Sa totoo lang, kinikilabutan talaga ako kapag sinasakyan ni Li yung jokes ng mga tao lalo na ni Geni tungkol sa aming dalawa. It’s just so unusual na ineentertain nya yung mga ganung biro samantalang dati konting tukso mo lang sa kanya eh maninipa, mambabatok o manununtok na.
On the bright side, nakakablush lang minsan. Feeler kasi ako at minsan feel na feel ko rin talaga na kunwari kami na nga at gusto nya rin ako at masaya kami as a couple. OK. I’ll stop right there. It sounded creepy again, or should I say corni?
Wala namang masyadong special na nangyari sa amin maliban sa major change na nangyari kay Li, which Adrian says na yung dati nyang self na nagbabalik. It was relieving to know na somehow, maybe, she’d moved on from what happened to her few years ago. But I’m still bothered kasi sobrang sudden nung nangyari sa kanya. Not that I don’t like it, yan yung palagi kong sinasabi, but I just didn’t expect it to happen on a single time, big time. It is not so normal kasi, diba changes do happen one step at a time lang?
On our preparation for the School Christmas program, nilapitan ko sya at tinanong tungkol dito, para naman kahit na hindi nya sagutin, at least I made her think about it a bit.
“did something big happen during the break?”
“anong tinutukoy mo?”
“ikaw, bigla nalang cheerful na mabait na Li yung bumalik”
“diba nga sabi ko, changes do happen. Pwede rin naman akong madala ng changes na yun diba?”
“sure. Pero sobrang nakakawow lang talaga. In a matter of a very short time, you became a totally new person. To me, to everyone”
“what if sabihin nating matagal na sana kaso lang, may pumipigil kaya hindi nangyayari? Until it came to the point that I couldn’t find any reason to continue being who I was”
“sinong pumipigil?”
“yung sarili ko”
“at yung reason?” ngumiti lang sya sakin.
“CEDIE! Patulong naman dito sa pagkabit ng Christmas lights o!”
“sino?” hindi ko muna pinansin kung sino man yung tumatawag sakin
“ikaw”
“ha? Ako?” turo ko naman sa sarili ko
“ikaw si Cedie, diba? Tinatawag ka nila, patulong daw o”
“ohh right” tapos tumayo naman ako. Akala ko pa man din… nevermind.
***
Parami na rin ng parami yung mga tao na nakakapansin nung pagbabago ni Li. They all found it nice kaya naman medyo nagiging okay na rin yung treatment nila kay Li. Yung iba pa sinasabi na mabait naman pala daw si Li. Na okay din naman daw pala syang kausap. May mga nagsorry pa nga sa kanya kasi pinagtulungan nila sya noon.
All gave a positive feedback maliban nalang kay Angel. Actually, pareho kaming naghinala sa pagbabago ni Li. But for her, it’s more negative. Baka raw may kung anong balak si Li kaya nagbabait baitan lang.
I really don’t know kung bakit ganun nalang yung insecurity ni Angel kay Li na kung tutuusin naman, mas maswerte sya kaysa dun sa tao. But I think, that’s a thing she still hasn’t realized.
Li’s actually arranging the decors na kailangan para sa buong Christmas celebration, wala kasing gustong magvolunteer kaya naman tinuro nila si Li. Alam naman nating lahat ng kahit kailan eh hindi naman yan umiimik, what more this time? She seems to enjoy what she’s doing.
BINABASA MO ANG
She's Not Ideally Ideal (Completed)
Teen Fictionwalang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl loves nobody, girl hates the world, boy wants to kill the annoying girl... or so he thought :)