EIGHT: ''Ang ganda pala talaga sayo.''
Pagkatapos ng nakakapagod pero worth it na tournament ng every school districts ay sumunod na rin ang holidays and semestral break ng November kaya wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-outing at mamasyal sa kung saan-saan kasama ang buong barkada.
''God! Ang ganda, bro! Ano'ng pangalan niyan? Bagong flavor of the week mo?'' Namamanghang naibulalas ni Trakes sa kapatid ni Butch sa ipinakita nitong litrato ng babae sa iPhone nito.
Ngingisi-ngisi si Butch. ''Yeah, and her name? Oh, it's a big secret!''
''Fuck it! Damot mo!''
Tatawa-tawang umiling na lamang si Butch. Ganyan naman 'yan eh, every week ang pagpapalit ng babae.
Nasa biyahe kami ng hapon na 'yon papuntang Tagaytay. Kumpleto kami. Si kuya Arkadee ang driver, ako ang katabi nito sa front seat, and the rest were on the back seats.
Sinilip ko pa ang mga iyon isa-isa sa salamin. Magkatabi sa may bandang bintana ang magkapatid na maya't-maya ang ingay at tawanan, katabi ng mga ito ay sina ate Ingrid at kuya Alexis. Nakasandal pa yung ulo ni ate Ingrid sa balikat ni kuya Alec habang natutulog, samantalang tahimik lang namang nakatanaw sa bintana si kuya at parang may malalim na iniisip.
''Trakes, paabot ng mineral!'' Pangangalabit bigla ni ate Martha kay Trakes.
''Oh.'' Agad naman siya nitong inabutan ng mineral na dala-dala nito.
''Thanks!''
Nasa pinakahuling seat naman sa likuran sina ate Martha, Kirsten, at kuya Durcan. Kumakain ng chitcherya ang dalawang girls samantalang si kuya Durcan ay nakatanaw sa bintana habang pakanta-kanta kasabay ng pinakikinggan niya sa kanyang headphones.
We're on our way to Tagaytay that time.
Pagkatapos ng November syempre December holidays na naman. Tuloy-tuloy na pahinga.
''Urggh!'' I groaned in frustration nang magising ako umaga ng 24 dahil sa ingay ng mga torotot na nagsipasok dito sa aking kwarto.
Sino pa ba salarin? Syempre yung magkapatid na Ignacio kasama si kuya Arkadee!
''Merry christmas, Megan!'' Sigaw pa ng tila nababaliw na si Trakes saka lumapit pa dito sa akin at ang loko tumurotot pa talaga sa tapat ng tainga ko. Like ouch!
''The heck of you!'' Nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.
''Meg, merry christmas!'' Ani Butch naman sabay pinasadahan ng palad niya ang buong mukha ko. Isa pa 'to!
Tinampal ko naman ito ng unan ko. ''Hindi merry christmas ko dahil maaga pa binuwiset n'yo na ako!'' Singhal ko pa.
''Chill. 'Wag masyado high blood, bawal mainis kung christmas, little sis!'' Pilyo namang ani kuya Arkadee saka umupo sa tabi ko, sa edge ng aking kama.
''It's too early and just 7 in the morning, ba't ang bango-bango mo na, kuya?!'' Suplada pang nasambit ko rin.
Swear. Una ko kaagad napansin kay kuya Arkadee ay yung amoy niya ngayon. What I mean is always naman talaga siyang mabango kaya lang iba talaga ngayon, yung halatang bagong gising pa nga lang, gulo-gulo pa yung buhok, nakaputing sando lang tapos ragged shorts pambahay tsaka home slippers pero ganito agad yung bango niya. Tss!
''Pinaliguan kasi ako ng dalawang 'yan kanina ng pabango ko sa kwarto ng ginising nila ako.'' Itinuro n'ya yung dalawa.
Tiningnan ko naman ng masama yung magkapatid.
BINABASA MO ANG
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...