39-Semestrial Break

649 6 3
                                    

The first half of our school year ended. It’s a big relief nga kasi aside sa bumaha ng school requirements, sobrang dami ko pang nalaman na ikasisira na ata ng ulo ko pag nadagdagan pa. I never heard anything about Li until a week before magresume yung classes.

I went to the mall with my father kasi malapit na yung wedding anniversary nila ni mommy at gusto nyang isurprise si mommy. Hindi naman pwedeng si Carla yung isama nya kasi mama’s girl yun, tsaka madaldal. Baka maudlot pa yung surprise if ever.

Pero sabi nga diba, kapag walang experience, minsan sa mga ganitong bagay, wala ka ring silbi. That exactly is what  happening right now. I ended up watching a movie instead.

Medyo late na nga ako nung pumasok ako kasi naman hindi naman talaga planned tong bagay na to. But anyways, I need time to chill. Ano naman yung papanoorin ko? I’ll leave that to your imagination. (*but the author’s kinda imagining it to be The Amazing Spiderman)

Yung bakante tapos magandang posisyon nalang na natira eh yung sa third seat sa bandang gilid few rows from the very front. Medyo okay nga rito kasi wala masyadong taong nakaupo. Sa may gitna kasi, puro babae, eh medyo nakakainis lang kapag tumitili sila tuwing ngumingiti yung bidang lalaki. Tss. Girls, girls, girls.

Sabi naman ni daddy na bumalik lang ako after an hour and a half. Yep, ganun kahirap hanapan gawan ng surprise si mommy, hindi kasi sya yung gusto eh engrande, magagalit pa yung sayo kapag gumastos ka kasi sayang naman daw ang pera—a total opposite of my dad. Pero sabi nga nila, opposite attracts. I believe that.

When I was trying to get the phone from my pocket, saka ko lang narealize na naiwan ko palang nakacharge yun sa bahay, tapos ako naman itong wala palaging suot na relo. I’m dead meat now. I don’t even know what time it is! Paano kaya ako nag eexist sa mundo?

Nakita ko namang biglang umilaw yung relo nung katabi ko. Since kanina pa sya tahimik, most probably nagcoconcentrate to sa panonood. Pero it won’t hurt kung magtatanong ako ng oras right?

“ah, excuse me, pwedeng magtanong kung anong oras na?” inangat nya naman yung ulo nya mula sa pagkakasandal dun sa gilid ng upuan na katabi nya.

“naglalakad ka ng walang relo?”

“nakalimutan ko eh”

“nasa mall ka namna, edi bumili ka” saka ko lang napansin na parang familiar yung boses nya.

“teka...—“

“ang kulit! Bakit ko naman sayo sasabihin ang oras? Mga style nyo bulok! Tantanan nyo nga ako! Nakapangatlo ka na ngayong araw na to, quota na” napangiti naman ako

“nagtatanong lang ako talaga, promise! You’re not even my type. I just need to know the time”

“itanong mo kay batman, baka sagutin ka ni Boy Pick up” natawa nalang ako sa kanya, umilaw naman yung relo nya ulit kaya nakita ko naman na yung time so I didn’t bother to ask again.

Pagtapos na pagtapos nung pelikula eh nagsitayuan na yung iba, alam ko naman na hinahanap na ako ni daddy yet I’d have to see her na rin siguro kaya I decided to stay. Bumukas naman na yung ilaw kaya tumayo na sila.

“Hey, Li. Kain na tayo pleathe, gutom na ako, nakakadalawang movieth na tayo, luwang-luwa na yung mata ko o!”

“tara”

“ehem” nagpapansin naman ako nun tapos bigla nalang lumaki yung mata nilang dalawa. “sup?” nakangiti pa ako nun sa kanila.

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon