GENERAL
"Anak?" tawag ni Nanay Zeny kay Ion habang pababa siya ng hagdan. Nakita naman niya si Ion na nasa sala na nakikipagkulitan sa kanilang mga aso. Umangat naman ang tingin nito sa kanya at sinalubong siya sa baba ng hagdan. Sinundan naman siya nila Baddi at Broddi.
"Good morning, 'Nay," bati ni Ion sa Nanay niya pagkababa nito ng hagdan. Inalalayan naman niya itong maglakad nang makababa na ito sa hagdan.
"Oh? Nasaan ang asawa mo? Hindi pa ba gising?" agad na tanong ng matanda nang mapansin nitong wala si Vice.
"Nasa taas pa, 'Nay. Nag-aayos pa. Alam mo naman yon," sabi ni Ion bago alalayan ang Ina habang papunta ng kusina para mag-agahan.
"Noi, pupuwede ba kaming sumama ni Rosario mamaya sa Showtime?" tanong ni Zeny, na para bang naglalambing sa anak. Tinapunan siya ng saglit na tingin ni Ion na nagtitimpla ng kape sa kanyang Nanay bago tumango.
"Bakit naman hindi, 'Nay? Puwede naman kayo 'don, anytime," sabi ni Ion sabay abot ng kape na timpla niya. Sakto namang dumating ang mga katulong na may dalang pagkain na kakaluto lang.
"Nami-miss ko na rin kasi na panoorin kayong mag-asawa sa Showtime. Medyo matagal na rin nung huling punta namin doon. Ang huli pa ata ay yung kasama ko si Nathalia at yung anak niya," sabi naman ni Zeny bago sumimsim sa kape at kumuha ng pandesal na kasama sa ni-serve ng angel ni Vice.
"Babe?"
Narinig naman ng dalawa ang boses ni Vice mula sa may hagdanan. Agad namang lumabas si Ion ng kusina at sinalubong ang asawa, na kasama pala ang ina nito.
"Good morning 'Nay," malambing na sabi ni Ion sabay mano sa matanda.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak," nakangiting sabi ni Rosario at tinapik ang balikat ni Ion.
"Babe? Si Nanay Zeny?" agad na tanong ni Vice. "Hindi ko kasi siya nakita doon sa taas. Nasaan?"
"Ay, nandoon sa kusina. Nag-aalmusal," sagot naman ni Ion. "Ay babe..."
"Hmm?" tugon ni Vice habang inaalalayan ang Nanay niya sa paglalakad.
"Gusto raw na sumama nina Nanay sa Showtime. Okay lang ba?" pagpapaalam ni Ion sa asawa.
"Yes naman, Babe. Wala namang problema doon. Actually naipaalam na ni Nanay yan kanina nung sinundo ko siya sa kwarto." Bumaling naman ang atensyon niya sa kanyang Nanay. "'Nay? Pagkatapos niyang mag-almusal ni Nanay Zeny, magbihis na po kayo ah? Baka po kasi mahuli tayo papunta doon."
"Balae?"
"Ano yon balae?" sagot naman ni Rosario sa pagtawag sa kanya ni Zeny. Kasalukuyan silang nasa loob ng studio at pinapanood ang kanilang mga anak na kasalukuyang nasa stage at naka-ere.
"Wala ka bang napapansin sa bunso mo?" balik na tanong ni Zeny sa kanyang balae. Kumunot naman ang noo ni Rosario sa tanong ni Zeny. Ilang segundo siyang natahimik para mag-isip at titigan ang anak nang sumagot siya.
"Maaliwalas ang aura ng anak ko. Bagay na hindi ko nakita sa matagal na panahon," simpleng sagot ni Rosario sa kausap. Hinarap niya si Zeny at hinawakan ang magkabilang kamay nito.
"Balae, hanggang ngayon ay malaki ang pasasalamat ko sa bunso mong lalaki. Alam kong ilang taon na rin simula noong nagkakilala sila, pero habambuhay kong ipagpapasalamat na dumating siya sa buhay ni Tutoy ko," hinigpitan ni Rosario ang hawak niya kay Zeny. "Alam kong hindi magagawang iwan ni Ion ang anak ko. Malaki ang tiwala ko sa anak mo dahil siya lang ang nag-iisang gumawa niyan kay Tutoy. Siya lang ang nag-iisang nagpabalik sa totoong saya ng anak ko."
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?