CHAPTER FOUR

369 48 23
                                    

FOUR: ''No, Meg, thank you. Thank you kasi binuksan mo rin sa wakas yung puso mo para sa akin.''


''Good Morning, tito, tita!'' Bati naming apat na magkakapatid kina tito Edmund at tita Candice sabay beso sa mga ito nang makapasok kami dito sa kanilang teresa.

''Good Morning din, mga anak!'' Mabait at malambing ding bati pabalik sa amin ni tita.

''Sina Ingrid po?'' Magalang na nagtanong kaagad si ate Martha tungkol sa mga pinsan naming anak ng mga ito.

Yes, they are the parents of Durcan, Ingrid, and Kirsten. Our untie and uncle.

''Nasa entertainment room na si Kirsten at kanina pa kayo hinihintay. Nasa kwarto pa niya si Ingrid at mukhang kanina pa may katawagan sa telepono, maaga ring nagising eh. And Durcan? Hayun at tulog pa.'' Magaang nakangiting ani tito Edmund.

Engineer Edmund Alcantara is the brother of my mother and the CEO of AHIC Corporation (Alcantara's Highly Intellectual Construction, Corporation).

''Mabuti pa at puntahan n'yo na do'n sa entertainment room si Kirsten.'' Iginiya naman na kami ni tita Candice papuntang ER nila.

Madamme Candice Alonzo Alcantara is an owner of almost 5 prestigious hotels and 7 resorts in the Philippines. She's a wise and smart business woman, the wife of tito Edmund and the mother of our three cousins.

Pumasok nga kami ng tuluyan sa loob ng kanilang bahay. Magkasing laki ang bahay namin at bahay na ito, ang pinagkaiba nga lang tiles yung buong paligid ng amin samantalang itong sa kanila, yari sa mga mamahaling muwebles at mga salamin. The interior designs are good also. Kung titingnan sa labas, mukhang simple lang pero pagpasok dito sa loob, makikita talaga ang karangyaan ng may-ari.

''Ark, Meg, mauna nalang muna kayo kay Kirsten. Puntahan ko muna si Ingrid sa kwarto n'ya.'' Ani ate Martha.

Tumango ako. ''Sige, ate.''

''Ako din. Gisingin ko lang si Durcan.'' Ani kuya Alexis naman.

Tumango si kuya Ark sa kanila.

Nakarating kaming dalawa ni kuya Arkadee sa entertainment room at naabutan naming prenteng nakahiga si Kirsten sa malapad na carpet sa kanilang sahig sa harap ng naka-off pang malaking flat screen t.v at nakadekwatro pa habang parang tuwang-tuwa sa kung ano mang tinitingnan sa kanyang iPad.

''Kirs!'' Tawag ko.

Lumingon s'ya sa aming gawi at saka ngumiti. ''Hi, Meg. Hi, Ark! Buti nandito na kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay eh!''

Pumasok kami ng tuluyan ni kuya. Nahiga ako sa tabi ni Kirsten at kumuha ng isang throw pillow para yakapin, samantalang naupo lang naman sa isang sofa si kuya Arkadee.

''Kanina pa kayo dumating, Meg?'' Ani Kirsten habang nakatuon ulit sa hawak niyang gadget.

''Bago lang naman. Nakasalubong namin kanina sina mommy at daddy n'yo at sinabing nandito ka na daw kaya dumiretso na kami ni kuya Ark dito.''

Tumingin-tingin ako sa paligid. This is their entertainment room. May ganito din kami sa bahay, tulad nito, may dalawang pintuan din para naman sa music room at dance studio. Malaking flat screen t.v and dvd tv, computers, mini kitchen, chess playing area, and the likes.

''Sina ate Marge at kuya Alec, hindi n'yo kasama?''

''Kasama. Pinuntahan muna ni ate Martha si Ingrid sa kwarto nito at ginising naman ni kuya Alec si Durcan.'' Si kuya Ark ang sumagot kay Kirsten.

''Eh yung dalawang baliw, nasa'n na?'' Patuloy pang tanong nito na ang tinutukoy ay sina Trakes at Butch.

''Ewan. Male-late lang siguro, ti-next ko na din naman kagabi, ang sabi ni Butch pupunta din naman daw sila dito ngayon.'' Sabi ko.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon