20-Suitor

1K 7 6
                                    

Gulat na gulat pa si Adrian nun habang hawak nya si Li, she’s unconscious. Sabi na kasi eh!

“I told you to wait in the classroom!”

Lumapit naman ako sa kanila. Tinulungan ko si Adrian na buhatin si Li. Sinabi ko nga na dalhin na sya sa ospital pero sabi nya na ok lang daw si Li.

Ok pa ba yan sa lagay na yan?!?!

Inupo nya lang si Li dun sa bench sa kabilang kalsada then after a while, she woke up.

“told you” pero delikado pa rin eh “hey, are you okay now?”

“ugh” humawak naman sya sa ulo nya “oo”

“I told you to wait for me in the room, didn’t I? I knew this would happen”

“yeah, but two person needed some privacy so I decided to follow you instead”

“two people? Sino?” tumingin naman si Li sakin.

“wala. Excuse ko lang yun. Gusto kong maglakad eh” speechless naman ako. So somehow, may kasalanan din pala ako. She’s concerned din pala, pero that privacy thing, she kinda ruined it.

“hard-headed!” tapos pinush naman ni Adrian ng light lang yung noo ni Li gamit yung point finger nya. “Ikaw nga pala, Cedie? Anong ginagawa mo rito?”

“I was about to kill someone kaso lang it turned out I owe that person an apology”

“ohh. Sino?”

“a bully friend.”

“aaa”

Gusto nang ihatid ni Adrian si Li sa kanila since mataas talaga ng sobra yung lagnat ni Li, pero ininsist nya na wag na. Yeah. She’s still Li kahit may sakit sya, mysterious and secretive.

“Alright then, tinawagan ko na si daddy, susunduin nya tayo” Halata mong gusto pang makipag-argue ni Li kay Adrian pero hindi nalang sya nagsalita. Umalis na rin ako kasi maggagabi na talaga. Nung papalayo ako, nakita kong dumating na yung sundo ni Adrian. Napaisip naman ako:

If Li will won’t act as rebel as she is now, total attraction talaga sya. And between her and Adrian, I think they’ll make a good couple, right?

Basta ako, I’m on my way to it. HAHAHAHAHA!

***

Bumili lang ako ng red rose sa flower shop early in the morning tapos nilagay ko arm chair ni Angel. I know she’ll understand and know kung kanino naman galing that’s why I didn’t also bother to put any names.

Nung parami na nang parami yung mga kaklase naming na dumarating, may titingin dun sa flower tapos titingin sakin. Meron din namang mapapawow nalang kasi raw attractive talaga si Angel at may secret admirer pa, gusto ko sanang sabihin na ako yun admirer na yun kaso parang masyado naman ata akong pashow off kaya nanahimik nalang ako.

Dumating naman si Li nun na halata mong wala sa sarili. May sakit ito kahapon eh, ang bilis naman ata nyang gumaling?

Nahalata nya naman na nakatingin ako sa kanya kaya sumimangot sya tapos nagsalita

“ANO?!” yan yung favorite word nya. Hindi ko nalang pinatulan. Isa pa, naghihintay ako kay Angel, gusto kong makita yung reaksyon nya eh

Tingin naman ng tingin sakin yung mga tao, habang yung katabi ko naman… aba! Gising ata ngayon at nagbabasa nanaman. Nagiging palabasa ata ito lately. Tumayo lang sya one random time at nagtapon ng basura tapos bumalik na sa upuan nya, tulad ng dati walang pakialam sa mundo. Nung napadaan sya sa upuan ni Angel tumingin lang sya dun sa rose tapos tinignan ako saka naman sya bumalik sa upuan nya.

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon