Pagkapasok ay nakita nila ang dalawang pamilyar na pigura na nakaupo at nag-uusap sa sofa. Nagkatinginan naman silang mag-asawa at tumuloy sa pagpunta sa sala.
Nang maramdaman naman ng dalawang tao na nakaupo sa sofa ang presenya ng mag-asawa ay sabay silang napalingon sa gawi nito.
"Nay? Nanay Zeny? Ano pong ginagawa niyo dito?"
Lumapit naman ang mag-asawa sa kanilang mga ina at hipag upang magmano at bumeso.
"Nami-miss na kasi namin kayo. Eh alam kong matagal na rin kayong hindi nakakauwi sa bahay at sa Tarlac gawa nga ng trabaho niyo, inaya ko na lang si Zeny na pumunta dito," sagot ni Rosario sa tanong ng anak.
"Ay, kumain na po ba kayo? Sabay na po kayo sa'min," pag-aaya ni Ion sa mga matatanda. Tumango lang naman ang mga ito at akmang tatayo na mula sa pagkakaupo nang pinigilan sila ni Vice.
"Ay wait lang po," pagpipigil ni Vice na ipinagtaka naman ng tatlo niyang kasama. "Babe, patanong naman kila Jacky kung may naluto na silang ulam."
"Eh etong binili natin? Pwede ring ito na lang ulamin natin," inosenteng sagot ni Ion. Agad namang sumama ang tingin sa kanya ni Vice.
Nagtaka naman si Ion at hindi naintindihan ang nais ipahiwatig ng mga titig na ibinibigay sa kanya ng asawa.
Nagpapalit-palit naman ang tingin sa kanila ng dalawang matanda. Nang ilang minuto na ay hindi pa rin bumibitaw sa pagtititigan ng mag-asawa ay tinanong na sila ni Zeny
"Mga anak? Ano ba 'yon?" agad namang pinutol ni Ion ang tinginan nila at nilingon ang ina, habang si Vice naman ay nag-iwas ng tingin at ngumuso.
"Hindi ko po alam sa kanya. Tinotopak na naman siguro," kibit-balikat na sagot ni Ion.
Parang nagpanting naman ang tenga ni Vice at binigyan na naman ng gulat na tingin ang asawa.
"Babe naman? Di ba you bought Jabbi dahil kakainin ko yan later?" Naiinis at gulat na tanong ni Vice. Inosente naman siyang nilingon ni Ion.
"Ay ganon ba? Eh paano sila Nanay? Baka hindi pa nakaluto sila Jacky," and with that, muling humaba ang nguso ni Vice.
"Jacky!" tawag ni Rosario sa katulong. Agad naman itong nagtungo sa kanila.
"Ano po 'yon, 'Nay?"
"May nailuto ba kayong ulam dyan?" tanong ng matanda. Agad namang tumango si Jacky.
"Yes po, 'Nay. May nailuto na po kaming baby back ribs at kaldereta," nakangiting sagot ni Jacky.
"Oh, ayan Tutoy. May naluto naman palang ulam sila Jacky. Yun na lang ang ulamin natin para hindi natin magalaw yang binili niyo. Wag ka nang mainis dyan kay Ion," natatawang sabi ng kanyang nanay bago ito tumayo at lapitan ang bunsong anak para halikan sa ulo. Lumapit naman si Zeny sa kanyang anak at tinapik ang balikat nito, bago sila magsabay ni Rosario sa pagpunta sa dining area.
Nang makalayo na ang dalawang ginang ay ibinalik ni Ion ang tingin sa asawang nakahalukipkip at nakanguso. Bahagya naman siyang lumapit at tumabi rito.
"Babe?" pagtawag niya rito. Hindi naman siya kinibo ng huli. "Sorry na. Halika na. Kain na tayo. Sabayan natin sila Nanay."
Hindi na kumibo si Vice at nauna nang tumayo para pumunta sa dining area at sundan ang kanyang Nanay at hipag. Naiwan naman si Ion na hindi maiwasang hindi magbuntong hinga. Mahihirapan na naman ata ako sa pagsuyo sa kanya ah, sa isip-isip ni Ion.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?