Two- Angel

1.8K 22 2
                                    

Dumami na yung mga estudyante na dumarating dito sa room, at paingay na ng paingay. Buti nga itong katabi ko eh hindi pa nagigising…

Kapag may dadaan sa harap ko, titingin lang tapos ngingiti. Hanggang sa may isa nang lumapit sakin…

“bagong estudyante ka? Welcome pare!” tapos nag abot sya ng kamay.

“a, salamat”

“mike nga pala, saang school ka galing?”

“Cedie, sa St. Andrew’s”

“WHOA! Private school yun! Bigatin ka pala eh!”

“ah, hindi naman” tapos nagkwento pa sya, pinakilala nya rin ako sa iba, hindi naman pala sila as worse as what I thought. Friendly pa nga sila at kwela.

“yan, si Kaitlin, Li tawag namin. Ganyan talaga yan, always sleeping. Most behave yan” sabi nung isang babae na Ems daw ang palayaw. Nagtawanan naman sila…

“bakit?” halatang nagtaka sila bigla sa tanong ko

“bakit ano?”

“bakit sya ganyan? Di sya napapagalitan?”

“hindi as in NO! napapagod nalang sila kasasaway dyan, sila na rin ang sumusuko, walang talab ang counsel, Principal’s Office at detention. Ewan nga kung bakit nasa section 1 yan, at hindi nababagsak”

“may utak naman si Li kahit papaano”

"tamad lang yan talaga sa klase” sabi na nung isa

“but how?” tanong ko naman

“interesado ka? Crush mo??” sabay asar nila, AKO? CRUSH KO? DUH! Ayoko sa stubborn, please lang!  

“wag nalang pala” tapos tumawa nanaman sila

“hindi ka papasa dyan, walang paks yan sa mundo eh”obviously naman. Kaya nga I’ll never like her.

“science class ka diba? Bigatin ka pala eh! Advance ang utak!”

“hindi naman”

“regular lang kami pero hindi naman kami pwedeng small-in, chumachamps kami sa mga contests!”

Nagulat nalang kami nung biglang tumayo yung miss. Di ko alam kung anong itatawag ko eh

“LUNTIANG BERDE NAMAN O! magpapayabangan nalang kayo, dito pa sa tabi ko!” sabay umalis sya..

“see what we mean?” sabi nila

“clearly” di ko na napigilang magtanong kaya ayun, bumuka nalang bigla yung bibig ko “why is she like that?” nanahimik lang sila bigla.. “bakit? Is there something wrong with what I’ve said?” pero wala pa ring umimik..

“wala pang nakakaalam up until now, others dare, pero wala silang napala” napatingin naman ako dun sa paparating na nagsalita.. “hello! Angel nga pala!” sabay smile “sorry guys, late?” then tumawa sya..

Alam nyo yung Anghel na Angel ang pangalan? (ok cheesy!) with that smile.. WOW! she’s simple yet pretty! Can she be the one that I’m looking for?  :">

“you are?” tanong nya sakin kaya parang natauhan ako..

“cedie” tapos nagsmile nanaman sya. Nakakalaglag panga naman ito!

“hello cedie! Nice meeting you! cute” *blush*

“I smell love here!” tapos nagkantyawan nanaman sila.. nakakahiya naman..

“oo nga pala, you’re interested about her? Well, don’t be. Higit sa kalahati ng populasyon sa klase na ito eh nagtry na, pero ang napala? Detention at suspension. War freak eh, ayaw nyang pinapakialaman sya. She’s simply mysterious. Eh bihira ngang magsalita” ang ganda ng boses nya, malambing. Tapos halata mong matalino, smiling face pa.. haay cedie..  

At anong sabi nya? Wala akong mapapala? Detention at suspension? Well, let’s see. I’ll find out who you really are,mysterious…err—stubborn classmate.

[COMMENT :))]

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon