I’m so freaking nervous today, maliban kasi sa ngayong araw na to yung Christmas program ng school, ito rin yung last day ng school para sa taong ito. Next thing we’ll know eh Christmas break na. Which only left me with one conclusion,
Today is the day...
I don’t know yet kung paano ko sasabihin, alam naman nating lahat na ayaw ni Li na ipinangangalandakan yung personal na buhay nya sa maraming tao kaya gusto kong respetuhin yun. Hindi ko rin magawang magtanong ng advice kay Geni kasi nga gusto ko naman na mula sa sariling effort ko itong espesyal na bagay na ito, isa pa, kung may isang tao mang dapat na unang makaalam ng gagawin ko ngayong araw na to, si Li na yun at walang iba.
Since she’s the project head, busy talaga sya bago pa man magstart lahat. Tawag dito, tawag dyan. Tinry ko ngang lumapit sa kanya kanina kaso lang naharang naman ako at nautusan na ayusin yung upuan ng mga guest namin.
One last resort na naisip ko para masabi ko na sa kanya, ipinakiusapan ko si Geni at Ems na magtake over dun sa trabaho ni Li. Nung una ayaw pa ngang ibigay ni Li sa kanila, pero nung sinabi ni Geni na may problema raw kasing nangyayari sa classroom kahit na wala namang tao dun, eh pumayag na rin si Li. I’m thankful lang nga na mabilis ang pick up ni Geni sa mga ganitong sitwasyon.
“anong gulo ba yung tinutukoy ni Geni?” sabi nya sakin habang nagmamadali syang pumunta sa classroom namin
“chill, joke nya lang yun. Para lang ibigay mo sa kanila yung trabaho mo. Hindi ka na nagpapahinga eh”
“really? This time nyo pa naisip na magjoke! Ayos rin kayo ha” iritado na sya nun tapos naglakad naman sya pabalik sa stage.
“hey wait” napahawak naman ako sa kamay nya pagpigil ko sa kanya pero inalis naman nya agad.
“ano?”
“ang totoo kasi nyan, ang hirap mong kausapin kapag marami kang ginagawa. Eh may sasabihin lang naman kasi akong importante sayo”
“hindi ba pwedeng mamaya nalang kasi sobrang dami pa talagang kailangang ayusin sa backstage”
“eh kasi kapag pinospone mo pa ngayon, baka hindi ko na masabi eh” lumunok naman ako ng laway nun. Mas lalo tuloy syang nagtaka sakin.
“eh ano ba kasi yang importanteng bagay na yan? Sabihin mo na ng matapos na!”
“sasabihin ko pero kapag sinabi ko, hindi naman matatapos yun agad, feeling ko nga lalala pa eh”
“eh ano nga kasi yun?”
“diba sabi ko sayo nung birthday mo na to follow nalang yung gift ko kasi baka hindi ka pa ready sa kung anuman yun?”
“magbibigay ka lang ba ng regalo? Okay nang walang speech—“
“akala ko ba gusto mo nang mabilis? Eh bakit ka sumisingit?” napatigil naman sya. EH kinakabahan na nga ako eh tapos mapuputol pa?
“okay, go.go”
“kailangan ng speech dito, makinig ka nalang pwede? Sabi ko nga baka hindi ka pa ready pero naisip ko naman, bakit ko pa hihintayin yung time na yun? Eh Pasko naman na and this is the season of giving nga diba?”
“oo na”
“shhh! Sabi nang—“
“ako ba pinagtataasan mo ng boses?” nakapameywang pa sya. Woops.
BINABASA MO ANG
She's Not Ideally Ideal (Completed)
Genç Kurguwalang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl loves nobody, girl hates the world, boy wants to kill the annoying girl... or so he thought :)