Mrs Perez || 25

1.8K 67 54
                                    

5 days after…

VICE

KAHIT ANONG pilit kong ipikit ang mga mata ko kagabi, talagang hindi ako makatulog. Siguro kasi excited ako? Kinakabahan? ‘Di ko na alam. Si Ion, sigurado akong naramdaman niya na kahapon pa ako aligaga, pero hindi na lang niya pinansin at sinabayan. Sa katunayan, sobrang kalmado niya kagabi, kahit nung patulog na kami. Nakuha pa ngang makapaghilik ng malakas.

Ngayon kasi ipapadala yung results from the tests na ginawa nung nakaraan sa’kin. Kaya siguro ganon na lang yung emosyon ko. Nakadagdag pa na nag-set ako ng alarm para sa araw na ‘to, so lalo akong di mapakali. Muntanga.

“Babe, ‘di ka naman nagkakape pero ang hyper mo ngayon.” Sabi ni Ion habang pumapasok siya sa Den na may dalang dalawang tasa—isang ang laman ay kape, at ang isa ay gatas.

“Ewan ko ba, iba pakiramdam ko don sa results eh.” Umupo naman siya sa tabi ko at inabot ang baso na may lamang gatas. Agad ko namang kinuha yon at susimsim.

“Malakas yung pakiramdam ko na pasitib yung result ng test mo sa pregnancy. ‘Di ba nga si Nanay Rosario naghinala pa dati na buntis ka? Malay mo naman. Tapos yung sa ultrasound mo pa na sinabi nung doktor na tumingin sa’yo, na may matres at obaryo ka pa daw. Kaya tiwala ako sa mga nakita at narinig ko.” litanya ni Ion.

“Ay siya pala Babe, yung request ko kagabi?” pag-iiba ko ng topic. Mas lalo lang akong kinakabahan eh.

“Yes Babe, na-text ko na sila Erna, sila na bahala do’n.” sabi niya habang nagtitipa sa telepono. Pagkatapos naman niyang magsalita ay siyang pasok naman ni Vangie. May dala-dala siyang brown envelope. Mukhang ito na yung results.

“Ate, pinabibigay daw po ni Doc Gonzales. Pinadala ng secretary niya.”

“Sige pakilapag na lang dyan.” Nilagay naman ni Vangie sa mesa yung envelope at umalis na. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko kinuha ang envelope. Nakatitig lang sa’kin si Ion habang binubuksan ko ng paunti-unti ang envelope.

Tatlong papel ang nasa loob ng envelope. Agad ko nang inunang basahin yung nasa ibabaw na papel.

Oh God…









ERNA

“Oh… nag-text si Kuya.” Sabi ko habang kumakain ng halo-halo at nakatingin sa telepono kong nakalapag sa mesa. Nandito kami ngayon sa townhouse dahil wala namang pasok sila Ganda ngayon. Dito na niya kami pina-stay para hindi na rin malayo sa ABS.

“Anong sabi?” tanong ni Glorious na nasa sala at nanonood. Nakataas pa ang mga paa sa center table. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko yung text ni Ion.

“Si Ganda…”

“Ha?”

“Si Ganda…oh my gosh…” nakita ko namang nag-angat ng tingin si Glorious at tumingin sa’kin.

“Bakit? Anong nangyari kay Ganda?” nag-aalala niyang tanong, nagsimula na akong mangatog sa kaba.

“S-si Ganda…”

“Bakit nga?!” tanong niya tapos lumapit na sa gawi ko para makibasa sa phone ko.

“Si Ganda naghahanap daw ng M & M ice cream. Nakikisuyo kung pwede na tayo na ang bumili tapos hatid daw natin sa kanila.” Agad niyang hinila ang kulot kong buhok kaya agad akong napadaing.

“T*** *na ka ang OA mo! Akala mo naman nanganak na, kung makaganyan ka naman!”

“Sorry na! ikaw naman, kung makasabunot naman sa’kin!” reklamo ko habang hinihimas ang anit kong mapupunit na yata.

Buhay Misis | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon