GENERAL
"Ate, saan ilalapag tong mga inumin?"
Napalingon naman si Vice sa biglang pagtawag sa kanya ni Jugs. Hawak kasi ni Ryan ang isang case ng Red Horse na binili nila. Siyang dating din ni Lalaine na may dalang mga pagkain, yung mga pulutan na ipinaluto niya kanina.
"Ay dun na lang muna sa kusina. Para kapag ininom natin, malamig pa." sabi ni Vice habang kinukuha ang ilang pagkain na dala ni Lalaine.
"Lalaine, paalalay na lang nung mga dala nilang pagkain. Pakilipat sa mga lagayan tas i-akyat niyo na din sa taas. Tapos yung mga inumin, lagay niyo muna sa cooler at palamigin. Mamaya-maya na lang namin ipapa-akyat yon," utos naman ni Vice sa kanyang kasambahay. Tumango naman ito at agad na tumalima sa utos ng kanyang amo.
"Akin na Vice. Kami na mag-aakyat sa taas," sabi ni Jhong at ibinigay naman ni Vice sa kanya ang tray na naglalaman ng pagkain na ipinahanda niya. Nauna nang umakyat si Ryan pagkalagay niya ng case sa kusina. Umakyat na rin sila Vice, Jhong at Jugs para maihatid na ang mga pagkain sa kwarto.
Pagdating naman nila sa taas ay may kanya-kanya nang puwesto ang mga host. Sina Karylle, Anne at Tyang Amy ay nasa kama at nagkukwentuhan. Sina Vhong, Teddy, at Ion ay nakaupo sa mga bean bags, at sina Kuya Kim, Ryan at Mariel ay nasa balcony.
"So guys, ano nang gagawin natin?" tanong ni Vice habang nakatayo sa ikod ng pinto habang nakapamaywang at tinitignan silang lahat.
"Movie marathon tayo," sabi ni Teddy na sinang-ayunan naman ng lahat.
"Anong movie naman?" tanong ni Kuya Kim.
"Star Wars!" Sabat agad ni Jugs.
"Hindi! Yung Hello, Love Goodbye na lang!" angal naman ni Karylle na sinang-ayunan naman ni Anne.
"Step Up na lang!" sabi naman ni Vhong.
"Ay oo! Yung revolution? Maganda yun!" pagsang-ayon naman ni Jhong kay Vhong.
"The Space Between Us na lang or The Flu," sabi ni Kuya Kim.
"Ay! Yung Train to Busan na lang Mommy!" nae-excite na sabi ni Ryan.
"Oh my! Nandun si Gong Yoo! Go! Yun na lang!" kinikilig na sabi ni Anne na sinegundahan naman ni Karylle habang hinahampas pa ang kama.
"Nako Ryan, gusto mo lang panoorin yon kasi nandun ka sa mismong movie," pagsingit naman ni Jhong sa usapan nilang tatlo.
"Hala. Kuya Jhong wala ako dun," pagtataka naman ni Ryan.
"Nandoon ka kaya!" sabat naman ni Vhong habang nagpipigil ng ngisi.
"Oo nandun ka! Isa ka sa mga zombie dun!" banat naman ni Jhong na siyang nagpatawa sa lahat.
"Nandun din kaya si Jugs!" sabi naman ni Vice habang lumalapit sa asawa. Umupo naman siya sa tabi nito, magkasalo sila sa iisang bean bag.
"Ate wala ako dun!" pag-angal naman ni Jugs.
"Nandoon ka! 'wag mo kaming niloloko Jugs!" natatawang sabi ni Vice.
"Nasaan ba siya don?" tanong ni Vhong.
"Siya yung tren," sagot ni Vice kung kaya't namayani sa kwarto ang lakas ng tawanan nila.
"Oh my gosh!"
"Grabe siya!"
"Ang harsh niyo kay Jugs!"
"Grabe ka sa akin Ate!"
"AHAHAHA! Love you, Jugs!" natatawang sabi ni Vice.
"Maglaro na lang kaya tayo?" biglang sabi naman ni Ion. Napatingin naman ang mga hosts sa kanya.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?