Mrs Perez || 8

3.3K 81 53
                                    












ION

At dahil nase-sense na niya na medyo nabubulok na talaga kami sa bahay, ay nag-aya siyang pumunta kami ng mall. Gusto daw kasi niyang gumala at bumili ng mga bagong damit.

Nagtataka nga ako. Kasi ang dami-dami naman niyang damit sa walk-in closet niya. Pero sabi niya, gusto niya lang daw mamili ulit. Yung iba daw kasi niyang damit, nagamit na niya ng ilang beses.

At dahil nga tinatamad siya, ako na yung nag-suggest na ako na ang magmamaneho. Hindi naman siya umangal.

Habang nagmamaneho ay hindi ko naman binitawan ang kaliwang kamay niya. Nanatili lang itong magkasiklop. Wala naman akong pake kung pasmado siya, gusto ko pa din hawakan yung kamay niya dahil ang lambot. Di bale nang maglawa yung kamay ko sa pawis niya, mahawakan ko lang. Cheezy boyzsx.

Pagdating namin sa mall ay agad naman kaming dinumog ng mangilan-ngilang tao na papalabas na ng mall at nakita kami. Dadalawang security lang ang dinala namin dahil hindi naman masyadong importante ang lakad na 'to. Kada may lalapit sa amin ay ngingitian lang naming dalawa. Yung iba naman ay mas piniling tignan na lang kami, siguro ay naramdaman din nila na gusto naming magsolo-ng dalawa.

Nagpa-picture lang naman ang mga lumalapit sa amin, at pagkatapos ay pumasok na kami sa isang clothing boutique. At gaya nga ng sabi niya ay namili siya ng mga bagong damit na pwede niyang gamitin sa mga shows niya.

Maya-maya pa ay napunta kami sa Men's section ng clothing botique na ito at may tinignan siyang isang polo shirt.

"Ay Babe, oh. Bagay sa'yo," sabi niya sabay tapat sa akin ng damit na nakita niya, tinitignan kung sakto yung sukat sa akin. "Bilhin natin 'to," dugtong niya nang makita nang okay ang damit sa akin.

"Akala ko ba, damit mo lang yung bibilhin mo?" nagtataka kong tanong.

"Hindi naman kita isinama para lang gawin na taga-bitbit ko no! Syempre gusto ko din namang bilhan ka ng damit," sabi niya sabay harap sa akin. "'Di ba nga, lagi kong sabi, dapat sa lahat ng bagay, fair and square tayo?" nakangiti niyang sabi kung kaya't napangiti din ako. Hinapit ko ang bewang niya papalapit sa akin.

"Kaya mahal kita eh," bulong ko sa kanya sabay halik sa tungki ng ilong niya.

"Enebe Babe, tegel me nge," sabi niya tapos nagsimula nang umikot-ikot yung mata niya na parang baliw na nakahithit. Hinahawi niya yung buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Babe, tigil mo. Sige ka, kapag ikaw nahipan, habangbuhay ka nang ganyan," natatawa kong sabi.

"Memehelen mo pe din be eke kehit genite eke?" sabi niya habang umaarte pa din siya na parang baliw. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi at hinalikan ko na siya sa labi niya kaya tumigil siya.

"Kahit ano pang itsura mo, mamahalin pa din kita," bulong ko sa kanya sabay nakaw ulit halik sa labi niya. Pagtingin ko sa kanya, nangangamatis na yung pisngi siya sa sobrang pula.

"Eto naman, skandaloso. Kailangan talaga PDA?" natatawa niyang sabi na may kasama pang paghampas sa braso ko.

"Okay lang yan, Babe. Alam naman nila na sa akin na na talaga eh," proud kong sabi. Aba naman, kung asawa mo ba naman ang isang Vice Ganda, anong ikakahiya mo dun?

Nakita ko naman na unti-unti siyang napangiti hanggang sa lumitaw ang "kilig smile" niya at chinita niyang mata.

"Sige pakilig ka pa," sabi niya sabay sampal ng marahan sa pisngi ko. Tapos ibinigay na niya doon sa bodyguard niya, si Kuya Jun yung damit na napili niya.

Buhay Misis | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon