Hi! I decided not to put titles on the rest of the updates, some elements of surprise would be nice :)
***
I know I shouldn't be sad after all, since giving is greater than receiving. Kaso lang, iba naman yung nararamdaman ko.
Ang sakit sakit lang.
Christmas is approaching at madalas lang akong nasa kwarto ko. Wala ako sa mood na lumabas ng bahay o kaya naman eh makipagkwentuhan sa kahit kanino. Kahit na ang hirap hirap ng kalagayan ko lalo na kapag naiisip ko pa rin yung nangyari, para pa rin akong masokista na gustong gustong mapag-isa para paulit-ulit na maisip yun. Bakit pa ba kasi ako nagkagusto kay Li? Or should I say, bakit kasi sa dinami rami ng mga babae dyan, si Li pa. Tapos ngayon, para akong sira na nagmumukmok dito sa kwarto. Ganito ba talaga ang mga broken hearted o talagang masyado lang akong nagdadrama sa nangyari?
Lakas kasi masyado ng tama sakin ni Li. Tagos sa kaluluwa.
Kumatok naman si Carla bandang 7pm.
"Bukas yan"
"BROTHEEEEERRRR!!!!" nagulat naman ako kaya napatayo ako agad.
"what?!?"
"joke lang. Anong meron?"
"Carla, please lang ha, wala ako sa mood para makipagkulitan sayo"
"tarrraaaaay! Di bagay magsungit kuya. Heeey! Magpapasko na uy! Christmas break nga pero ikaw naman andito sa kwarto mo tapos nagkukulong. Weird lang. Dati naman ikaw yung unang nag aaya maglakwatsa."
"so anong tanong mo?"
"ano ngang meron? paulit-ulit lang?"
"wala. Hindi naman big deal. Remember yung sinasabi ko sayo na gusto ko?"
"ay! Alam ko na! basted ka no??" sabi nya pa sa tonong nang aasar habang nakangiti.
"ohh stop it, sis"
"hahahahahahahahahahahahaha! Sa gwapo mo na yan, nabasted ka pa? omg. I want to befriend this girl. Pakilala mo ako, bro"
"hay naku, Carla"
"kuya, listen. Babae lang yan. Mas espesyal pa ba yang girl na yan kaysa kay Jesus Christ na magbibirthday na bukas? Nope. So please stop being bitter to yourself. It's Christmas! CHEER UP, BRO!"
"wala nga ako sa mood"
"use your brain then. Nagpapadala ka dyan sa mood mo, do what it right. Spend time with us! Magtatampo na sayo nyan sina mommy eh"
"You don't know what I feel"
"wow! Drama! Shut up, kuya. Labas na! ah! Alam ko na, tawagan mo nalang sa phone nya yung girl na yan mamaya!"
"ayoko. May iba nang kausap yun"
"just try! Alam mo ang sarap mo palang sapakin kapag ganyan ka no? tara na! labas na!" pinilit naman akong hilain palabas nun ni Carla. Sa sobrang kulit nya, inagaw nya pa sakin yung phone ko at nagpahabol para lang makalabas ako ng kwarto. Nagulat naman ako na marami nang mga decorations pala sa paligid ng bahay.
Gaano ba ako katagal nasa loob lang ng kwarto?
Bandang 11pm, nag-aya naman nang kumain ng noche buena si mommy. Singkulit nga ni Carla si mommy kasi nung sinabi ko na busog ako, saka naman sya nagsabi na hindi nalang daw sya kakain kung ayaw ko rin. Eh sabi naman nila na since lunch nga raw eh hindi pa kumakain si mommy, kaya no choice naman ako kundi kumain na rin.
BINABASA MO ANG
She's Not Ideally Ideal (Completed)
Teen Fictionwalang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl loves nobody, girl hates the world, boy wants to kill the annoying girl... or so he thought :)