10- Si Katabi

1.4K 14 7
                                    

MALIGAYANG PASKO!!

****

MAPEH time.

Hinati kami sa apat na grupo, Learning Teams daw ang tawag dun, napunta naman ako sa LT2.

Unlike pala sa nakasanayang MAPEH Classes ko, dito, ang mga estudyante ang pupunta sa MAPEH rooms at hindi ang teachers, pareho sa TLE time. Ewan ko kung bakit ganun. 

Agad naman kaming sinabak sa gerahan, PE time kasi ngayon, pre physical test daw, requirement daw yun talaga sa subject na ito.. nagpartner-partner naman yung mga magkakagrupo, choose your own..

“Mr. Dacanay, come here” tinawag naman ako nung teacher namin. Syempre lumapit ako.

“sir?”

“bagong estudyante right? You aren’t familiar eh”

“opo sir”

“kinausap ako ng guidance counselor and told me something, isa nga raw sa punishment sayo eh yung iattach ka kay Ms. Tagle, so, technically, you two areautomatically partners for a month in my class..”

“for a month?” a month of hell. 

“yes.. you may go back to your group now” tapos pumito sya, meaning attention.. “everyone! Work as fast as you can, 45 minutes, you  have to complete the informations there, partial curl ups, sitting height, sit and reach, push ups, arm span. etc. just read the paper. Start now!”kumilos naman sila..

“Cedie, partner tayo!”

“si ano na kasi partner ko eh” tapos tinuro ko si Katabi.. nagulat sila, pati si katabi. Kaya lumapit ako sa kanya at bumulong. “detention, part pa rin daw sabi ni sir” 

“tss” yan lang yung reaksyon nya… inuna namin yung sitting height, since nakaupo na rin naman sya, tamad kasing tumayo eh..

For a girl, mahaba talaga yung katawan nya, though hindi ko nakikita, feel ko long-legged ito sya.. ang awkward pa nga nung una kasi kinailangan ko pang hawakan yung balikat nya para ipadiretso yung upo nya… wala lang, unusual yun para sakin. Wag nang kumontra. 

Sinunod naman namin yung sit and reach. At dito ko napatunayang long legged sya! Sabi sa inyo eh.. eh si Angel kaya?  

Hindi sya nag eeffort na pahabain yung reach ng kamay nya, kaya ilang beses ko syang pinaulit. 

“tss. Ok na yan”

“hindi nga. Ulitin mo”

“hay ang arte” tapos in the end, natapos rin ang debate at nanalo ako...

Tumayo sya agad, nakalimot ata syang may partner sya.. 

“hoy, ako pa” nagroll eyes lang sya then umupo ulit.. mahal siguro laway nito no?

“ilan ba?” habang nakadapa ako pero hindi naman talaga dapa kasi upper body ko lang yung almost nakalean sa sahig habang nakafold yung right leg ko at nakastretch yung righ arm ko.. naimagine nyo? 

“88” saka naman ako nag iba ng leg.. same position pero opposite arm and leg.

“89” wooo! Nakakapagod pala kahit ganito lang ha..

“hey, paabot nung ballpen sa tabi mo?” kinuha nya naman at inabot.. 

“Li” ano raw?

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon