CHAPTER FIFTEEN

204 25 12
                                        

FIFTEEN: ''All of the above.''


Nakakainis nga'ng kahit pakiramdam ko nabuhos ko na lahat ng lakas ko para lalo pang mapabilis ang takbo ko ay nagagawa pa rin akong abutan nina kuya.

''Meg, we can talk smoothly, hindi yung ganito. Please, slow down your speed, sweetie!'' Nakikiusap ang tono ni kuya Arkadee at puno iyon ng pag-aalala.

''Oo nga, Megan. And besides, you're drunk now, baka kung mapano ka pa. Decrease your speed!'' Sunod naman ni ate Martha.

Hindi ako sumagot sa dalawa bagkus ay hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy ako sa mabilis na pagpapatakbo ko. Pinabayaan ko na rin lang ang sunod-sunod na paglandas ng aking mga luha. I feel so ashamed and damn guilty of what I did and to all the words I said to the two of them, especially the mess I caused to Ingrid's birthday celebration.

Sinisi ko kanina si kuya sa nangyaring gulo, well in fact, ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit nangyari 'yon. Arkadee just protected me(as always) pero sinisi at sinigaw-sigawan ko pa s'ya sa harap ng lahat kanina. Sinagot-sagot ko din si ate Martha dahil sa init ng ulo ko kay kuya na dapat talaga ay hindi ko ginawa at hindi ko dapat siya dinamay. Nahihiya ako! Nahihiya ako nang mapagtantong ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat! Nahihiya ako sa kanila at halos wala na akong mukhang maihaharap ngayon!

Nang makaabot kami sa bahay, ipinarke ko lang sa tapat ng bahay ang sasakyan. Kukunin din naman agad ito panigurado ni Trakes bukas. Tsaka dire-diretso ang pagpasok ko sa loob ng bahay papuntang aking kwarto.

Habang naglalakad naman ako sa hagdan para dumiretso sa kwarto ay dinig ko pa rin ang mga yapak ni kuya Arkadee na nakasunod sa akin. ''Meg, I'm sorry for everything that have done tonight. We need to talk first so that we-''

''Stay here. Ako na ang kakausap sa kanya.'' Dinig ko pang pigil sa kanya ni ate Martha.

Pagkapasok ko ng kwarto ko, ibinagsak ko kaagad yung katawan ko sa kama sa sobrang pagod at stressed mula sa mga nangyari ngayong gabi. Ilang sandali pa ay katok na rin nang katok si ate Martha sa pinto ko.

''Meg, open the door now. Let's fix it all tonight, 'wag na natin itong ipagpabukas pa.''

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lamang siyang kumatok. Gusto ko rin naman siyang pagbuksan ng pinto ngayon, makipag-ayos ngunit hindi ko naman alam kung saan at paano ako mag-uumpisa gayong hiyang-hiya akong humarap sa kanya.

''Megan Deborah, open it. Let's talk!''

Hindi pa rin ako sumagot.

Ilang sandali pa tumahimik na rin sa wakas ngunit hindi ko pa naririnig ang kanyang mga yapak paalis sa labas ng aking pinto kaya alam kong nando'n pa rin s'ya. I even heard her took a deep sigh before she spoke again.

''Okay, I understand you now. You just realized and feel ashamed on everything you've done tonight. Mula sa paninisi mo kay Arkadee, sa pagsagot-sagot mo sa akin, sa pagpapahiya, sa gulong naidulot mula sa masaya sanang birthday party ng pinsan nating si Ingrid, at hanggang pagtataas mo sa amin ng boses mo sa harap ng maraming tao, ng mga bisita ni Ingrid. Nahihiya ka sa amin kaya halos wala kang mukhang maihaharap sa amin ngayon, tama ako 'di ba?''

Bull's eye. Nabasa n'ya nga talaga ako.

''But you know what, Meg, no matter how you feel bad at this moment, mas mainam pa rin kung haharapin mo 'to, kung haharapin mo kami, ako. Hindi ka naman namin sinumbatan at sinisi 'di ba sa kabila ng mga nagawa at nasabi mo laban sa amin? so come on, buksan mo na 'to at mag-usap na tayo ng mabuti.''

And with that, nakumbinsi ako. Totoo naman eh, sa kabila ng pagiging masama at childish kong kapatid kanina sa kanila, never naman nila akong pinatulan o kung ano pa. Sa katunayan ay masinsinan pa nga rin ang paraan nila ng pakikipag-usap sa akin sa kabila ng kanilang mga pagtitimpi mula sa mga pasagot-pasagot ko.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon