It’s raining. Simula pa kanina paggising ko. From 8am to 3pm naman ang tutorial ko with Li.
30 minutes na akong andito sa library, wala pa rin sya. Talagang pinaninindigan nyang huwag magpatutor ha…
Inihanda ko na rin yung reviewer nya, kahit naman di sya pumunta, detention ko pa rin ito kaya maghihintay pa rin ako hanggang 3pm dito. Isa pa, this way, nakakapagreview na rin ako.
9am.
“sorry, late” napatingin naman ako sa harap ko… Define soaking wet~>Li.
“anong nangyari sayo?”
“tutorial ba ito o interview?”
“nagtatanong lang eh”
“pagsinagot ba kita matutuyo ako in an instant?” haay! Taray!
“osya! Start na!” saka lang sya umupo. Nilapag nya yung basa nyang bag, tapos inalis yung basa nyang jacket. Teka, wala ba syang umbrella?
“may payong ka ba? Dapat nagpayong ka”
“kung meron, edi sana hindi ako nabasa” ok. Sabi mo eh!
“panyo gusto mo?” tumingin lang sya sakin “sige na, sisipunin ka nyan” saka ko inabot yung panyo. Sus! Tatanggapin rin pala, pakipot pa!
Nung natapos na sya sa pagpupunas, inabot ko sa kanya yung reviewer na ginawa ko sa chemistry, physics at Filipino. Lesson namin yung this week.
Binasa nya lang yung reviewer na ginawa ko. Di sya nagtatanong o umiimik man lang, gumawa rin sya ng mga markings, siguro para mas madali nyang matandaan. Ako naman, nakaupo lang, parang timang, inoobserbahan sya.
‘Messy wet-look’ sya ngayon. The usual girl expression of bitting their lower lip kapag nag-iisip habang nakapangalumbaba. Akalain mong ginagawa nya rin yun? The nerdy style of playing the ballpen with their fingers. She also do that. Minsan mapapakunot sya ng noo na parang merong di naintindihan tapos titingin sa malayo para mag-isip. Naimagine nyo rin yung mga pinagsasabi ko?
Know what? I realized, she can also be like other girls at times, or should I say, she acts as a girl sometimes.
Believe me, di ko hobby panuoring magstudy ang isang babae, at di ko rin hobby na tumitig pero alam mo yung enjoy? Kasi naaamaze ka sa mga natutuklasan mo? paano pa kaya kung si Angel ito??
“do you usually do that?” biglang salita nya with matching turo ng ballpen at kunot ng noo
“what?”
“staring?” crap! Alam nya?
“huh?" Patay ka Cedie!
“stop that. That’s rude” saka sya tumuloy sa pagbasa… geez! Nakakahiya!
11:00am.
“o” inaabot nya sakin yung reviewer, aanhin ko yan?
“ha?”
“kunin mo na” at kinuha ko naman… tumayo naman na sya at inayos yung gamit nya, aalis na sya? Tapos na ba ang tutorial?
“teka, san ka pupunta?”
“we’re done here, aalis na ako”
“pero wala pang 3pm”
BINABASA MO ANG
She's Not Ideally Ideal (Completed)
Teen Fictionwalang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl loves nobody, girl hates the world, boy wants to kill the annoying girl... or so he thought :)