VICE
Pagkatapos ng ilang oras naming pagpapahinga, ay tumayo na ako sa kama. Isinuot ko ang polo na nakita ko sa isang tabi. Mukhang bagong laba naman kaya no worries. Isuot ko na din yung panty na sinuot niya sa akin kanina at agad na dumiretso sa banyo para makapaghilamos.
Pupungas-pungas pa akong pumunta sa inidoro at saka umihi. Inaantok pa talaga ako. Hay nako.
Pagkatapos ay pumunta ulit ako sa lababo para maghugas ng kamay at magsipilyo. Nagulat na lang ako nang biglang may sumulpot na dalawang braso sa bewang ko at niyakap ako noon. Napatingin ako sa salamin at nakita ko si Ion na nakatingin din sa akin, through my reflection sa salamin. Tinapos ko muna ang pagsisipilyo ko bago ko siya tinanong.
"Oh? Bakit nagising ka?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ko ang bawat galaw niya sa salamin. Panaka-naka niyang hinahalikan ang bandang kanang leeg ko.
"Nagising ako kasi nawala ka sa tabi ko kanina," bulong niya at ipinatong naman niya ang baba niya sa kanang balikat ko.
He looked at me straight into my eyes, thanks with the help of mirror. Nagwapuhan ako sa itsura niya na nakikita ko ngayon.
My eyes wandered from his messy hair, to his eyebrows, sa mata niya na mas maganda tuwing bagong gising siya, sa labi niya na bahagyang humaba nang tignan ko siya, sa bigote niya at sa balbas niya. Nakadagdag pa na naka-reading glasses siya na round. He looks like a boss. He looks so mysterious. He looks so dominant.
Lalo na kanina. It was a bit rough and dirty love making but I can't deny that I loved it. He, being the dominant is a surprise for me. And I think, I would love to see that side even more if he does it when we make love. Ehe.
Humigpit ang yakap niya sa akin pero hindi naman umabot sa point na masakit na. Napahawak naman ako sa mga braso niya na nasa bewang ko.
Ilang segundo ko pang tinignan ang mukha niya hanggang sa mapangiwi ako. Hinarap ko siya at nagtaka naman siya sa reaksyon ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Alisin na natin yung balbas at bigote mo, Babe," sabi ko na sabay haba ng nguso ko. Napangisi naman siya ipinagtaka ko.
"Bakit? Nakikiliti ka ba kapag hinahalikan kita?" sabi niya sabay lapit pa sa akin kaya napa-atras ako at naramdaman ko na lang na tumama na ang balakang ko sa lababo.
"Magtigil ka nga sa kaharutan mo, Babe. Tanggalin na kasi natin yan," pangungulit ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi pumayag.
Kinuha ko na yung razor at yung shaving cream. Tapos pinaghilamos ko muna siya. Iaabot ko na dapat sa kanya yung shaving cream nang buhatin niya ako at i-upo sa sink.
"Anong trip mo?" takang tanong ko.
"Di ba ikaw naman yung may gusto na wala na yung balbas at bigote ko? Ikaw na din yung mag-hahit," sabi niya na ikinangiwi ko. Hindi ko talaga alam kung saan nakuha ng asawa ko yang accent niya na yan.
"O sige na nga. Halika na. Lapit ka na dito," sabi ko na agad naman niyang sinunod. Tumayo siya sa pagitan ng mga hita ko at itinapat yung mukha niya sa mukha ko, mas mababang lebel nga lang yung kanya.
Inumpisahan ko nang lagyan ng shaving cream yung parte ng mukha niya na may buhok at saka dahan-dahan itong pinasadahan ng pag-ahit. Nakapatong naman ang magkabila niyang siko sa gilid ko at nakatingin siya sa akin.
Simula nang mag-umpisa ako hanggang sa matapos ako sa pag-aahit sa mukha niya ay kahit isang beses yata ay hindi niya inalis ang titig niya sa akin. Ganda ko talaga. GGSS amputs.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?