikislapan sa ulap.
''Ikaw. Nasa sa'yo naman yung desisyon mo, sweetie. If you think he deserves to have you because of the efforts and hardworks he did just to own you, then answer him yes but if you think that everything he has done was still not enough, then don't force yourself.'' Napakamakabuluhang payo niya.
Iyon ang naging palaisipan sa akin sa sumunod na araw. Kung sa tingin ko ba deserved na ako sa wakas ni Daniel dahil sa mga ginawa at mga effort n'ya para sa akin all these time, o kulang pa rin at hindi pa rin talaga dapat.
But he already made everything, right? Marami siyang mga ginawa para sa akin, nagbago s'ya ng tuluyan dahil 'yon yung gusto ko, natuto siyang makisalamuha at maging mabait sa iba kahit hindi s'ya sanay mapasaya lang ako. All those accomplishments, sa tingin ko naman deserving at wala namang masama kung sa wakas ay pagbigyan ko na yung tao 'di ba? After all, ang tagal-tagal din naman n'ya akong niligawan at kahit kailan hindi s'ya sumuko sa akin.
''Dane, do you want an answer from me now?'' Tanong ko mayamaya sa tahimik na si Daniel sa harapan ko.
Kasalukuyan kaming nasa library at nagre-review ng notes para sa team quiz mamaya sa isa naming subject.
Halatang nagulat s'ya sa aking tinuran at diretso niya akong tiningnan sa aking mga mata. ''Sasagutin mo na ako ngayon?''
Nakangiting tumango-tango ako. ''Oo.''

BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Fiksi RemajaMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...