GENERAL
Alas-nuebe singkwenta na ngunit rinig na rinig pa din sa apat na sulok ng kwarto ang hilik ni Vice, senyales na malalim at masarap ang tulog nito.
Siyang labas naman ni Ion mula sa banyo, may butil-butil pa ng tubig sa iba't ibang parte ng katawan, basa ang buhok at may tapis ng tuwalya ang bewang. Agad niyang nilapitan si Vice para gisingin na, dahil baka parehas pa silang mahuli sa trabaho kung tatanghaliin pa ng gising ang huli.
Pero nang hahalikan na niya sa noo si Vice ay nagising naman ito at agad na umasim ang mukha.
"Oh? Bakit Babe?" tanong ni Ion.
Umupo naman si Vice at lumayo ng bahagya mula kay Ion.
"Bakit ang baho mo?" Iritang sabi nito habang bahagya pang nagtatakip ng ilong.
"Huh?" dala ng pagtataka, ay inamoy niya ang sarili kahit alam naman niya na bagong ligo siya. Wala naman siyang ibang naamoy kundi ang sabon na ginamit niya at ang pabango niya, na si Vice pa mismo ang namili.
"Bagong ligo naman ako, Babe. Hindi naman ako mabaho," sabi ni Ion at umupo sa kama para mas makausap si Vice.
"Ang baho talaga, Babe. Swear," pagpipilit pa rin ni Vice. "Never use that perfume and soap again. Di talaga maganda yung amoy. Bibilhan na lang kita ng bago," sabi nito bago tumayo at tumungo na sa banyo para maligo. Tumayo naman si Ion para ayusin ang hinigaan ng asawa at para makapagbihis na.
"Hey babe. You were acting weird lately ah?" puna ni Anne habang pinapanood si Vice na kumain ng sundae at fries, with matching manggang kalabaw at bagoong. Nangangamoy na nga ang parte kung saan sila kumakain dahil sa mga pagkain ni Vice, pero di naman sila maka-kontra dahil sa pinagsabihan na din sila ni Tyang Amy na hayaan na lang muna si Vice, baka kasi magalit pa ito sa kanila.
"Ha?" tanong ulit ni Vice dahil hindi niya narinig ang sinabi ni Anne.
"Mas weird ka na kay Unnie!" naguguluhang sabi ni Anne habang tinitignan pa rin ang huli kung paano kainin ang mga nakahain sa kanya.
Paminsan-minsan ay isasawsaw ang mangga sa sundae, o kaya ang fries sa bagoong.
"She's right Vicey. Unsual kasi yung set of foods mo," gatong ni Karylle habang nilalantakan ang lasagna at 3 bucket ng chicken na libre sa kanila ni Jhong at Teddy.
"Hindi ko alam pero sarap na sarap talaga ako sa combinations ng food na 'to eh," sabi na lang ni Vice na hindi pa rin humihinto sa pagkain. Saktong dating naman ni Ion na nakabihis na para sa susunod na segment.
Umupo naman siya sa tabi ng asawa at umakbay dito.
"Masarap yata ang kain ng Babe ko?" paglalambing ni Ion habang tinitignan si Vice. Di naman siya pinansin ng huli kaya nagpasya na lang si Ion na kumuha ng tubig at ilagay ito sa harap ng huli. Tatayo na sana siya para puntahan sina Vhong at ito na lang ang kausapin nang may maramdaman siyang malabot na kamay na humawak sa braso niya. Agad naman niya itong nilingon.
"Saan ka pupunta?" mahinang tanong nito.
"Pupunta muna ako kila Kuys Vhong. Kumakain ka pa naman eh," sagot ni Ion habang nakatayo pa rin. Hindi naman niya inalis ang kamay ni Vice na nakakapit sa kanya.
"Dito ka na lang," nakangusong sabi ni Vice habang nakatingin kay Ion. "Dito ka na lang sa tabi ko. Kwentuhan mo na lang ako."
Ang mata naman niya ay nagpapaawa, hoping na pagbigyan siya ni Ion.
"Sus. Di ka naman sumasagot eh," pagtatampo kunyari ni Ion.
"Sigi naaaaa. Dito ka na laaaaaannnggg," patuloy na pangungulit ni Vice.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?