Mrs Perez || 22

1.6K 63 39
                                    








VICE

"SERYOSO ba 'yan?"

"O-oo. Eh yun yung nakalagay sa papel?"

"Okay ka lang ba?"

"H-hindi ko alam."

Napahawak na lang ako sa sentido ko matapos kong marinig ang isinagot ko sa kanya. Ang aga-aga, stress agad bubungad sa'min.

"Tatawagan ko yung secretary niya para makapag-schedule tayo ng appointment." Sabi ni Ion sabay kuha sa telepono niya. Tumango na lang ako at muling tinignan ang mga papel na kanina ay laman ng envelope.

Napaka-imposible naman nito.

"Nandyan ba si Doc?" Napatingin ako sa gawi ng asawa ko. Nasa bandang balkonahe siya pero rinig ko pa rin ang boses niya.

"So nakita na ni Doctora Galvez yung result?"

"Oh... Sige itetext ko na lang mamaya kung kelan kami free, para makadaan naman kami dyan."

"Sige, sige... Salamat." At ibinaba na niya ang telepono habang pumapasok sa loob ng kwarto namin.

"Anong sabi?" Agad kong tanong nang makapasok na siya sa loob. Tumayo naman siya sa harap ko habang nakapamewang.

"Pwede naman daw tayong pumunta sa office niya ngayon araw kahit wala tayong appointment. Expected na rin kasi ni Dr. Galvez to eh."

"Eh paano? May Showtime pa tayo mamaya tapos may meeting pa ako with Sir Deo?" May bahid ng inis na sabi ko. Mas lumapit naman siya sa harap at inangat ang ulo ko gamit ang mga palad niya, dahilan upang mapatingala ako at dumako ang mata ko sa mukha niya.

"Oh nakakunot na naman yang noo mo. Pwede naman natin puntahan bukas, Babe. Di naman nagmamadali si Doc." Sabi niya habang unti unting minamasahe ang noo ko para mawala ang pagkakakunot nito.

"Sasabihin mo ba kay Sir Deo?" Dagdag na tanong niya.

"'Di na muna siguro. Gusto ko muna malinawan tungkol don. Para rin alam ko isasagot ko kay Sir Deo kung sakaling usisain ako." Tumango na lang ang asawa ko at inalalayan na ako upang tumayo at lumabas na para pumunta sa studio.

Habang nasa sasakyan naman kami at papunta sa trabaho ay kanya kanya lang kami ng hawak sa telepono namin, si Ion palagay ko nasa TikTok kasi paulit-ulit yung ibang tugtog na naririnig ko.

I was busy scrolling sa Facebook nang makakita ako ng isang video about cupcake making. And habang tumatagal na pinapanood ko siya, paulit-ulit na kinukuha ng sprinkles yung atensyon ko. Hmm... Magpapabili ako mamaya.

Agad akong lumingon sa likod ko at tinawag si Erna.

"Ano yon 'te?"

"Uhm... Bili mo nga ako ng sprinkles mamaya?" Nakanguso pa ako habang nagrerequest sa kanya.

"Aanhin mo 'te? Magbe-bake ka ba mamaya? Di ka naman marunong nun ah?" Mabilis na dumapo ang kamay ko sa buhok niya para sabunutan siya ng slight. Napaka nito! Kaya kong matutunan yun no!

Para ka lang namang nagsasaing nun eh. Di ba?

"Basta ibili mo ko mamaya, dami mong sinasabi eh." Sabi ko na lang at umayos na ako ng pagkakaupo.

"Eh aanhin mo ba yung isprenkels Babe?" Nagsalita na naman ang asawa kong baluktot ang dila.

"Sprinkles kasi, Babe. Sprinkles." Pagtatama ko sa kanya.

"Isprenkels."

"Sprinkles."

"Kapampangan ako." Sabi niya sabay inikutan ako ng mata. Aba! Sapakin ko 'to eh!

Buhay Misis | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon