TWENTY-TWO: ''Oh don't!''
Habang naglalakad at nakasunod pa rin sa likuran ko si Kirsten, dala na ng sobrang katangahan ko siguro kaya may bigla akong nabanggang malaking bulto ng tao at tumama pa ako sa matigas at matipuno nitong dibdib.
''Ouch!'' nasapo ng palad ko ang ulo ko sa sakit ng impact nito mula sa pagkakatama roon.
''Gosh, Meg! Okay ka lang?!'' kaagad na dinaluhan naman ako ng pinsan ko at hinawakan ako sa balikat para tingnan. Kinuha din niya ang plastic bags ng mga pagkain namin. ''Ako na.'' she presented and I just let her.
''Megan?''
Kapwa kami napaangat sa lalaking nakabungguan ko at nagsalita. Si Cedric Ferdinand pala.
''Meg, masakit ba ang ulo mo? I'm so sorry, hindi kasi ako tumitingin sa daraanan kaya nabangga pa kita. I'm really sorry.'' malamyos at sinsirong paghihingi niya ng tawag tsaka hinawakan din ang ulo ko para suriin ang lagay ko.
''Ikaw pala 'yan, Cedric. Ayos lang ako. Ako pa nga ang dapat na magsorry sayo kasi ako itong tatanga-tanga kaya nabangga at naabala pa kita sa lakad mo. Sorry.'' sagot ko rin.
Totoo naman kasi eh, kung may dapat sisihin sa aksidenteng ito, it was none other than me kasi ako yung hindi nakatingin sa daraanan at naiiwan pa sa kung saan-saan yung diwa at pag-iisip ko kaya hayan tuloy, dala ng katangahan ko, nakapurwisyo pa ako ng lakad ng iba. Nakakahiya kay Cedric!
''Wag mo nang alalahanin, ayos lang naman ako eh. Ikaw ba? Sigurado kang maayos ka lang?''
Tumango ako tsaka simpleng ngumiti para ipakitang maayos na ako. ''Sigurado ako!''
Binitawan na niya ang pagkakahawak sa akin. ''Good then. Sa'n nga pala punta ninyong magpinsan?'' pag-iiba na niya tsaka tinapunan na rin ng tingin ang kasama ko.
''Sa pinakamalapit na cafeteria, kakain kasi kami.'' si Kirsten ang sumagot.
''Talaga? Mukhang galing naman na kayo sa pinakamalapit na cafeteria, ba't pa kayo nag-take out tsaka sa ibang cafeteria pa kakain?'' aniya habang nakatingin sa bitbit ng pinsan ko.
''Wala lang. Masarap kasi yung pagkain sa pinamilihan namin tapos I heard, may mas masarap pa daw na kainan kaya ti-nake-out nalang namin yung unang nabili para doon kumain sa bagong cafeteria naman sa susubukan namin.'' ako ang sumagot, just reasoning out.
Mukha namang naguluhan sa rason ko si Kirsten kaya mas mabuting inilihis ko nalang ang usapan. I smiled smoothly to Cedric. ''You wanna go with us?''
''Oh! I really wanted to but I just can't kasi may klase pa ako. Damn! Pero gusto ko talagang sumama, kung wala lang kaming long quiz ngayon! I'm sorry, girls, sorry talaga.. '' napasabunot pa s'ya sa kanyang buhok habang tila frustrated na nagsasalita.
I laughed a little. ''It's fine, ano ka ba! Don't worry, it's fine!''
''But next time will do, Meg. Next time sasabay talaga ako sa inyo. God knows how much I wanted to go with you right now pero hindi kasi pwede. Damn!''
''Oo na nga, next time will do! No problem!''
''Basta next time ha?''
Ngiting-ngiting tumango ako. ''Next time.''
''Oh ayan na, next time na raw, kuya Cedric, ibig sabihin, may pag-asa ka na!'' nakangising singit naman bigla ni Kirsten.
Siniko ko nga, kung anu-anong pinagsasabi eh! Pati ito, bibigyan pa ng malisya! Cedric and I are just purely friends.
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...