THREE: ''Because she's quite pretty and smart.''
The next day, pinanindigan nga ni Daniel ang kanyang sinabi. Nagbago siya. Pagkarating ko palang sa umaga sa classroom namin at wala pa ang aming teacher, namataan ko kaagad siyang magiliw na nakikipag-usap at tawanan saka kuwentuhan sa mga classmates namin, na first time yata niyang ginawa sa kanyang talambuhay.
''Uy, Meg! Good Morning!'' Kumakaway na bati sa akin ni Kirsten nang makitang pumasok ako.
Naroon din s'ya sa likuran kung saan pinalilibutan ng mga kaklase namin si Daniel para makipagkuwentuhan, halatang nag-e-enjoy din s'ya sa pakikisali sa mga ito, lalo pa't nagpapapansin na naman s'ya sa kanyang bagong crush na si Grey na nakaupo lang ngayon sa regular seat nito katabi si Lucio at tahimik lang tulad ng lagi.
Simpleng ngumiti ako kay Kirsten. ''Good Morning.'' Saka dumiretso na patungong upuan ko sa front.
''Ang swerte naman ni Megan! Ba't kasi siya pa yung sobrang nagustuhan mo, Daniel?!'' Dinig na dinig ko pa yung panghihinayang sa boses ng isa sa aming mga kaklase.
''Because she's quite pretty and smart.'' Dinig ko namang magiliw at proud na sagot ni Daniel.
''Ayiee!''
''Tsk! Sayang naman! Sana ako nalang!''
''Bagay nga naman talaga kayo ni Meg!''
''Tss. Si Meg? Eh hindi ka naman pinapansin nu'n eh! Samantalang kami rito, halos mabaliw sayo! Kami nalang kasi, Daniel, please!''
''Oo nga!''
Samu't-saring mga opinyon pa yung mga naririnig ko na pinili ko na lamang na huwag nang bigyan pa ng pansin.
''No, Guys! Daniel is for my cousin! And my cousin Megan is for Daniel! 'Yon na yun, tapos!'' Patapos at halos sigurado namang tinuran ni Kirsten.
''Agree ako!''
''Ako din!''
''Meg! Halika muna kasi dito! Maki-join ka naman sa amin!'' Tawag pa sa akin ng bruha.
I turned my back to them and I faked a smile. ''Kayo nalang muna. Pass muna ako.''
''Tss! Wala ka namang ginagawa, Meg, eh! Wag ka nga'ng KJ! Halika na kasi!'' Pagpupumilit pa talaga ng napakagaling kong pinsan(note the sarcasm!).
''Oo nga, Meg! Wag na masyadong maarte at pakipot! Halika na!'' Dagdag pa ng aming classmate. Na nasundan pa ng isa, ng dalawa, at halos lahat na sila nagpumilit na makisali ako sa kanila. ''Dali na, Megan!''
So, I really had no choice but to join them whether I like or not! Naglakad ako papunta sa kanila.
Nang makalapit ako, agad akong hinila ni Kirsten palapit sa tapat ng nakaupo sa taas ng kanyang arm chair na si Daniel. Tumambad kaagad sa akin ang isang pitas ng pink rose na hawak-hawak n'ya.
Here we go again!
''You've told me to change and now I'm starting it. I hope you'll appreciate me from now on and eventually, you'll also fall for me, Meg.'' Seryoso ang kanyang mukha habang sinasabi ang mga ito sa akin.
I've always knew it that Daniel Lim is really sincere with his feelings for me and he really admires me, nakikita ko iyon sa kanyang mga mata kapag magkausap kami. Wala naman siyang problema para sa akin eh, in fact, ako pa nga yung problema kasi hindi pa talaga ako open para sa mga ganitong bagay ngayon.
At alam ko rin na itong ginagawa n'ya ngayon, itong pagbabago niya ng kanyang sarili ay isang bagay na napakahirap gawin. Alam kong hindi ito madaling bagay lang dahil kailangan niyang mag-adjust, kailangan niyang mag-adapt sa mga demands ng kanyang mga tagahanga para mapakisamahan ang mga ito, na dati-rati ay hindi naman niya ginagawa. Nakakakonsensya tuloy!

BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Genç KurguMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...