GENERAL
Pagkarating nila sa ospital ay kaagad na bumaba si Ryan at pinagbuksan ng pinto si Ion, na siyang buhat si Vice. Pinatay naman ni Vhong ang makina ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. Paglabas naman niya ay may kasama siyang mga nurse at may tulak itong stretcher. Agad namang ihiniga ni Ion ang asawa at nagsimula na itong itulak ng mga nurse papasok sa loob ng ospital. Ngunit bago pa sila makarating sa tapat ng pinto ng Emergency Room ay hinarang na sila ng isang nurse.
"Sir, hangang dito lang po kayo—"
"Hindi! Asawa ko yung nasa loob! Kailangan niya ako!" Sabi ni Ion habang pilit na inaalis sa harap niya ang nurse na pilit humaharang sa kanya.
"Ion ,please hayaan mo na muna sila. Kaya na nila yun," pilit na pagpapakalma sa kanya ni Vhong. Hawak naman siya sa balikat ni Ryan.
"Pero kuya—"
"Sige na. Hindi makakatulong kung ipipilit mo yung gusto mo ngayon," katwiran ni Vhong. Bumuntong hininga ito. "Mag-antay na lang tayo rito sa labas."
Wala namang ibang nagawa si Ion kundi umupo at maghintay.
Pagkatapos ng halos trenta minutos, ay lumabas na ang doktor na galing sa loob ng Emergency Room. Sinalubong naman ito nila Ion.
"Doc, kamusta na po yung asawa ko?" nag-aalalang tanong ni Ion.
"There's nothing to worry about. May fever lang naman si Ms Vice. Mamaya, bababa na din ang lagnat niya," nakangiting sabi ni Dra. Kesh, ang doktor na tumingin kay Vice.
"What about yung pagkahilo niya? Yung pagsusuka niya? Wala lang po ba yun?" nagtatakang tanong ni Ion sa doktora. Kagaya niya ay naghihintay lang din ang dalawa niyang kasama sa isasagot ng doktora.
"Well, that symptoms can simply define over-fatigue. Kung pabago-bago din yung oras ng trabaho niya at kulang din siya sa tulog, pwede ding makadagdag iyon ng factor. If inaatake din siya minsan ng mood swings, pwedeng fatigue nga lang talaga ito. But still, para makasigurado tayo, we will conduct some tests to identify what that could be. Because fatigue can be a side symptom of a more serious disease," paliwanag nito. Nakahinga naman ng maluwag ang tatlo sa tinuran ng dontora. "Under observation pa rin si Ms Vice, but we will transfer her in a room after. Inform na lang po namin kayo kung pwede niyo na siyang puntahan."
"Sige po. Maraming salamat po," nakangiting tugon ni Vhong. Nginitian lang siya ng doktora at bumalik na ito sa loob.
"Sana nga at over-fatigue lang," bulong ni Ryan, sapat lang para marinig ng kanyang mga kasama.
Nailipat na sa room 402 si Vice. Pinayagan na rin ang tatlo na puntahan ang pasyente. Nauna nang pumunta sa kuwarto si Ion at nagpresinta naman sina Vhong at Ryan na bumili na muna ng pagkain nilang lahat.
Naabutan naman ni Ion na payapang natutulog ang kanyang asawa. Kumuha siya ng isang monoblock chair sa sulok at itinabi ito sa gilid ng kama ng huli at umupo doon.
Mataman niyang tinitigan ang mukha ng asawa na bahagyang namumutla, at saka nihawakan ang kamay nito.
"Pinakaba mo ako ng sobra, Babe." bulong nito sabay lapit ng kamay ni Vice sa kanyang pisngi.
Maya-maya ay nakita niya itong dahan dahang nagmulat ng mga mata. Mas lalo pa siyang lumapit kay Vice.
Naglibot naman ang mata ni Vice sa kanyang paligid, hanggang sa huminto sa mukha ng asawa niya ang kanyang pagtingin. Walang nagtangkang magputol ng titigan sa kanilang dalawa, pawang nagpapakiramdaman. Ramdam nila ang maluwag nilang paghinga nang makita ang isa't isa.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?