19-Eth

1.2K 11 10
                                    

Did I say that I’m going to start courting Angel today? Nope. That was supposed to be yesterday kasi. But epic fail nalang kasi Sunday pala at walang pasok. 

I really don’t know how I am gonna do it. Eh kasi maliban sa first time ko, talagang kinakabahan pa ako. Ano nalang gagawin ko kapag nareject ako?

I arrived at school earlier than usual. Gusto kong magready at magpractice.

“Hi, Angel. I’ve got something to tell you” no no no! That’s too used already!

“Hi, Angel, how about getting some coffee later after school?” tsk! Masyadong movie like!

“Hi, Angel, can I ask you out on a date?” ngek! Masyado naman atang straight forward?

“Hi, Angel.. ugh! C’mon, Cedie!” tapos tinap ko naman yung sarili ko sa pisngi.

“Hi, Angel… uhmm—“

“when did you became tho pretty?” napaisip naman ako, tama!

“Hi, Angel, when did you became that pretty?”

“it’th in-born, honey” did someone just reply to me?

Lumingon naman ako sa may pintuan. Halos mapatalon ako sa gulat. May lalaki na nakatayo dun, well nakasandal sa may pinto actually tapos ang creepy ng ngiti nya.

“excuse me?”

“yeth?”

“sino po sila?”

“hi, pogi” tapos lumapit naman sya “tranthferee ka no? nayth meeting you!”

“oo, transferee nga ako, Cedie nga pala”

“hi Thedie!”

“nope, Cedie, Se-dee”

“oo nga, Thedie”

“not Teddy, si-i-di-ay-i. Cedie”

“are you inthulting me?” woops. I guess why now.

“oh. I’m sorry”

“joke lang! hindi ako mataray no! anyway, ako nga pala thi—“

“CRISOSTOMO GENISIS SANTOS!” napatingin naman ako sa pintuan, si Ems lang pala. Nagdadatingan na yung mga kaklase ko. Tugs. Tugs. Tugs. 

“EMTH!” 

“kelan ka pa nakauwi?”

“kahapon. I’m beeeck!”

“nice! So nagkakilala na kayo ni Cedie?” tumango naman ako.

“hahaha! Yeth, thomehow, I knew him” tumingin naman sya sakin ng creepy na parang may pahiwatig na.. susko! Narinig nya nga pala yun!

“Call him, Geni, sya ang mother bee namin. Bee which stands for becky”

“oo! Becky na maganda” dagdag naman nung Geni na bading pala.

“bakit ngayon lang kita nakita? Kaklase kita diba?”

“oo, and I feel thoo lucky! Galing akong ithtateth, nathobrahan lang tha bakathyon, ayun”

“ahh. Kaya pala”

“ikaw, kelan mo balak sabihin yung lineth na pinapractith mo kanina kay Angel?”

“shhhhh. Please, please talaga, Geni, wag kang maingay”

“Kith muna” ohhhh noooo! “hahahah! Joke! Kadiri! Dethenteng becky ako no! and don’t worry, di rin ako chithmotha, I’ll keep everything I’ve heard. It’th our thicrete”

“thanks, Geni! At dun sa line na sinabi mo, sa tingin ko yung nalang yung gagamitin ko”

“thure! Alam ganun lang yan, alwayth ithtart with a compliment or pick up line, tapoth thaka mo unti-untiin yung guthto mong thabihin. Trutht me, magwowork yan, kaming mga babae, mahilig tha thurpritheth” 

“pwedeng humingi pa ng isa pang favor sayo, Geni?”

“thure!”

“can you help me on other things rin? First timer eh, and as much as possible sana, gusto maging effective?”

“okay okay! I’ve got your shoulderth, Papa pogi. I’ll be your fairy godBecky! natawa naman ako sa term nya. 

***

I kind of like the idea na may mapagtatanungan na ako ng mga bagay-bagay. Kasi naman kung yung kapatid ko nalang lagi, baka isipin pa nya na ok lang na makipagdate sya dun sa Kevin na yun since yung kuya nya eh ganun din. Naaaah! Not gonna happen!

Lahat sila, pagtapos nung dalawang nakalipas na subjects namin eh nagtumpukan dun kay Geni. I can tell you, favorite sya ng lahat ng tao rito, unlike sa katabi ko na parang hindi nag-eexist.

Hindi talaga ako makapagfocus sa mga subjects since lumilipad yung isip ko at kinakabahan ako para mamaya. 

Tamang nagtatawanan sila nung nagising naman si Li. Naglagay naman na ako ng kamay sa tenga.

“HOOOY!!” nakasimangot pa sya, natahimik nga, as in total silence. “Bwisit!” tapos yumuko ulit sya. 

As usual na reaksyon eh may mga nagmurmur at tumawa nalang, pero iba ang ginawa ni Geni. He or she, ugh, whatever, basta tumayo sya then tinap yung ulo ni Li. Naku! Away to!

“ay leche!” tapos inangat naman nya yung ulo nya, ready na syang makipagsuntukan. 

“May problema ka?” ang angas pa ng dating ni Geni, parang lalaki lang eh este parang tomboy lang eh. “thuntukan!”

“sige ba! Sa labas!” tapos tumayo naman si Li at pinantayan si Geni, konting tiptoe lang kasi matangkad na rin naman sya.

“thuth! Lalabath ka pa, dito na!” this is not good. Pero nung tatayo na ako para umawat, pinigilan naman nila ako habang sila eh tatawa-tawa lang. Hindi po magandang makakita ng labanan ng isang tomboy at bading!

“sige ba, sabihin mo muna, SORBETES!” seryoso sya nun. Tapos sinampal naman sya ni Geni, pero hindi malakas, parang wala lang nga eh.

“gaga!” tapos natawa sya. Nakasimangot lang si Li.

“welcome back, bading!”sabi ni Li nang walang emosyon. Tapos nun umupo na  sya.

“thalamat, bro! wala man lang bang hug?” binatukan naman nya si Geni.

“ihug mo neknek mo! Totoo yung sampal mo ha!”

“namith kita eh! Alam mo namang ikaw lang yung babaeng muntik na makapagpainlove thakin!”

“isa pa, sasapakin na talaga kita! Kadiri!” tapos natulog na ulit sya. Tumawa naman yung ibang nakikinig, yung iba naman eh walang pakialam sa nangyayari.

So there you go, that was a fake fight. Okay fine.

By lunch time, inexplain nga nila na muntik-muntikan daw maging lalaki ulit si Geni dahil nagkacrush sya kay Li nung third year, kaso lang daw rejected sya. Nakakatawa pero totoo pala.

Nalaman ko rin na bukod pala kay Adrian, si Geni na yung second closest person to Li. 

“ito namang baby ko…” Geni’s talking about Adrian, si Adrian naman eh nakikisakay lang “lalong gumwapo, pero may kakompitenthya na thyaaaaaa!” ang becky becky ng tono nya kapag kausap at pinag-uusapan si Adrian, nakakatawa lang.

“Ikaw pa rin naman, baby eh. Eh ako pa rin ba?” tapos nagyuck naman yung mga tao at binato si Adrian nung mga hawak nila. Syempre biro-biro nya lang yun. Habang si Geni naman eh kinikilig.

“yan! Yan! Type mo eh mga kalahi ni Geni, kaya pala hanggang ngayon eh hindi mo nililigawan si Li” asar naman ni Ygy kay Adrian. Nanahimik naman nun tapos tumingin sa direksyon ni Li, I’m sure she’ll punch him if she’ve heard him, and lucky she didn’t. Kasi nairita nalang sya nung nakita nyang nakatingin kami sa kanya

“Ano nanaman?!?” tuloy lang syang nagbabasa dun. 

I’ll choose that Li I’m seeing right now. Believe me, she’s a hundred times better than the tardy one.

“kaya ako nagkacrush dyan eh” sabi naman ni Geni. 

“yeah right” nag second the motion naman si Adrian, but I think I was the only one who heard it. 

See? Kahit pa bading nakikita rin ang nakikita ko? Isama mo pa si Adrian. Kaya nga dapat ko na talagang ituloy tong panliligaw ko kasi baka mamaya nyan eh bigla namang magbago ang isip ko







At iba ang ligawan ko. JOOOOOOOOOOKKKKEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!


Mali ata yung joke ko. HAHA! Very very wrong!

***
FINALLY, the end of classes came, this is it!

“now remember, be cathual. Don’t ithcare her! Even though the already ith” parang may mali ata akong narinig sa last part pero nevermind nalang.

Hinintay ko lang na kumonti yung tao sa room at sakto namang nagpahuli si Angel ngayon ng labas. See? Nakikiayon ang tadhana!

Slowly, lumapit ako kay Angel. 

“ehem”

“oh hey, Cedie!”

“h-hi” umurong ata bigla yung dila ko, meeeen!

“bakit yun?”

kathi—este kasi” ano ba yan, nahahawa na ata ako kay Geni eh. “uhm, I don’t really know what to say” hell, Cedie! You’re messing up!

“why? May problema ba?” umikot naman ako tapos umupo sa tabi nya. “don’t be mad, please”

“ha? I’m not mad”

“no, of course, you’re not” pinukpok ko namang yung sarili ko. Ugh! “I mean, di ko talaga alam eh, pero kasi nga”

“yes?” halata mong confused na confused na sya.

“kasi… kasi..” sabihin mo na kasi!!

“Kasi may gusto ako sayo, Angel” nagulat naman ako nung may biglang nagsalita from the back row. “andami pang sinasabi, he likes you, okay” sabi nya naman kay Angel.  “Now he’s gonna ask if he can court you. psh” sumimangot naman ako. Anong problema nitong babaeng ito? Nakatingin lang ako sa kanya habang gulat na gulat naman yung expression ni Angel.

nag-aayos naman sya ng bag nya, aalis na ata. “what? Gusto mo ako pa ulit ang magtanong para sayo? Tss” tapos umalis na sya.

HELL WHAT?! I WAS THE ONE WHO’S SUPPOSED TO SAY THAT!! NOT HER!! Yeah I’m mad as hell now! But I have a business to mind first—Angel.

“h-hey, totoo ba?” shocked pa rin sya pero half smiling.

“yeah. I wanna say that, I should’ve. Not her! And yeah, I like you, Angel. For quite some time now. And yeah, if you would allow me, gusto sana kitang ligawan” puro ako ‘yeah’ this is so embarrassing! Panirang babaeng yun! May oras din sya.

“Cedie, you’re kind and smart. That’s what I like about you. And I want to know you more, so I guess…” nakasmile pa sya nun. 

“guess?”

“it’s a yes then!” tapos kinuha na nya yung bag nya at umalis. “see you tomorrow, Cedie!” then nagsmile ulit sya.

Pakikurot daw ako ngayon?

Is this for real? SHE SAID YES!!!  

Pauwi na rin ako nung nakasalubong ko si Geni. Narinig ko pang nagmumurmur sya ng something like “parang nakadrugth kung makaithmile, haba ng hair? Thama naman ng ugali!”

“sino yun?” sabi ko naman

“o, pogi! Kumuthta?” medyo natatawa pa sya nun. Weird nito

“bakit ka natatawa?”

“wala, may kinuwento lang thakin thi Li. HAHAHA!”

“that girl!”

“tho, kamuthta?”

“THUCCETHFUL!!” sabi ko naman. Tumawa lang sya, nahahawa na talaga ako sa kanya, day 1 palang yan ha.

“ay congratth!” tinap nya ako sa balikat tapos nagsmile sya at pumasok na sa room para kunin yung gamit nya.

“salamat, teka pala, asan si Li?”

“kakaalith lang, baka natha may gate na banda by now” Hindi ko sya mapapalagpas this time!

That was supposed to be a history, first time ko yun eh! Tapos sinira nya!!  

Naabutan ko sya nung paliko na sya sa may kanto

“KAITLIN!” pero diresto lang sya sa paglalakad. Bingi nitong babaeng ito, pakialamera pa.

“hoy! Psst!” saka naman sya lumingon

“o?” yan nanaman yung usual reply nya, pero paki ko ba? Galit ako sa kanya ngayon!

“alam mo ba kung anong ginawa mo?”

“alin? Marami eh” wala lang syang pakialam tapos nakatingin lang sya sa gilid.

“yung sa amin ni Angel”

“aa, yun ba? Oo naman. Bakit ba?”

“I should be the one asking you that” geez! Feeling ko talaga sobrang pula ko na ngayon sa galit

“bagal mo eh, so tinulungan na kita. Yun lang ba itatanong mo? Ok” tapos tumalikod na sya.

“hindi pa ako tapos!” hinawakan ko naman yung wrist nya “bakit ba ang—“ nagulat naman ako. Tinanggal nya agad yung pagkakahawak ko.

“ano?”

“are you kidding me?!” napasimangot naman sya nun tapos aalis na pero pinigilan ko. Hahawakan ko sana ulit sya pero umiwas sya

“Again?” hindi nya lang ako pinansin tapos diresto na syang naglakad nun. “HEY!”

Sumunod naman ako, tinry nya pa akong hampasin nung bag na dala nya pero nahawakan ko naman.

“see? Wala kang panama sakin, wala kang lakas”

“tss. Who cares” tapos tumalikod ulit sya. Ang kulit ng babaeng to

“naririnig mo ba yung sarili mo? Sobrang init ng katawan mo, alam mo ba na sobrang taas ng lagnat mo?!” Gosh Li, bakit ka ganyan? Pero di sya huminto, tinaas nya lang yung kamay nya na parang bang sinasabi na ‘whatever’

Sakto namang nakasulbong nya si Adrian then at that very moment…



She fell on him.

________________________

AUTHOR'S NOTE: I only have few vacation time left, and I badly want to make updates the soonest time possible, but I need inspiration, PLEASE INSPIRE ME GUYS! And also, again and again, I'd love to hear comments and suggestions from you, my dear wonderful readers about how do you find the story so far. That would really help me make the next updates more worth it. I'd be looking forward to hear from all of you! Please vote as well :) 

She's Not Ideally Ideal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon