ION
Nagising ako dahil sa may naramdaman akong nakadagan sa bandang paanan ko. Wala pa din akong pantaas dahil sa kagagawan namin kagabi. Lumingon ako at nakita ko na nandoon si Mishka. Ang alam ko, wala namang alaga si Vice na nakapasok dito ah? Agad naman akong bumangon at inilabas ito. Ayaw kasi ni Vice na may hayop sa kwarto niya. Baka daw kasi dito dumumi.
Bumalik na ako sa kama nang makuha ng atensyon ko si Vice.
Humiga ako sa tabi niya habang nakatagilid at ginawa kong pang-kalso ang kanan kong braso. Tinitigan ko siya. Nakaharap ang mukha niya sa direksyon ko kung kaya't nakikita ko ngayon ang maamo niyang mukha.
Yung itsura niya ngayon, sobrang payapa. Malayong-malayo mula sa Vice Ganda ng Showtime, mula sa Vice Ganda sa harap ng kamera, mula sa Vice Ganda na kilala ng karamihan.
Yung akala mo, hindi makulit, hindi sutil, yung akala mo 'di gagawa ng kalokohan. Ganun ka-peaceful.
Ang swerte ko kasi nabibigyan ako ng ganitong chance para makita yung ganitong side ni Vice.
Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya. Bahagya ko din iniyakap ang kaliwa kong braso sa tyan niya at hinaplos ito. Gustong gusto ko lagi na hinahawakan yung tyan niya kasi ang lambot. Naku-cute-an ako. Hindi pa din siya nagigising.
Mas lumapit pa ako sa kanya at dahan-dahan kong pinupugpog ng halik ang buong mukha niya. Nakita kong dumilat na ang mata niya pero hindi pa din ako tumigil. Huminto lang ako nang hinawakan na niya ako sa magkabilang pisngi.
"Anong meron? Bakit naglalambing yung asawa ko?" sabi niya gamit ang morning voice niya. Ang sexy naman.
Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa sinabi niya.
"Oh? Ngingitian mo lang ako?" natatawang tanong ni Vice sa akin.
"Kinilig po kasi ako sa sinabi mo," malambing kong sabi sabay nakaw ng halik sa labi niya. Nakatanggap naman ako ng sampal sa kanya.
"Para san yun?" nagtataka kong tanong.
Tinakpan niya ang bibig niya. "Bastos mo kasi. 'Di pa ako nagtu-toothbrush. Makahalik naman," sabi nito habang nakatakip pa din ang bibig niya.
"Ang sakit kaya ng sampal mo," kunwaring nagtatampo kong sabi.
"Hala, sorry," malambing niyang sabi sabay halik sa pisngi ko na nasampal niya.
"Kiss mo din ako dun," nakapout kong sabi. Naguluhan naman siya sa sinabi ko.
"Saan? Eh dun lang naman kita nasampal ah?" naguguluhang sabi niya.
"Masakit din dito oh," nagpapa-awa kong sabi sabay turo sa bandang puson ko. Nanlaki naman ang mata niya sabay hampas sa dibdib ko.
"Hoy!" pagsaway niya sa 'kin.
"Pinasakit mo kaya 'to kagabi. Palibhasa lasing ka. Hindi mo na alam kung anong ginawa mo sa akin. Pinahirapan mo pa ako," pangongonsensya ko sa kanya. Pero imbis na maawa siya ay sinabunutan niya lang ako.
"Napakabastos mo talagaaa!" nanggigigil na sabi niya habang sinasabunutan ako.
"Aray! Tama na!" natatawa kong sabi habang sinusubukang tanggalin ang kamay niya na nasa buhok ko.
Nahuli ko ang kamay niya at pumatong ako sa ibabaw niya. Ni-pin down ko siya para hindi na siya makapalag pa. Nakita ko din na bahagya siyang kinabahan. Napangisi naman ako.
"U-umalis ka nga," naiilang niyang sabi. Hindi pa siya makatingin sa mata ko.
Mas lalo akong lumapit sa kanya. Nakita ko siyang napalunok.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?