CHAPTER SEVENTEEN

193 23 4
                                    

SEVENTEEN: ''I miss her, every angle of her.''


Dumating ang araw ng pasukan. Unang linggo pa lamang ngunit pakiramdam ko'y tinu-torture na kaagad kami ng aming mga guro dahil sa tambak na mga assignments na pinagagawa sa amin.

''Kainis naman 'to eh, 'ke first week of school may mga assignments kaagad, saklap! Buti pa sa high school, first week puro introduce yourselves tsaka election of officers palang, samantalang dito? Naku talaga!'' Talak nang talak si Kirsten sa tabi ko habang naglalakad kami.

Kagagaling lang namin ng library para nga maghanap ng answers doon sa first two assignments namin tsaka para hindi naman masayang yung one hour vacant namin before the two remaining subjects naman, at heto na nga kami ngayon, naglalakad sa corridor pabalik sa aming classroom.

Pagkarating namin sa loob ng silid-aralan, ingayan at kulitan agad ng mga bagong kaklase namin ang tumambad sa amin. Parang wala naman palang pinagkaiba ang college students sa high schoolers? Katunayan pa nga, parang mas pasaway at maiingay pa yung mga college.

''Megan, Kirsten, dito na kayo umupo oh!'' Tawag sa amin bigla ng isa sa aming mga kaklase na Dessica ang pangalan.

Natuwa naman ang pinsan ko at agad na akong hinila palapit sa kinaroroonan ni Dessica at ng mga kausap tsaka mga kaibigan nito.

''Dito kayo oh. Ni-reserve talaga namin itong upuan para sa inyong dalawa!'' Anito pa saka itinuro ang dalawang bakanteng upuan sa tabi nito.

''Oo nga, Kirs, Meg! Sa inyo talaga 'yang mga 'yan!'' Sabi pa ni Florence na mukhang todo rin sa pakikipag-close sa aming magpinsan.

''Talaga? Wow, thank you naman!'' Tuwang-tuwa si Kirsten nang naupo sa tabi ni Dessica at ako naupo na rin sa tabi niya.

So, ganito na yung seating arrangement ngayon; ako yung nasa pinakadulo, sunod ko si Kirsten, tapos si Dessica. Tagta-tatlong chairs kasi every row.

''Welcome! Kayo pa!'' Kumindat naman si Christy.

''Nga pala, magpinsan kayo 'di ba? Villamayor tsaka Alcantara?'' Nagtanong naman si Anika.

Nasa harapan namin silang tatlo; Christy, Anika, and Florence.

Kirsten nodded to Anika. ''Oo, bakit?''

''Wala lang. 'Di ba kuya mo si Durcan Alcantara, yung nasa Engineering?''

Tumango ulit ang pinsan ko.

''Uhm.. ano kasi.. uhm.. hehe, alam mo na.'' Anika's cheeks turned red. ''Crush ko kasi eh!'' Nahihiya pa nitong pag-amin pero kinilig-kilig naman.

Nagulat pero parang tuwang-tuwa naman si Kirsten. ''Talaga? Haha. Gusto mo bigyan kita ng number n'ya? Mabait 'yon at nang-i-entertain ng textmates!''

''Naku, 'wag na, nakakahiya naman.'' Kunwari pang tanggi nito pero obvious namang gustong-gusto.

''Wag ka na mahiya, okay lang 'yan, mabait naman 'yon si kuya eh!'' Patuloy ng pinsan ko.

Hindi naman na tumanggi pa si Anika at excited pa sa pag-save ng number ni kuya Durcan sa cellphone niya.

''Ohhyyyy! Yieee! May number na rin s'ya sa wakas ng crush n'ya!'' Nag-umpisang manukso si Christy kay Anika.

''Diba barkada n'yo rin yung magkapatid na Ignacio? Yung cool na si Trakes at Butch sa Accountancy! 'Di ba?'' Si Florence naman ang nangulit.

''Uhm.. '' Nag-alinlangan bigla si Kirsten. Sigurado kasi may ideya rin s'ya sa plano ng mga ito doon sa magkapatid, na 'yon namang ayaw niyang mangyari.

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon