49

607 6 1
                                    

The next day, nagsimula na ako manligaw kay Li. Unlike nung dati kay Angel, sinabi ko muna kina mommy na magsisimula na akong manligaw today. Nagsuggest naman si daddy ng gagawin ko, and guess what?

“maglagay ka ng good morning red rose sa desk nya” natawa nalang ako. Daddy ko nga sya.

I am doing this again not because wala na akong ibang magawa talaga, but because I would want to make it better this time around.

I put a card with it J

“To: Ate Lira

Diba sabi mo kasi dapat may ganito kapag magbibigay

para masigurado ng pinagbibigyan na para talaga sa kanya?

Here we go!

PS: Good morning and I love you!

From: Cedie (para sure kang sakin talaga galing)”

Nung makita naman nya, tinignan nya agad ako tapos sinabi nya

“good job!” natawa nalang ako habang sina Cedie at Adrian naman eh kinikilig.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko liligawan si Li. Pakiramdam ko kasi na ang hirap higitan nung ginawa sa kanya ni Adrian dati. Hindi ba sya pa nga yung nag isip ng para sa supposed to be romantic date namin ni Angel?

Which gave me an idea…

“What in the world are you trying to tell me?”

“hindi ko kasi alam kung paano ba dapat?”

“paano ang alin? Alam mo namang ayoko ng pasikot-sikot, just say it!”

“ang korni mo naman!”

“eh kasi sana kung gusto mo nang may mga kolorete pa sa salita, pinag isipan mo muna bago mo ako kinausap diba?”

“pasensya naman po pala, eh kasi ang hirap mong ayain sa date. Hindi ko alam baka mamaya tawanan mo pa ako sa kung anong sasabihin ko, masisisi mo ba ako?”

“mag-aaya ka ng date?”

“oo, kaso lang hindi ko nga alam kung paano kita aayain” tumawa naman sya nun. Ano kayang nakakatawa?

“just say it”

“say what?”

“ang sakit ng ulo ko sayo, Cedie” tapos humawak naman sya sa ulo nya.

“Sorry”

“eh saan ba at kelan?”

“this Saturday, 5pm sa park. Susunduin kita. Yan, paano ba sabihin yan?”

“dude, you just did. Okay, it’s a date then” tapos tinapik naman nya ako.

I just asked her? Oh. Okay.

Inihanda ko naman yung mga gamit para sa first official date namin ni Li. Iba rin nga yung kaba ko kasi diba failed yung una? Eh paano kung mapangalawahan ako?

Sinundo ko naman si Li bandang alas-5 tulad nung napag-usapan. Aaminin ko, medyo na eenjoy ko na yung messy simple look nya.

“bakit ka naman dyan tumatawa-tawa?” sabi nya kasi natatawa talaga ako sa itsura nya.

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon