Six-Jacket

1.5K 18 15
                                    

“san ka galing? Anong oras na? parang hindi ka babae ha?”

“kuya, you’re over reacting ok? Galing lang sa club with friends, birthday ng bestfriend ko” pumasok naman sya tapos dumiretso sa kwarto nya..

“kahit pa! you should’ve told me!”

“weh kuya? Pinayagan ako nina mommy no”

kahit pa, ako pa rin ang bantay mo” sumunod ako sa kanya

“kuya gabi na, I’m tired, hirap sayo ang sungit mo kaya wala ka pa ring lovelife eh. May nameet ako sa club, reto ko sayo, good night kuya!”

“HOY!” sabay sara nya ng pinto ng kwarto.. “Carla! Ayoko nyang irereto mo! tigilan mo ako!” may Angel na kaya ako… ang bakla mo Cedie. 

Napasmile naman ako sa takbo ng utak ko.
 


Naisip ko naman, siguro kapag two months na at pareho pa rin itong nafifeel ko kay Angel, liligawan ko na sya. Alam nyo kasi yung pakiramdam ng kapag naiisip mo sya, napapangiti ka nalang bigla, tapos parang MTV kapag nakikita mo sya at ngumingiti? Parang may wind effect at sparkling clouds? Weird pero, nararanasan din pala yun ng mga lalaki? Kala ko kasi pang bading lang yung eh…

Alam nyo, ang swerte ni Angel, mabait, matalino, maganda, full package na! di katulad ng iba na tamad na nga, messy pa, may ugali pa… teka nga, parang may tinutukoy ako eh. Pero wala no. tamaan lang ang tatamaan. 

Papansin lang kasi minsan kapag ang ganda na nung eksena sa isip ko tapos biglang papasok yung isang babae na ikakukunot talaga ng noo ko.

***

Matapos nung encounter nung isang araw, dumistansya muna ako kay Katabi. Baka lalong kumapal mukha nya at isiping type ko talaga sya. Isa pa malamig ang panahon ngayon, tag-ulan na eh.. anong konek?

baby boy, kelan ang birthday mo?” Baby Boy? 

“haha! Ako?”

“may iba pa ba?” pilosopo din ha

“bakla ka?” tumawa sya ng malakas..

sinong bading? Gusto mo halikan kita? napalayo ako bigla, He’s Ygy, Ygnacio real name nyan.

“uh-will you please?”

“WAHAHAHAHA!! Kadiri ka ha! feel mo? di ako becky! Baby boy kasi tawag nila sayo, so kelan nga yung bday mo?”

“July 15 19**”

“ah, mas matanda ka pala sakin.. then tumunghay sya sa may pinto. “ANGEL!” tapos lumingon naman si Angel of my life. “JULY 15 DAW!” nagulat bigla si Angel at napatingin sakin. 

WHAT? Tinanong nya? She’s interested? Nakakafulfill naman ng taon yun!!  

“bwisit ka Ygy! Sabi bang isigaw?” sabi ni Ems.. natawa lang ako. Bakit kaya gusto nyang malaman?

“crush ka ni Angel kung curious ka” HECK! 

TALAGA? TOTOO? WAAAW! HEAVEN ITO PARE! 

“ikaw talaga, puro biro” para kunwari hindi ako affected. CRAP! Baka hindi ako makatulog nito mamayang gabi!!!

“lang’ya naman o! break time nalang nga ang tulog mo, may nambubulabog pa!” tabi-tabi po.. may nasagi nanaman kaming engkanto e.

“yan” bulong sakin ni Ygy, “pusong bato yan, walang crush, walang type, masungit pa. Menopause na ata eh” tumawa naman sya, natawa rin ako..

“Menopause? Kung yang bunganga mon kaya ang ipapameno-PAUSE ko?” saka lang natigil si Ygy katatawa. Tumgin naman sya sakin.. “gusto mo ikaw din?” killer look! Katakot! Saka sya natulog ulit. Malala na ito. Tsk.

“Noli Me Tangere” sabay nagroll eyes ako. I bet hindi nya nagets yun no?



Bandang uwian na nung narealize kong parang may nakasubaybay sakin. Pagtingin-tingin ko sa paligid, nakita ko si Angel, pero inalis nya rin agad yung tingin nya, nagulat pa nga eh. Tinitignan nya ako? Kung alam lang nyang tinitignan ko rin sya!

“ginoong Dacanay, nakikinig ka ba?” patay! Nahuli ako si Sir M. na di nakikinig. “anong pinagkakaabalahan mo?”

“w-wala po sir”

“ginoong Dacanay,” biglang taas ng boses nya… “kung wala, ano ang tanong ko sayo?”

“kung ano pong pinagkakaabalahan ko?” tumawa silang lahat..

“tss” side comment naman nung isa. Inirapan ko lang. mataray din ako kunwari.

“binibining Tagle, maaari mo bang sabihin kay Ginoong Dacanay kung ako na tanong ko?” tumayao naman si Katabi, halatadong tinatamad sya.

“anong ibigsabihin ng Noli Me Tangere?” sabay upo nya agad.

“ngayon Bb. Tagle, maaari mo bang sabihin kung ano ang sagot?” tumayo ulit sya, I doubt alam nya..

“Sir…” ang talaga nyang nagpause “Noli Me Tangere, touch me not, huwag mo akong salingin” tapos tumingin sya sakin ng masama… narinig nya yung kanina?

“TAMA!” nagdiscuss pa si sir tapos dinismiss na rin kami.

Unlike dati, sumabay sa pag-alis nung iba si Katabi, nakakagulat nga eh, kaso lang sa sobrang gulat ko, may napansin akong kakaiba…

Lumapit ako agad sa kanya sabay hinila sya sa tabi sa walang tao..

“HOY! Ano ba?”

teka lang sandali” then tinignan nya yung kamay namin saka lang ako bumitaw.

Huminga ako ng malalim, paano ko ba sasabihin?

“ANO?” iritado nanaman sya “kung wala kang sasabihin, wag mong sinasayang ang oras ko!” sabay aalis na sana sya..

“teka!” ok, hinga Cedie!.. kaya mo yan!  




“kasi ano eh..” CROP! Paano ba??



















“m-may tagos ka” namula sya bigla. Mali ba pagkakasabi ko?Ano ba dapat?? Naku!

Sumimangot sya pero hindi sya gumagalaw. Kaya yung ginawa ko, hinubad ko yung suot kong Jacket, tapos nilagay ko sa likod nya..

“hiramin mo muna panakip. Saka mo na ibalik” napatingin naman sya sakin… ok I know it wasn’t enough.. naiilang sya eh.. o nahihiya?? Tss.

“tara, hatid na kita hanggang gate, magcommute ka, wag kang maglalakad ha” tapos tinali ko na sa beywang nya yung Jacket at sinamahan sya pababa…

VOTE, COMMENT, LIKE, SHARE, BE A READER! (fan daw)

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon