It’s the day of our practicum. After two weeks of practice, this is the day. Lahat kami halatang tensyonadong tensyonado kasi nga naman bagong bagong genre yung pinasasayaw sa amin. Minsan nga feeling namin na major subject naming tong PE eh.
Isa-isa nang tinawag yung mga pangalan, following the alphabetical arrangement ng names ng boys, panlima naman kami.
As what Em said before, kasama nga sa mga maggegrade sa amin si Li. Plus yung Dance instructor naman tapos yung bading naming MAPEH teacher. Right after nung sayaw nyo eh magcocomment sila one by one then one of them will give your grade. For consolation nga eh tiglilima lang yung pinapapasok sa loob, at least less audience, less nervousness. That’s what I thought.
Nung turn na namin ni Em, ramdam ko na sobrang lamig ng kamay nya, tulad lang nung akin. HAHAHA!
Right before the music starts, I took a glimpse on Li, sakto rin namang nakatingin sya sakin. Ngayon parang drum na yung kabog ng dibdib ko, but that also made me smile.
(Music: Bust Your Windows)
PS: Pakiimagine nalang po sina Cedie na sumasayaw :)
After naming sumayaw, medyo hinihingal-hingal pa kami ni Em at tinatawanan namin yung isa’t isa. Medyo marami rin kasing beses na natapakan ko yung paa nya. We also can’t seem to stop hugging each other kasi nga akalain mo, finally, tapos na ang lahat ng paghihirap!!!
“pwede na bang magcomment o kailangan nyo pa ng oras para magyakapan?” napatigil naman kami kasi biglang nagsalita si Li. Ang KJ talaga kahit kalian.
“hayaan mo na, may namumuong something eh” sabi naman ng teacher namin.
“naku wala ho” sabi naman agad ni Em, todo tango naman ako.
“o sige sige” unang nagcomment yung DI “so far, kayong dalawa yung may pinakamalakas na chemistry sa mga nagpeperform, at sa isang sayaw, that’s really important. Kaya naman, nakakaenjoy rin kayong dalawang panoorin. I also like seeing you both happy with what you’re doing, nice job.”
“I agree. Alam nyo, hindi naman talaga importante yung galing sa pagsayaw na tinatawag, ang mahalaga eh yung gusto mo at masaya ka sa ginagawa mo, anuman yan. Very good” tuwang tuwa naman kami ni Em na sobrang tumitili na talaga sya habang ako eh lagpas langit na yung ngiti.
“Pero, kasama pa rin sa criteria ang body movements” biglang singit naman ni Li. “I saw you both had a lot of mistakes, most especially sa turns and catches. In tango as well, you’re not supposed to smile to each.” Nanahimik sya ng sandali kasi tumingin sya sa papel nya. “other than that, I liked it”
Nagkatinginan naman kami ni Em nun, tapos napatingin din ako kay Li. She looked back again and this time, kinindatan ko lang sya. Usual reply naman, sumimangot lang sya.
“so over all, I gave you 90” sabi naman ni Li. I know hindi kataasan pero at least line of 9 naman, she’s not that harsh after all.
BINABASA MO ANG
She's Not Ideally Ideal (Completed)
Teen Fictionwalang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl loves nobody, girl hates the world, boy wants to kill the annoying girl... or so he thought :)