18-Second Month

1K 11 6
                                    

“I’m sorry, I really didn’t mean to offend you or something, I’m just—“

“not in the mood?” putol nya naman sakin “tired, pissed off, mad, hungry?”

“uhm, just not in the mood”

“okay” yung lang yung sinabi nya tapos tumingin na sya sa ibang direksyon

Pareho lang naming hinihintay si Adrian na bumalik kaso parang aabutin pa ata ng pangalawang ice age bago mangyari yun. Ang awkward nga kasi may mga oras na magkakatininginan kami, tapos sabay na titingin sa ibang direksyon.

“Pneumonia, two years na” halos napatalon ako sa upuan ko nung bigla syang nagsalita. Buti nalang palaging syang walang pakialam at hindi marunong mang-asar kundi baka sobrang tawa na ang ginagawa nya ngayon. 

“bakit mo sinasabi sakin yan?” sumimangot naman sya na para bang bigla nanamang nawalan ng gana.

“gusto mong malaman diba?” Oo. Kapahon.

“and you don’t want to tell me, right?”

“kakasabi ko lang nga, diba? Isa pa, pwedeng wag kang ingles ng ingles?” yun nanaman yung usual irritated expression nya. Magaling na nga sya.

“kung napipilitan ka lang, wag na”

“Ano?” tapos humawak naman sya sa ulo nya na para bang nakokonsumisyon na sya “alam mo ba kung anong problema sa inyo? Yung masyadong mahigpit ang kapit nyo sa pride nyo kahit na hindi naman kayo nito kayang dalhin nito kung saan man” then she composed herself. “gusto ko nang magpahinga” humiga na sya then nagtakip ng kumot.

I guess I don’t have to stay any longer then. 

Ewan ko pero hindi ko lang talaga sya maintindihan. Nakakainis lang yung mood swings ng mga babae, minsan mabait, minsan nagtataray. Hindi ba pwedeng iisang mood lang per day? Mas madaling initindihin yun eh. 

***

“my bro, patulong naman sa math o”

“bukas na, Carla. Saturday naman na eh” diretso lang ako na naglalakad nun papunta sa kwarto.

“hoy Cedriel” 

“Ano yun, Carlota?”

“ok, you won” tapos inakbayan naman nya ako. Tong kapatid kong ito iba makapaglambing kapag may kailangan eh

“ok fine, fine. I’ll help you”

“no!”

“eh?”

“bukas na, Saturday naman na eh. Now, I’ll help you. Talk to me, bro” tapos pinaupo nya ako sa couch “what’s up?”

“what’s up what?” binigyan naman nya ako ng you-know-what-I’m-talking-about look. “nothing, sis”

“uuwi ka ng 7 pm kahit na 5pm ang tapos ng klase nyo nang nakatulala sa outer space at may whatever that expression is pero mukhang depressed. Now tell me, my bro, napagalitan ka ba ng teacher nyo? O nagkaroon ka nanaman ng pangalawang detention? My gosh kuya! That’s second for this year!”

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon