Eight-Witch

1.4K 16 12
                                    

Sabi nila, mahirap daw talagang kilalanin ang taong ayaw magpakilala. Pero dahil si Cedie ako, hindi ako susuko. Nagkabukol, galos at pasa na ako, saka pa ba ako titigil? Si Angel lang ang walang ganti! Hehe :”>

“cedie, seryoso tayo sa pagrereview ha?”

“baka bumagsak eh”

“ayos lang yan, ito ngang si kate o, tulog lang”

“weird din nga eh, buti naging close kayo?”

“walang panama sa makulit na gwapo eh”

“alam mo, you seemed… napatigil ako, oo nga pala, sinabi na nya na wala raw syang gusto kay katabi.Save & Publish

“I seemed?”

“ah, wala”

“di nga, you made me curious” sige na nga, sabihin na…”

“you seemed to like her”

“ako?” tumawa sya ng konti.. “yep! Before” o?

“o? talaga?” tumango sya

“pero nabugbog ako kaya ayun! I stopped” nabugbog?”

“literally?” tumango ulit sya.. katakot!

“sadista po, ewan ko ba eh, but that's the way I liked her”isa pa pala itong weirdo eh

“for real?”

“parang di ka ata makapaniwala? Honestly now, I can tell na, hindi ko na ATA sya gusto, there’s a hesitation, pero baka nga di ko na sya gusto” akalain mong may mainlove sa kanya?

“ahh..”

Dead air.

“bakit? Type mo ba sya? Don’t ever worry, hindi mo ako karibal bro” pagkasabing pagkasabi nya nun, nabilaukan ako at napatawa ng malakas.. as in!

“of course I don’t! I won’t! tapos tinap lang nya ako sa balikat

“never say never” sabay umalis na sya.. unless gayumahin nya ako.. or kulamin.. hehe!

Baka kaya sya mataray kasi mangkukulam sya? At kaya sya laging tulog sa araw kasi sa gabi eh nangungulam sya? Hindi kaya ganun nga? Kaya rin nainlove sa kanya itong si Adrian? Tingin nyo?

***

Long Test.

Tinap ni Ma’am P6 yung ibabaw ng desk ni katabi sabay taas ng kilay…

“be sure to pass” saka nya inabot yng test paper. Umirap lang si Katabi tapos nagstart na rin syang sumagot, at ako rin.

Mahirap kung sa mahirap. 40 minutes na 40 items. Akalain mo nga naman. Genius daw kasi yung teacher namin kaya ganun.

Sagot…

Sagot…

Sagot…

“10 minutes!” ay tokwa! No. 25 palang ako! Narinig ko namang biglang binagsak ni katabi yung ballpen nya kaya napatingin ako. Tapos na ba sya?? Ay grabe! Nilaro lang ba nya yung test???

Checking time.

“ako ang magchecheck ng papel mo miss…”

“feel free ma’am! Tagle, baka magkamali ka ma’am eh.. T-A-G-L-E” tumingin lang sa kanya si Ma’am sabay hinanap yung papel nya.

“good luck Ms. Tagle”

thanks ma’am” hmp! Sarcastic!

Habang nagchecheck kami, walang reaksyon si Ma’am, same sa katabi ko na—walang chinecheckan??

Dalawang paper naman yung hawak ni Adrian.. tss. Dumidiskarte no? tatawa-tawa pa nga si Adrian tapos kukulitin si katabi tapos tatawa.. sweet daw.

Naka34 over 40 ako. Sinilip ko naman yung test paper ni katabi…

“tingin-tingin mo?” yay! Katakot!

ilan score mo?”

“paki mo? magiging pera ba kung malalaman mo?” as if naman malaking pera yung equivalent ng score mo?

“sungit” tumingin lang sya ng masama

“gusto mo ba talagang malaman?”

“oo naman!” nilaro-laro nya yung paper nya sa harap ko tapos…

“neknek mo” BWISIT! Sobrang baba siguro kasi ng score nya kaya nagdadamot

“princess kate, ilan?” sabay upo ni Adrian sa tabi nya

“may utang kang lunch” napapalakpak naman si Adrian.

I’m willing to spend, Mcdo ha!” tumango lang si Katabi. ANO RAW? Pinisil ulit ni Adrian yung pisngi nya, this time binatukan sya ni Katabi..

Tumawa lang naman si Adrian.. sabay kinausap ako..

“ang sweet diba?” napatawa naman ako.. and for the second time nakita kong nagblush nanaman si katabi!!!

“ang galing nga nitong princess KO, perfect nanaman e! natameme tuloy si Ma’am” sabay kumindat sya kay katabi.. 

Bakit parang ang bagal ng absorbing system ko this past few days??

WEH? 

DI NGA? 

TOTOO? 

PEKSMAN? 

SWEAR? 

AS IN? 

MAMATAY MAN YUNG DAGA SA KAPITBAHAY NAMIN?

SAGUTIN MAN AKO NI ANGEL??

FOR REAL? 

TALAGA?

NAKAPERFECT SYA?  

Hindi kaya totoo talaga yung hinala ko? Na mangkukulam sya at nahokus-pokus nya yung exam??? 

Possible no??

(comment, share, like, vote, be a reader!) I love you all!

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon