15-Weird (better text)

1.1K 17 2
                                    

“Kaitlin, konting passion, give in to the emotion, act like a girl, make it sexy” binitiwan nya naman yung kamay nun ni Mark, para bang gusto na nyang hampasin yung nanay ni Mark ng sapatos. 

“I am a girl, pero isn’t too much to ask me to make it s-sexy?!” nandidiri pa yung mukha nya… tumawa naman yung nanay ni Mark.

“Hija, hindi naman maliciously, this is part of the dance, an art”

“it’s the same” tapos tumalikod naman sya “break nalang muna” 

Kanina pa sila nagtatalo ng mga dapat nyang gawin, sabi ng nanay ni Mark, dapat daw magpakababae muna si Li, kahit sa sayaw lang daw na yun. Tawa nga kami ng tawa habang ginagawa namin yung mga props namin sa acrostic. 

“sexy-sexy. Yuck!” narinig ko pa syang nagmumurmur nung kinuha nya yung pitaka nya sa bag. Nakakatawa talaga. Pero parang napalakas ata yung tawa ko at narinig nya ako.

“kantyaw pa, kala mo naman ang galing mo, eh hanggang akrostik lang naman ang kaya mong salihan, can’t you be any better? bulong nya sakin. Nainis naman ako bigla

“edi ikaw na ang magaling, ikaw na ang talented, ikaw na ang matalino, happy?”

“VERY!” tapos umalis na sya, BATUHIN KITA DYAN NG GUNTING! ARGH!  

Ok fine. Ako na ang walang talent. Hell.

Naku! Wag lang talaga syang magpakita sakin, baka mamaya nyan nasa presinto na ako. >:|

“cedie, ok ka lang? naririnig mo ba ako?”

“oh..” SI ANGEEEELLL!! “hi” asus! Pacute!

“ok ka lang?”

“oo, bakit?”

“tinatanong kita kung pwede mo ba akong samahan sa mall, mamimili kasi ako ng dagdag na kailangan ninyo para sa acrostic, wala naman kasi akong masyadong ginagawa, pwede naman kasi akong makapagpractice sa bahay, kaya nagvolunteer nalang ako na tumulong sa iba.” Ang bait at sipag talaga kahit kailan ng Angel ko… :”>

“sure, oo naman, salamat nga kasi tumutulong ka eh”

“wala yun, para naman sa grupo eh. So tara?” tumango naman ako, ayos ito! Masosolo ko si Angel. Pero wag kayo ha! Hindi naman ako manyak or anything, alam nyo lang kasi yung sarap sa pakiramdam na makakasama mo yung taong nagugustuhan mo? Yung ang sarap ngumiti ng sobrang laki pero pinipigilan mo kasi baka mahalata nya? YUN.

“siguro 1st honor ka sa St. Andrews?”

“ako? Hindi ah, pero may honor, pero hindi first”

“ang talino mo kasi eh. Alam mo, nakakinsecure sa mga babae ang mga lalaking matatalino. Alam mo na, sa relationships, ang girls gusto laging dominant at nasusunod sa lahat ng desisyon” am I overthinking or is it just like she’s t actually talking about “us” in the future?

“are you saying na…” I can’t say it

“ano? Did I offend you?” no.. you cheered me up! “well, I’m only talking about girls in general. Pero mayroon pa rin naman sigurong ibang girls with different views, but konti lang…” ohhhhhhhh

“oh, nevermind” :’(

“do you happen to like someone?” napaubo naman ako bigla “why?” tapos tumawa sya “YOU DO!” tumawa ulit sya. Kung alam mo lang kung sino.

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon