Saturday.
Nagpacheck up ako matapos nung nangyari sa clinic. Pakiramdam ko kasi may problema ako sa nervous system, sunud-sunod na kasi yung unnecessary movement ng katawan ko, I just don’t like it!
Pero anak ng tinapang kulay blue naman! Bakit sa parehong psychologist rin sya nagpacheck up??! Teka nga, don’t tell me nakakaramdam din sya ng mga nararamdaman ko?
But no, I was wrong. Regular patient na raw pala sya, so ngayon ako ang sumunod? ASA!
Sabi ng doctor, normal lang daw yun, normal na feedback ng katawan ko, umaayon lang daw yung paggalaw ng katawan ko sa takbo ng utak ko, wala naman daw akong problema sa utak or anything. Yung abnormal na tambol naman sa may dibdib ko, sabi ng doctor dala daw yun ng excitement, either dahil sa masaya ako o dahil gwapo ako. Pero joke lang yung pangalawa. Tinanong ko naman kung anong klaseng masaya, dinerestso nya naman ako na baka nga raw may natitipuan ako. Dun na nga ata nagstart magflactuate yung brain cells ko sa sobrang wrong information na natatanggap ng utak ko.
Inadvice-an ko nalang si doc na magpatingin sa ibang doctor. HAHAHA!
Oh
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!
***
10 minutes… 10 minutes na yung nakakalipas… ano ba kasi Cedie! Ay mali, ano ba kasi Li?? Hindi naman pwede na magkakagusto ako sa isang tao ng hindi ko alam. THAT’S SO WRONG!
But what I’m doing is also wrong. Kanina ko pa kasi sya tinititigan, hindi talaga ako maconvince eh!
“kung titignan mo lang ang ginagawa ko ng buong araw, nagsasayang lang pala ako ng panahon dito”
Aba! Asa! “hoy, baka nakakalimutan mong detention natin ito, at hindi akin lang”
“hindi naman talaga detention ito e, nang iinis lang talaga yung guidance”
“eh sino naman kaya kasi ang may pakana nito?” tinignan naman nya ako ng masama
“baka si Tarzan”
“O si Jane?”
“whoever” may naisip naman ako bigla…
“since ako naman ang tutor dito—“
“pero mas may alam pa yung estudyante” parang gusto nya akong batuhin ng upuan sa tingin nya
“shut up pwede? Magtatanong ako and you MUST answer me”
“sinong may sabi? Neknek mo!”
“sabing shut up e!”
“hindi ako aso na susunod lang kung kelan mo gusto at mas lalong hindi ako susunod sayo!”
“SINABI NANG! ISA PA! HAHALI—kan na kita” nagulat ako sa sinabi ko, syempre pati sya. “alam mo mas ok nung tahimik ka pa eh, yung padala-dalawang salita lang yung sinasabi mo, hindi tulad ngayon na madaldal ka na…” hay Cedie!
Hindi na talaga sya nagsalita after nun…
“ngayon, magtatanong ako, wag kang mag-alala, hindi personal, yung basics lang, kahit aso kayang sagutin. Pwede ka nang magsalita pagtapos, harmless na, wag ka nang mag-alala” tumango lang sya. Natatawa tuloy ako…
BINABASA MO ANG
She's Not Ideally Ideal (Completed)
Novela Juvenilwalang special sa story na ito, boy meets girl, boy hates girl, girl hates boy, boy loves another girl, girl loves nobody, girl hates the world, boy wants to kill the annoying girl... or so he thought :)