Bukas, Unang araw na ng 4th year high school life ko. Kabado ako for a fact na first time ko, hindi bilang fourth year (kasi malamang eh minsan lang naman talaga yung 4th year life diba? Maliban nalang kung mentally challenged) Kundi bilang isang public school student. Oo, laking private school ako. Pero dahil gagraduate na ako, gusto ng parents ko na maranasan ko rin ang buhay sa public. Sumang-ayon na rin naman ako sa trip nila.
“hijo, you have to wake up as early as 6am tomorrow ok?”
“sure dad”
Excited ba ako? Hindi siguro.
“kuya, they told me puro adik daw dun, pwede ka pang umatras” tapos tumawa sya..
“Shut the freedom up ok?? Ingay mo! sabihin mo lang, takot ka sa mga bully sa school”
“whatever kuya!”
Ang spoiled bratt kong kapatid. Nasanay na pampered kaya ayaw nyang maging independent. tsk.
***
As asked, maaga nga akong gumising, kaso lang itong si Carla eh slow motion naman, 7:30 na kamai nakarating sa school, and with all the luck, late ako..
“hijo, ikaw nang bahalang mahanap ng section mo ha, kaya mo na yan”
“wait mom! Dad!” pero humarurot na sila, nang-asar pa si Carla. Now what?? Oh crap!
Kailangan kong makisiksik sa mga estudyante para lang makapasok sa loob. Wala ba talagang tamang way ng pagpasok, tulad ng talling in line.
“shet pare! Long neck mamaya ha!”
“gag*! Uhaw ka nanaman!” gross. Ang tatackless ng mga lalaking ito. Dahil walang patutunguhan itong pagtayo ko rito, nagtanong na ako.
“excuse me guard, san po yung list ng 4th year?”
“di ko alam, hanapin mo nalang” tapos sinigawan nya yung isang mukhang adik.
Ano bang mundo itong pinasok ko? Oh hell!!
Konting siksik pa sa mga estudyante, nakita ko na yung lumang pader na pinagpost-an ng list ng senior students with section. Advantage talaga ang height, madali ko kasing nakikita yung mga dapat hanapin.
“44 section of fourth year?? Heck!” nanlaki talaga yung mata ko. Apat lang yung sa dati kong school eh.. at dahil dyan, paano ko hahanapin yung pangalan ko??
“excuse me? Pwed—“
“AAAAHHHH!!! POGEEE!!” nanlaki ulit yung mata ko..“penge ng number mo muna? AHHH!!”
“oh weird” then lumayo na ako..
Grabe na yung pawis ko nung after 10 autistic years eh nahanap ko yung pangalan ko. IV-Rizal pala ako. Room 7. Sana sa unahan nalang ako nagsimula kaso sa dulo eh, inabot pa tuloy ako ng leap year.
Umakyat ko sa building daw namin. Ganun pa rin, maraming estudyante yung tambay at maingay. Finally, ito na yung room 7, magiging room ko for a year.
May mga bag na sa bawat upuan. Late na kasi ako eh. Sabi pa naman ni mommy, paunahan daw dito sa upuan at kapag huli ka, no choice kundi sa floor.
Unlike sa room namin dati, aircon,, dito electric fan na nga lang, sira-sira pa. walang matinong ventilation. tss.
Naupo naman ako sa isang upuang walang bag, kaso biglang natanggal yung arm chair, kaya may biglang nagsalita.. may tao pala..
“UTANG NA LOOB! PWEDENG DAHAN-DAHAN?? MAY NATUTULOG DITO!” tapos yumuko ulit sya.. lumapit ako para mag apologize…
“miss sorry” pero walang kibo.. nakita ko naman yung upuan sa tabi nya.. bakante ata
“ah, excuse me? Is anyone already occupying this chair?”sabay kalabit.
Tinaas nya lang yung ulo nya at tinignan ako..
“pinoy ka?”
“oo”
“edi magtagalog ka! Bakante yan” tapos natulog nanaman ulit sya.. buti naman ayos na itong isang upuan, atlis hindi na ako sa sahig..
“miss?” sabay kalabit ko ulit "gusto ko lang magthank you, di kasi okay yung unang pag-uusap natin eh”
“walang anuman” pero nakayuko pa rin sya..
“ako nga pala si Cedie, bago mong kaklase, Cedie Dacanay”
Tinaas nya lang ulit yung ulo nya saka nagsalita ng mabilis“Kaitlin Tagle, Kaitlin, Li, Psst, Hoy, kahit ano basta alam kong ako yung kausap mo” iba rin ito eh.. parang ako yung hiningal sa kanya.. babae ba talaga ito??
“ah.. nice mee—“ natulog ulit sya “—ting you” tumingin naman ako ulit
“last nalang pwede? Bakit hindi ka nagflag ceremony?”tumingin naman sya sakin na halatadong naiirita na..
“eh ikaw bakit wala ka dun?”
“kasi late ako”
“okay, yun nalang din yung rason ko, now, let me sleep”tapos natulog na sya ng tuluyan.. owkey..
GOOD! WARMEST WELCOME EVER!
How am I going to live with this girl for a whole year? Grabe ka weird ang aura nya, parang ang bigat ng katawan eh.. pero wait lang...
Pwede bang lumipat ng ibang upuan?
BINABASA MO ANG
She's Not Ideally Ideal (Completed)
Teen Fictionwalang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl loves nobody, girl hates the world, boy wants to kill the annoying girl... or so he thought :)