16- reto

1.1K 15 13
                                    

“Dapat tayo ang manalo bukas okay? Good job guys! See you!” 

Tomorrow’s the big day! Might as well go home. Matagal tagal na rin akong hindi  nakakauwi ng maaga at nakakabond sina Carla.

“until now?” parang yung boses nanggagaling sa music room

“as always”

“okay” papalapit palang ako sa pinto nung bigla namang bumukas. “oi!”

“Adrian”

“andito ka pa pala”

“sinong kausap mo?”

“Si Kate, sige pala, aalis na ako”

“sige!”  nag away ba sila? LQ? Naku! 

Tinry kong sumilip kung anong ginagawa nya.

Hulaan nyo kung ano.

Natutulog. 

Ayos din no? ang sosyal! Nakaaircon pa  Pero hindi mo rin naman pwedeng masisi yung tao, ikaw ba naman ang sumayaw at kumanta araw-araw ng paulit-ulit, di ka kaya mapagod?

Yan ang benefit ng mga walang talent! Hahah! No worry na ako, tanggap ko nang wala talaga akong talent, I’d rather be happy for those who have 

Makaalis na rin nga. Haaaay! Kinakabahan na ako para bukas! Kala mo ang laki ng role ko diba?

“iiikkkkkkkkkkkkkkkkkkbugsh!!” (tunog yan ng pinto na bigla sumara) 

Woops! 

“sinong andyan?”  takbo cedie!! Yung mga ganyang tono ah pumapatay yan ng tao.

“hoy!” MOMMY! :’( 

“h-he-hello!”  ngiti.

“kanina ka pa ba andyan?”

“hindi ah! Kadarating ko lang nga eh, napadaan lang ako nakita ko pa nga si Adrian e, tapos parang nakita kong bukas pa yung ilaw, tapos naisip kong tignan at patayin, sayang sa kuryente eh” 

“ah talaga?”

“t-talaga!”

“una, kanina pa umalis si Adrian, pangalawa, nakapatay ang ilaw kanina pa, pangatlo, kung balak mong patayin, why would you leave the door unlocked AND BANG IT WHEN YOU KNOW THAT SOMEONE IS STILL SLEEPING INSIDE?!?” hindi sya galit diba?

“ang bilis mo namang magalit”

“hindi, mabagal, kaya nga galit na ako ngayon diba?”

“peace!”  

“anong oras na ba?” tinignan ko naman yung relo ko, sabay biglang may pumasok sa isip ko. This happened before, right?  

“ayoko”

“ano?!”

“magtatanong ka ng oras, tapos ano? Hindi ka nanaman magtethank you pagtapos? Aalis ka nalang na parang wala kang nakita. Tapos sasakit nanaman ang ulo kakaisip kung bakit ka ba talaga ganyan. Tapos marerealize mo na marami ka na masyadong atraso sakin, magsosorry ka kasi naguilty ka, then magiging close tayo, madedevelop ka sakin at magiging tayo, tapos marerealize mo na hindi mo pala ako gusto, iinit nanaman ang ulo mo saka iiwan mo ako at masasaktan lang ako. Kaya hindi ko sasabihin ang oras sayo!”  

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon